At ngayon nkarating nko sa Manila.
Ang unang pumasok sa isip ko ay ang paghahanap ng isang murang apartment na kung saan ay doon ako maninirahan hanggang ako ay mkakatapos ng aking pag-aaral.
Sa aking pag lalakad ay may nakaagaw ng aking pansin ang isang bata na namamalimos nagulat ako dahil may mga bagay din pala na magkapareho sa Manila at sa probinsya. Agad kong binigyan ang bata na kung ano man na meron akong iilang barya sa aking pitaka.
At pinagpatuloy ko ang aking paglalakad, sa tabi ng kalsada ay may bigla akong nabasa sa isang bahay na nag sasabi na "Roon for Rent" dali dali akong kumatok para malaman kung magkano ang ang renta per month nang ako ay matapos sa pagkakatok ay may agad na naagbukas ng pinto..........
Isang babae cguro mga nada 40's na rin. Pinatuloy nya ako sa kanyang at binigyan ng makakain at sinabi...
"Iha, anong kailangan mo? "
"Nandito po ako para sa 'Room for Rent' na nakasulat sa labas po ng bahay nyo" sabi ko.
"Ahh, kung ganon ay gusto moba makita ang kwarto na iyon? " sabi nya
"Aba syempre po" mahinahon kong sabi
Agad kami tumungo sa parang apartment na rin kung titignan makakakilos ka naman ng maayos sa laki nito kung sa tingin ko ay mag kakasya pa hanggang 2 na tao.
"Ano nagustuhan moba? "
"Okk naman po" saad ko
"Kung gayon po ay magkano po per month ang upa? " dagdag ko
"P3000 per month iha" tugon nya
"Ahh ehh... Pasensya napo dahil hanggang P2000 lang po ang kaya ko" sagot ko sa sinabi nya
"Ahh ok lang makakahanap ka rin ng murang apartment"
"Salamat po, aalis napo ako"
At nang ako ay makaalis pinagpatuloy ko ang aking paghahanap ilang minuto na ang nakakalipas pero wala parin akong makita na apartment, kaya napagdesisyunan ko na huminto at bumili muna sa kalapit na tindahan para makapagpahinga saglit habang ako ay nagpapahinga may nakita akong papel na naka dikit sa tindahan at binasa ko ito na may sulat na "Apartment for Rent only for P2000 per month (address) " agad kong sinabi sa tindera kung maaari ko bang kunin ang papel at punayag naman ito nag pasalamat ako agad at kinuha na nga ang papel habang ako ay naglalakad at nakatitig sa aking hawak na papel ay may bumangga sa aking lalaki mga kasing edad ko lang ang bad nya kung titignan pa lang sa pormahan at kilos ni hindi pa nga nagsorry sa akin kahit na ako ay napabagsak na sa lupa
"Aray! "medyo may inis at sakit kong sabi
"Alam mo miss kasalanan mo yan di ka kasi tumitingin sa dinaraanan mo kung tumitingin ka sana ay naiwasan mopa tanga! " sabi nya na galit
(Agad akong tumayo) "aba so kasalanan kopa? Haaa?!!! " (hindi kona inantay ang susunod na sasabihin nya agad na akong umalis)
Nang ako ay makarating sa address na nasa papel agad akong kumatok at pag bukas ng pinto ay isang matandang babae mga 60's na rin sya sa tingin ko.
(Medyo napahaba ata ang chapter na ito hahaha comment lang kayo kung ano ang masasabi nyo ay kung ano ang concerns nyo hihihi thanks sa pagbasa.)
YOU ARE READING
The Nerdy Girl and The Bad Boy
RandomAng kwento kopo na ito ay kathang isip lamang hindi kopo ito ginaya o kinopya o ang tinatawag natin na copy write kung may magkapareho ang mga eksena sa ibang book ay nagkataon lamang ang mga pangalan ay kinuha sa drama.... Ty....