“Good morning, Mrs. Montefalco! Pinapabigay po ni Sir L.” sabi ng Secretary niyang si Nicole sabay abot ng flowers at Chocolate sakin na tinanggap ko naman kaagad. Eto talagang asawa ko, napaka sweet.
“Thanks, Nicole.” Tumango lang si Nicole at lumabas na nang bahay. Tiningnan ko naman ang sulat na nakakabit sa bulaklak.
Morning, Love. Sorry I didn't wake you up. You sleep like a child. Haha. By the way, baka late akong makauwi mamaya. May dinner meeting kasi ako with potential client. Don't forget to eat your breakfast, Love. Andun sa mesa. Pinaghanda kita. Hope you like it. I love you so much.
-Harvey
Napangiti ako. Ang swerte ko talaga sa asawa ko. Wala na akong mahihiling pa. Tinungo ko agad ang kusina at nakita ko kaagad ang mga pagkaing natatakpan ng pantakip. Natural. Haha. May gatas din at may nakapikit na maliit na papel sa baso.
Good morning, Love. Initin mo nalang tong gatas. I know you don't like cold milk. I love you.
Again. Napangiti na naman ako. Kinuha ko ang phone ko para matawagan ang asawa ko na sinagot niya naman agad.
"Hey, Love. Like the flowers?"
“Yep. And thanks for the breakfast, Love. I love you.”
"I know and I love you too. Now, take your breakfast."
“Yes, Sir.”
At in-end ko na ang tawag at nagsimula ng kumain.
Pagkatapos ko, naghanda na ako papunta sa Studio ko. Yup! I own a Studio. Regalo yun sakin ng asawa ko nung Birthday ko. I'm a professional photographer after all. At may mga models din ako na galing sa company ng asawa ko. Minomodel kasi nila ang iba't-ibang jewelry, mga damit, shoes at iba pa.
Simpleng Black V-neck T-shirt at faded jeans at Black sneakers lang ang suot ko. Dito kasi ako comfortable.
Pagkadating ko sa studio, sinalubong kaagad ako ng Secretary ko na si Nadia.
“Good morning po, Ma'am.” tumango lang ako at dumiresto na sa lamesa ko.
“Nasan na yung mga model, Nadia?”
“Nasa dressing room po, ready na po silang lahat.”
“Ok. Palabasin mo na sila then we'll start. Para maaga tayong matapos.”
Sinunod niya naman agad ang sinabi ko at sinimulan ko na silang kuhanan ng litrato.
“Done! Good job guys. You may all take a break.” Nilagay ko na ang camera ko at tiningnan isa isa ang mga litrato ng mga models. Gorgeous.
Pagkarating ko sa opisina ko, umupo agad ako sa swivel chair ko at pinikit ang mata ko. Nakakapagod.
Maya maya pa ay pumasok si Nadia.
“Ma'am, Pinapabigay po ng asawa niyo. Baka po kasi makalimutan niyong mag lunch.” automatic akong napangiti. Nawala bigla ang pagod ko. Ano pa bang hahanapin ko sa isang Harvey Luis Montefalco? I really love that man.
“Sige. Salamat, Nadia. Mag lunch ka na din.” tumango lang siya at lumabas na nang office ko.
~~~
6:40 p.m nang makauwi ako ng bahay. Hindi na ako nagluto since hindi naman makakauwi ng maaga ang asawa ko. At busog pa din naman ako. Dumiretso nalang ako sa kwarto namin para magpalit ng pantulog.
Humiga agad ako at nanood ng tv. Pampalipas oras.
At dahil masyadong late na, oinatay ko ang tv at natulog.
Nagising ang diwa ko nang may humalik sa noo ko at tumabi sakin. My husband is finally home. Humarap agad ako sa kanya.
“Sorry nagising yata kita.” Ngumiti ako at hinalikan siya sa labi.
“No, it's ok, Love. How's your dinner with your client?”
“Mag I-invest daw siya sa company.”
“Wow! That's great news!”
“Yes it is. Now, matutulog na tayo. I'm tired.” hinalikan niya ulit ako sa noo at niyakap ako. I really feel safe in his arms. Pinikit ko na ulit ang mata ko.