Chapter 21-Weak

398 16 9
                                    

weak by jojo on the side-->>

Francine POV

Nasa bar kami ngayon kasama ko si Margaret at Angelo.

"Sasagutin mo na ba si Angelo, Bes?" Natanong ni Margaret.

Nilagok ko muna ang alak bago sumagot, saktong patama ang kanta sa akin bwisit.

"I dont know ayokong paasahin ka Angelo." Prangka kong saad saka tumingin kay Angelo.

Malungkot ang mga mata nito habang nakatitig sa akin.

"im willing to wait, Francine." Umiling ako. Ayokong magsisi sa huli.

Nakita ko 'di kalayuan si Ricci kasama si Nadi at nagtatawanan sila binaling ko sa iba ang tingin ko. God, I'm jealous gustong-gusto kong sabunutan si Nadi ngayon.

Pero pinigilan ko ang sarili ko. Nilagok ko ulit ang alak bago tumingin kay Angelo.

"Nagbago na ba isip mo, Girl?"

Umiling ako kawawa si Angelo ayoko siyang paasahin mako-konsensiya ako.

"Kiss me, Angelo."

nagulat siya sa sinabi ko. Ibabalik ko na lang ang dating ako ang pagiging playgirl ko.

"Are you sure?"

"Do i look like I'm joking?"

Natarayan ko pa tuloy ngumisi siya.

"Go Angelo maraming boys nangangarap matikman lips niyan." Gaga talaga nito eh.

Inirapan ko siya kailangan pa talagang sabihin yun?

Lumingon ako ulit kay Ricci at nakita kong nakatitig siya sa akin blanko pa rin ang titig niya gaya nung sa elevator geez that kiss. Siya lang talaga may kakayahang magpahina sa akin siya ang kahinaan ko titig niya pa lng nanlalambot na ako.

"Are you okay, Girl?"

"Yeah."

Nabigla ako ng bigla akong siniil nang halik ni Angelo. I heard people screaming napapikit ako siya ang nakikita ko.

May biglang humablot kay Angelo at pagmulat ko nakasalampak na siya sa sahig dumudugo ang labi may biglang humila sa akin sisinghalan ko na sana siya pero natigilan ako nang makita siya.

"R-ricci." Bakit niya ako hinila?

Nanghina na naman ang tuhod ko dahil sa kanya. Bakit ba mahal na mahal ko siya? Nagiging tanga ba talaga ang isang tao pagdating sa pag-ibig?

"Fuck! Why did you let him kiss you?" Nagpipigil sa inis na saad nito.b

"Ano bang pakialam mo ha? Nakikipag-landian ka naman sa ex mo di'ba?"

Dumilim ang mukha nito at sinandal ako sa pader. Hindi ko ipapakita sa kanya na natatakot ako sa kanya na nanghihina ako dahil sa kanya. I'm a strong woman.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kahapon ha."

Nilabanan ko ang titig niya kahit nanghihina na ang tuhod ko dahil sa kanya.

"You're mine. Akin ka lang, Francine!"

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Tapos ikaw! Pwedeng makipag-landian? Ganun ba? Grabe ka! Alam mo bang nasasaktan ako-"

Hindi ko na natapos ang sinabi ko ng hinapit niya ako sa bewang at mabilis na hinalikan sa labi. Mapusok at marahas ang halik niya parang pinaparusahan ako sa nagawa ko kanina.

Hindi ako makakilos nanatili ako sa ganung posisyon patuloy pa rin siya sa paghalik sa labi ko. Nang mabalik ako sa katinuan ubod lakas ko siyang tinulak at sinampal. Nagulat siya sa pagsampal ko mabilis ang pag-hinga ko, Ang kapal kapal ng mukha niyang halikan ako.

"Bullshit! Hindi mo pa rin ba maintindihan ha? Kahit hindi kita maalala nagseselos ako tuwing may lumalapit sayong iba!"

Umiling ako saka pinahid ang luhang naglandas sa pisngi ko.

"Patas lang tayo sinaktan mo rin ako eh." Saka ako umiwas sa kanya pero hinawakan niya ang kamay ko.

"I tried to remember everything about you and about us, Francine pero hindi talaga please help me help me remember you." Pakiusap nito sa akin.

Nakita ko ang hirap sa pananalita nito ganun din sa mga mata niya.

"Everytime I saw you my heart beats fast. I dont why, you make me crazy. I can't sleep every night thinking of you. Bakit sa lahat ng 'di ko maalala ikaw pa? Bakit ganun? I want to remember you, everything about us."

Uminit ang gilid ng mga mata ko lalo dahil sa sinabi niya, gusto niya akong maalala bumuntong hininga siya at pinunasan ang luhang papalandas pa lang sa pisngi ko.

"Si Nadi pa rin ang nilalapitan mo and it hurts so much!"

"Siya ang naalala ko, Francine."

"Hindi ka maniniwala sa akin naalala mo sa ospital pinagtabuyan mo lang ako eh."

"I'm sorry magulo pa utak ko noon sa ospital."

"Kahit 'di ka pa makaalala sana maramdaman mo sa puso mo na ako na ang mahal mo at hindi ang Nadi na yun!" Mahina ko siyang tinulak saka tinalikuran.

"I wont give up hanggang sa makaalala na ako maalala na kita hintayin mo lang magiging akin ka ulit." Bumuntong hininga ako saka naglakad na papalayo sa kanya.

You dont have to say it sa'yo lang ako Sayong-sayo lang kahit ano'ng mangyari.

My Arrogant MechanicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon