Chapter 13

250 5 0
                                    

It was a sunny monday morning. Unang araw ito ng aming klase. Hinihintay ko si Dylan ngayon kasi susunduin nya ako. Isang linggo makaraan ng paguwi nila dad ngayon, paminsan ay inaaya nila ako magdinner. Their actions are unusual. Ang bait ni dad sakin! Ibinili nya pa ako ng bagong kotse kaya naman ibinenta agad namin nila Lance ang Honda ko. My dad gave me a corvette. Regalo nya raw sakin sa 18th birthday ko.

Di ko muna ito gagamitin. Saka na siguro. Dylan texted me na nasa parking na raw sya.

"Hey, you're early!" I told him as i went inside his benz.

"Can't wait to see you, that's why."
He smiled.

Pagkarating namin sa eskwelahan ay naghihintay sa parking lot ang mga kaibigan ko. Sabay sabay kaming pumasok sa mga classrooms namin. We decided to go for a block section. Kami ni Dylan, Lance and Maya. Pati rin pala si Georgette. Tinext nya ako kaninang maaga sya papasok. Kaya naman ng pagdating namin sa classroom ay nandun na sya. She was staring at us when we came inside the classroom. Umupo kami ni Dylan sa likuran while Lance and Maya is in front of us. Lumapit si Georgette saamin.

"Uh guys, this is my sister, Georgette. Georgie, this is Lance and Maya, and this is my boyfriend Dylan."

Nakipag handshake sya kay Maya at Lance maliban kay Dylan. Isang tingin lang kasi ang iginawad nito sakanya at bumalik sa paglalaro ng cellphone.

"Nice to meet you all." Bati nya.

"Oh, by the way, Dylan right? Pwede ba dito nalang ako sa tabi mo? Para mapalapit ako kay Bella."

"I'll switch places with her then." Sagot ni Dylan.
Nakatingin lang kaming tatlo sakanila.

"Uhh no no.. baka pag nagtabi kami hindi makapag concentrate si Bells kasi dadaldalin ko lang sya.. okay na to.. atleast i'm close enough with her." Sagot nito.

Nakakapagtaka ang desisyong iyon, di naman madaldal si Georgette at pala aral naman sya.. may naiisip ako pero di ko iyon pinansin. Di rin sya pinansim ni Dylan. He just scoffed at her.

Nang matapos ang klase at ng mag lunchtime ay wala akong nagawa kundi isabay si Georgette sa lunch. Okay narin para makilala nya ang ilan pang mga kaibigan.

"Wow, your sister is pretty huh Bells." Sabi ni Charlie. Namula lang si Georgette sa sinabi nito.

Tumayo si Dylan. "What do you want to eat?" He asked me.

"Carbonara please, and an organic lemon juice." Sagot ko.

Nagulat ako ng nagsalita si Georgette.
"Can i come with you? I want to see the menu."

"Ikaw ang bahala." Dylan answered and stormed out of the scene. Agad na sumunod si Georgette sakanya.

Nagkakatinginan lang ang mga kaibigan ko ngunit di ko ito pinansin.

"Girl, may nasesense ako sa sisteret mo..." si Lance.

"Tumigil ka nga! Kung ano man yan, asa naman sya no? Alam nyang patay na patay si Dylan kay Bella." Sabi ni Maya.

"Mas maganda ka parin." Si Dalton naman.

Suminghap lang ako. Tinignan ko ang dalawa sa malayo. Nakangiting kinakausap ni Georgette si Dylan habang tinitignan nya ito. Di naman ito nagsasalita at tumitingin sakanya.

"Guys, di naman siguro. Di man kami nagkasama sa paglaki ni Georgette but she's really nice.. we always get in touch at sa tingin ko may respeto naman sya sakin."

Sana. Yun nalang ang naiisip ko ngayon. Alam kong aking akin si Dylan. Pero syempre, mahirap kumilos kung mismong ang kapatid ko ay may gusto sakanya, di ba??

Breathe me In (Moon Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon