Chapter 2 Sophia

21 0 0
                                    

Kidding aside, maganda kaming magkakaibigan. Yun nga lang may kanya kanyang trip at sapak sa buhay.. Malamang magkakaibang indibidwal. Unique ika nga nila..haha binasag ko sarili kong explanation..

Si Tiffany, medyo playgirl. Walang sineryoso. Simula ng iwan siya nung last boyfriend niya. Grabe nga kung makangawa. Umabot ng planet of the apes ang uha.. Muntik na ngang sipain ni Teta palabas ng bahay nila ng minsang mag overnight kami sa kanila at mag girltalk kami..haha epic talaga yun.. Nakakahiya sa mga kapitbahay.

Simula nung first year kami sila na. Tapos nung second sem ng second year namin naabutan niya sa dorm na may ka-toot na ibang girl. Masakit yun te!! (Kahit di ko pa nararanasan..hehe) Ayun sinampal niya ng kaliwa't kanan yung ex jowa niya sa harap nung girl at sinipa yung precious something below the belt..haha Hindi na daw siya uulet..

Si Recca, ayun.. Strict ang tita.. Old maid kasi, bitterguard..haha Kaya di makapagboyfriend si Recca. Anyways, may unrequited love sa ex boyfriend ng ex bestfriend niya..hehe Ang gulo.. Highschool pa daw siya nun. At dahil ang bestfriend ang unag nililgawan este ginawang tulay pala ayun.. Siya ang nainlababo. And the rest is history.. Masyadong mahaba kung ikukuwento ko. Next time na lang. At malamang sa malamang yung history eh isang clique love story..haha 

Di pa din daw siya makarecover. Sobrang deep ng pagkakahulog eh.. Sweet daw yung guy..haha Kayo kayong mga guys, ayan ang tip. Mahilig sa sweet si Recca. Wag lang sa food at takot daw siya magkadiabetes at bawal masira ang figure.

Si Teta, ayaw pa daw niya talaga at hindi pa niya nakikita ang man of her dreams. Mala prince charming ang dating ng qualities na hinahanap ni ateng..haha Ang taas ng standards. Feel na feel niya daw kasi si Cinderella..hehe Nung bata daw kasi siya mahilig siya manuod ng fairytales. Kaya ayun ang tumatak sa isipan niya. May pagka Maria Clara at hinahanap si Crisostomo Ibarra..haha Gusto niya kasi ang unang boyfriend niya ang siyang maging una't huli niya.

Si Mitchie naman currently at ang natatanging in relationship saming lima. Oki doki naman sila ng jowabels niya. Mukha namang mabait at responsable nung minsang ipinakilala niya samin. Medyo malihim ang lola mo sa relasyon nila.. Ayaw mashowbiz..hehe Taga kabilang college lang.. Engineering ata kung tama ang tanda ko..hehe May itsura naman, kasali daw kasi sa basketball team ng college nila.. tsk Requirement ba yun? Gwapo ka na magaling ka pa magbasketball.. Ikaw na..haha Bitter lang.. Feeling neseyi ne eng lehet..hehe Bagay naman sila ni Mitchie kaya wala na kaming palag. Maliban kay Tiffany na laging bukambibig, " Sasaktan ka lang niyan. Maghihiwalay din kayo.."haha ampalaya teh..

As for me, hehe I'm afraid to love. I'm afraid to love and again I am afraid to love. Bakit? Kasi takot akong maiwan. Nakakatakot ang salitang goodbye.. End of the story..

hahaha JK!! Wag na muna nating i-elaborate.. Later.. Para kunyari pa mysterious effect..

Afraid to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon