Nang dumating sila sa orphanage ay sinalubong sila ng dalawang madre. It was Sister Cynthia who approached them first at sinundan iyon ng Head Sister. Si Sister Margaret.
Simula nang dumating sila sa ampunan they could see how happy the kids were. Napupunan ng bawat isa sa kanila ang kalungkutan ng isa. Kong merong nagtatawanan at nakikipag laro may napapansin din siyang nakaupo lang sa isang sulok. Contented staring at the other kids. Her heart was moved.
Ipinaliwanag sa kanila ang magiging role nila tuwing silay naroroon. Ang pagtulong sa mga elementary pupils sa kanilang aaralin at mga iba pang aktibidadis. Pero bago yon ay ang pagpapakain sa mga bata.
"Renz, and Yasmin sumunod kayo kay sister Cynthia, sasamahan niya kayo sa kusina at nang masimulan na ang paghahanda ng agahan." nakangiting sabi ni Sister Margaret.
Sumunod silang dalawa at naratnan na kakatapos lang magluto ng ibang madre, kaya't ang ginawa nila ay inihanda ang mesa sa pagdating ng mg bata na sa kasalukuyan ay nag eehersisyo na pinangunahan ni Sister Ellaine na nakilala din nila kanina.
Habang naglalagay ng ulam sa malaking plato, napansin niya na tulala si Renz, sisitahin niya sana ito ngunit nakita niya ang seryosong muka ng binata.
Sinundan niya ang tinitingnan nito at nakatuon iyon sa mga batang nag eehersisyo. Ang ibang batang lalaki sa likuran ng pila ay nagkukulitan kesa sumunod sa ehersisyo. She smiled.
Ibinalik niya ang tingin kay Renz and to her surprise ay ngumingiti ito. A sensible smile whatever that means. And at that moment parang hindi niya nakikita ang pilyong ngiti ng isang teenager na binata,kundi ngiti ng isang lalaki na puno ng karunungan, and her heart skipped a beat at bago pa siya dalhin ng kaisipan kong bakit yon tumitibok, nilapitan niya si Renz and tapped him. The boy looked at her.
"Baka gusto mong bilisan ang paglalagay ng mga plato sa lamesa, lalagyan ko pa ng ulam yan"
Nginitian siya ni Renz and the impish grin is there again.
"Sorry, naalala ko lang nong nasa elementarya tayo every flag ceremony ay nagkukulitan din kami nina Ralph ng ganyan at laging napapagalitan"
He told her."Yes naalala ko yon and pinagalitan kayo ni Miss Amy coz you were messing the whole line at dahil doon ay nagkagulo,dahil sa pagmamadali mo hinubad mo yong sapatas mo just so di ka maabutan ni Teacher Vin" she chuckled with the thought.
"At naalala ko na inis na inis ka kasi out of nowhere ay may dumikit na bubble gum sa buhok mo, you were so ugly that time." Renz laughed so hard.
At don nawala ang ngiti niya. Napaka! ng lalaking to.
Hinampas niya ito sa braso gamit ang isang kamay at inirapan.
Mas lalong tumawa ang lalaki. She tried to focus on what she's doing pero ang makulit na lalaki ayaw siya tantanan.
"Renz tatahimik ka o ibabato ko sayong kalderong to" she said with gritting teeth.
Tumigil si Renz sa pagtawa. Pero halatang pigil
"But kidding aside you were'nt ugly. Even with the bubble gum in your head you still look so cute"
She raised her eyebrow, yet blushing. 'such a playboy'
"You can keep the sweet words to yourself you know"
Renz just grinned at ipinapagtuloy din ang ginagawa. Kahit na sabihing tumigil na ito sa pangugulo sa kanya ay hindi niya maiwasang mailang. Hindi man siya nakatingin ay nakikita niya sa peripheral vision niya na tinitingnan siya nito and she hated being awkward.
Maya't maya pa ay pumasok na ang mga bata at si Sister Margaret, naghugas muna ang bata ng kamay at pagkatapos nagsipag upo sa kanya kanyang upuan. Nagdasal na pinamunuan ni Sister Cynthia, started the prayer, at pagkatapos ay nagsipag kainan na. Yanna saw how hungry the kids were. And smiling while looking at the kids, eat with gusto. Unaware this time that the boy beside him was staring at her intently.