I

100 4 1
                                    

She quickly took the paper and rushed towards the direction of the escalators.

Dapat kasi hindi ko na dinala lahat ng libro ko! Ang bigat parang matatapon ako kung pabigla-bigla akong liliko!  

Bahagya niyang naisip habang nahingal na tumakbo papunta sa pangatlong palapag ng skwelahan.  Buti nalang at medyo pamilyar na siya sa pasikot-sikot sa unibersidad, kung hindi baka mawala pa siya at hindi maabutan yung taong pinpuntahan niya.

Naka-ilang liko na siya galing sa main campus papunta sa Dr J Centre.  Ang Dr J Centre ay isang Recreational Complex.  Pwede kang lumabas to access it at pwede rin itong ma-access sa 3rd Floor ng main campus ng university.  Sa lamig at blizzard sa labas, sino bang gustong lumabas sa ganyang sitwasyon?  Nakailang ikot na siya at buti nalang naabutan niya na bukas pa yung swimming pool area.

"Quinto! Nasaan ka?!"  Umalingawngaw yung boses ko sa loob ng pool area.  Wala na akong marinig na mga boses sa mga change room.  I was too late. Nakakainis naman ito.  Parang tanga, tumakbo ako para sa wala. So I did a huge sigh and turned towards where I went in.  Aalis na sana ako nang may biglang kumalabit sa akin at tuluyan akong napatalon.

"Vi!"  Tawag nang lalaking kaharap ko at naka-ekis na yung kamay sa ulo niya. 

Asar! "Muntikan na kitang mabatukan kang bata ka!" 

"Sus, dude you better chill. You should stop drinking coffee every day. You're getting too antsy at  everything." Sambit sa akin ni Andy Quinto.

"Dude dude mo mukha mo!  Alam mo namang ayokong may namimigla eh! Hindi ako rin ako nagkakape! 'bayan! "

"It's not like I did anything wrong to you!  Also, no one else is here but us.  Everyone is already showering and getting ready to go home."

"Malay ko bang may mamamatay tao na nakapasok sa skwelahan natin!"

"Oh may gulay!  We have a lot of security guards walking around our school!  That kind of stuff should not be happening.  And if it so happens that someone might slip in with a gun or whatever, I'm here anyways to protect you."  Sabi niya sabay kindat sa akin.

"EEEH! Kadiri ka. Stop doing that! That is so weird!"

Humagalpak lang siya sa tawa dahil sa reaksyon ko.  Pagkatapos niyang tumawa ay ginulo niya buhok ko.  Buti nalang at wala akong pake sa hitsura ko ngayon.  Kakatapos ko lang kasi mag-midterms wala ring silbi kung mag-aayos ako.  Hindi nakakatulong yung masasayang kong oras sa pag-m-make up.  Naka Timberland high cut ashy gray boots ako with black sweatpants na naka-doble sa loob ng black leggings , black  t-shirt and maroon sweater.  Akala niyo all black eh ano?  Naglagay ako ng ibang kulay sa kasuotan ko para naman hindi masyadong halata na naglalamay ako.  Oo, naglalamay ako para sa mga brain cells kong na-fry sa kakatutok sa pag-aaral.

"Luán (Twin)! ano? Bakit ang atat mo akong mahanap? Miss mo na ako ka agad?"

"Ano ba Andy! Luán tayo tapos ganyan asta mo sa akin! Hindi ka ba nandidiri?"

"Bakit ako mandidiri Vi? Luán nga tayo diba kasi halos ikaw na yung other half ko.  Whatever happens to me, wherever I go and whatever I do, you know me like the back of your hand. And ---"

"And whatever happens to you, wherever you go, and whatever you do, aasahan mong I will be there no matter what."

Nagtinginan kaming dalawa nung sinabayan ko siya sa pagtapos ng sasabihin niya at sabay tawa pagkatapos.

"Heh, luán!  Tignan mo ito oh!" Sabay abot ko sa kanya ng papel.

"Let's celebrate Asian Heritage Month! Come and audition for the Talent Show for the event! If interested please contact Sakura Chen sakura.chen[at]uksa.ca.  UY! Ito pala yung rason mo kung bakit ka sumisigaw-sigaw ka kanina?"

"Eh! Bakit? Bawal maging interesado sa isang bagay??"

