CHAPTER 14

78 4 0
                                    

Calliah's POV

Nang makarating kami sa dting bahay nila kumag agad akong pinag buksan ng pintuan haha gentlemen talaga si Xander pagdating sakin pero kapag iba na naku hindi mo maasahan yan tamad eh haha.

"Captain jan na pala kayo" sabi ni Kurt, oh kelan pa naging captain ang tawag ng mokong na to sa Boyfriend ko aba aba lumelevel up ah

"Oy Kurt iba nanaman tawag mo kay Xander ah" sabat naman ni JM

"Parang mas maganda kasi yun nalang yung itawag natin sa kanya tutal sya naman yung capital sa basketball" sagot naman ni Kurt tumango tango naman sila

"Oo mukhang maganda nga yun ah" sabi naman ni kuya Gab

"Sa tinagal tagal ko ng captain nyo ngayon nyo lang naisipang tawagin akong captain tss" sabi naman ni kumag habang nakaakbay sakin nag tawanan naman sila

"Pero oy Xander san mo dinala yang kapatid ko bakit ang tagal nyo?" tang ni kuya

"Eh pano bayaw nag aabang pala kanina yung ex ni Calliah sa parking lot at tinangka pang agawin sakin ah" sagot ni kumag

"Ano ang talunan na yun nandito na sa pilipinas? Hoy Xander wag mong ibibigay yang kapatid ko ah" sabi ni kuya kay kumag napatingin naman ako kay kumag dahil hindi sya nag sasalita at muntik na akong mapahalakhak ng tawa dahil sa reaksiyon napatingin ako dun sa iba ganun din sila

"M-mga dude *pffft* sa loob na ako ah" sabi ni kuya Gab halatang nag pipigil ng tawa haha

"Ah *pffft* ako rin" sabay sabay na sabi nila JM, Kurt at Daniel

Nang makaalis yung apat narinig ko ang halakhakan nila sa loob,  napatingin naman ako kay Xander ganun parin sya kaya siniko ko na sya

"A-ah bayaw ibig bang sabihin nun eh tanggap mo na ako bilang bayaw mo?" utal utal na tanong ni kumag

"Pwede narin kesa naman sa gagong Josh na yun pag papasensyahan nalang kita" sabi ni kuya

"Grabe ka naman sakin bayaw samantalang noon sinasamba mo ako" sabi ni kumag kay kuya pero pabulong na lang yung sa huli nyang sinabi pero rinig ko iyon

"Tara na nga sa loob malamok kaya dito sa labas tss" reklamong sabi ko nag tinginan naman silang dalawa at sabay ngiti ng nakakaloko at sabay silang nag lakad at iniwan ako "ah so iiwan nyo ako sa labas ng mag isa ganun" sabi ko pero wala parin silang pake ah ganun ah, may naisip akong kalokohan  "ok aalis nalang ako, PUPUNTA NALANG AKO SA BAHAY NILA JOSH" sabi ko at may pag didiin dun sa huling mga sinabi ko, tinalikuran silang dalawa pero may biglang humila ng kamay ko

"Don't try woman mamatay yung lalaking yun" seryosong sabi ni kumag

"Iiwan nyo ko sa labas eh edi aalis nalang ako tsk" sabi ko

"Baby girl naman di lang mabiro" sabi ni kuya

"Whatever" irap na sabi ko at nauna ng pumasok sa loob nakita ko naman yung apat kanina tawa parin sila ng tawa mga baliw, nakita ko naman sila Hunter na nanonood ng NBA

"Hunter yung mga babae?" tanong ko

"Nasa kusina sila Cal nag hahanda ni iihawin natin mamaya" sabi nya naman

"Ah ok thank you" sabi ko sabay Ali's papuntang kusina

"Sa tingin nyo girls magkakabalikan pa ba si Calliah at Josh?" rinig kong sabi ni Jamica dahilan para mapahinto ako

"Alam nyo sa tingin ko hindi na kasi diba sobra syang nasaktan noon kaya malabong mangyari yun" sabi naman ni Eunice

"Hoy kayo tumigil na nga kayo jan mamaya madatnan kayo ni----" hindi na naituloy ni Kythe ang sasabihin nya dahil nag pakita na ako sa kanila

IM INLOVE WITH MAFIA PRINCEWhere stories live. Discover now