Tayo

4 0 0
                                    


Tayo, isang salita na may apat na letra
Isang salitang nakakaenganyo
Isang salita na masayang pakinggan
Isang salita na hindi para sa taong nag-iisa kundi para sa taong nagkakaisa

Tanging apat na letra na may
Isang salita at ito ay TAYO
Pero teka, meron bang tayo?
Oo nga pala, wala nga palang tayo dahil Ikaw at Ako lang ang meron

Walang tayo dahil bawal pa,
Bawal pang magsama
Bawal pang magkaisa
Bawal pang gumala na tayo lang dalawa at lalong bawal pa ang
makaroon ng TAYO

Sa totoo lang, hindi mahirap sa atin na walang tayo mahal dahil alam natin na mahal na mahal natin ang isa't isa at alam nating ika'y akin at ako'y sayo lamang

Ngunit,makakaya mo ba mahal ko?
Makakaya mo bang walang tayo?
Makakaya mo bang ganito nalang?
na walang label??

Dahil mahal, sa oras na may magtanong na....
Kayo na ba?
Kailan lang?
Ilang buwan na kayo?

Anong isasagot mo mahal?
Anong sasabihin mo?
Anong gagawin mo?

Hindi mahirap na walang tayo
ngunit natatakot ako mahal,
Natatakot ako na baka isang araw may makita kang iba,
Na baka sa isang araw may iba
na ang nagpapasaya sayo,
Na baka sa isang araw hindi na ako ang mahal mo

Pero ang sabi mo sa akin ay
"Mahal na mahal kita mahal ko,
handa akong maghintay kahit ilang taon pa yan, dahil ikaw lang ang babaeng mahal at mamahalin ko habang buhay"

Ngunit,mahihintay mo ba
talaga ako mahal?
Mahihintay mo ba talaga
na maging tayo?
Kaya mo ba talangang mag
hintay ng isa? Dalawa? O higit pa mahal ko?

Sana nga mahal
Sana nga'y mahintay mo pa ako

Dahil ikaw lang ang lalaking gusto ko,
Ikaw lang ang lalaking minahal
ko sa buong buhay ko,
Ikaw lang ang lalaking nagpapasaya
at nagpapatibok sa puso kong nanahimik

Kaya nagtanong ako sayo mahal at ang sagot mo sa akin ay OO.
OO dahil gusto mo na ako lang,
Na ako lang ang babaeng mamahalin mo
Na ako lang ang babaeng gusto mong makasama habang buhay

At ang sabi ko naman sayo mahal ay,
Sana nga,sana nga'y matupad mo ang pangakong binitawan mo upang sa pagdating ng tamang panahon ay makakamit na natin ang inaasam nating maging TAYO



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 07, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spoken poetryWhere stories live. Discover now