"Ay, luán. Hindi naman! Duh, kailan ba kita hindi sinusuportahan sa mga bagay-bagay? Lalo na sa kalokohan mo?? What I mean is that, you can always just iMessage me a picture. Ano silbi ng phone mo kung ganon.  Nagsayang ka pa ng laway at Oxyen.  Nako! Nagsasayang ng hinihinga.  Sulit-sulitin mo yan lalo na at namamatay na yung ozone layer."

Umirap ako sa kanya at sabay walk-out habang dala-dala yung papel.  Wala na akong pake.  Kung puro pambibiro lang gagawin niya, aalis na ako.  Nako nagsayang ako ng effort.  Bwisit.

"Oy! T-teka Vi! Binibiro lang kita! Pssssst! Huy!"

Nagsimula akong nag-power walk nung maramdaman ko yung pagbilis ng lakad niya. "Balaka jan!" Sigaw kong pabalik sa kanya. Hindi na ako lumingon pero hindi ko na naririnig yung footsteps niya. Lagot! Mahahaba pa naman binti ng siraulong ito. Mapapa-takbo naman ako dito. Baka mahabol ako, nagpaharurot ako ng takbo. Ewan na.  Hindi ko na alam kung saan ako pupunta nakalabas na ako sa complex. Dumaan ako sa first floor meaning nasa labas na ako.  UY TEKA! Ang lamig!  Well, malamang kasi winter.  Tanga talaga.  Hindi ko na alam kung saan ako dadaan. Bahala na! Takbo nalang ako ng takbo kung saan-saan nalang ako napadpad sa university.  Inabot ako nang hingal at sumisikip na dibdib ko dahil sa humidity at lamig.

Nasaan na ba ako?  Lumingon ako sa left tapos sa right at sa kung saan para lang may mahanap akong mauupuan or magpa-init man lang. Tsk.  Nako, wala akong nahanap kaya nagpatuloy ako sa paglalakad. I went straight sa nilakaran ko at buti nalang may nakita akong mga taong naglalakad from somewhere.  Pumunta na ako sa direksyon kung saan sila sakaling nanggaling.

Hingal na hingal na ako. My eyelashes have ice drops on them already. Ano ba temperature ngayon? Patuloy pa rin ako sa paglalakad papunta sa pinanggalingan ng mga taong nakita ko at nagkataon na may nadaanan akong tv sign at ...

"-18 degrees Celsius... Hmm -18? Bakit parang grabe naman yung lamig ngayon."  Bulong ko sa sarili ko at naghintay muna ako baka may dagdag impormasyon yung sign. "-43 degrees Celsius na windchill??? Anak ng tinopak kang tinapa! Kaya pala! Lord grabe naman!" halos pasigaw ko nang pasabi.

"Kahit kailan talaga lu...án ang ingay mo." may bumulong sa tenga ko na ikinabigla ko.  I was ready to fight nung hinarap ko yung taong yun.

"Hey chill. You are still able to move and fight in this weather?" nag-smirk siya.

"Ano ba naman kasi Quinto! Palagi ka nalang nanggugulat! May pabulong-bulong ka pang nalalaman!"  Tinignan ko si Andy na nasa harap ko ng maigi.

"Hoy! Andrés! Umayos ka jan! Bakit nag-iba ata bigla yang pananamit mo? Akala ko ba baduy yang mga ganyang kasuotan!  Bakit sinusout mo siya ngayon??"

Humagalpak sa tawa si Andy.  Nababaliw na talaga itong lalaking ito.  Tumatawa sa walang ka-alam-alamang rason.  Pagkatpos niyang tumawa, pinunasan niya yung invisible tears niya. Ang gago.

"I never thought that you would be this amusing Vienne. It truly has been a while. To think that you would actually mistaken me for Andrés , it makes me a tad bit jealous. You have forgotten me, already?"

Wala talaga akong alam sa pinagsasabi nito. Pero teka... baduy na kasuotan...Puro Ingles... Vienne tawag sa akin at hindi Vi... mukhang gago... Ay teka mukhang gago naman si Andy pero mukha namang ma-amo yun kahit medyo mukhang gago pero ito iba talaga, pwedeng i-classify as an A1 Casanova. Tinitigan ko siya nang maayos while I took a few steps back. Magkamukha talaga sila ni Andrés... Imposible namang si...

"Hmm" he smirked. "By the look on your face, you have figured out the differences between us."

"J-jo-jos-joselito? Pero imposible... Bakit ka andito?"

"Now that you have realized it, you are not even going to say 'welcome' and hug me?" Ayan naman yang ngiti niyang pa-smirk. Nangugat ako sa kinatatayuan ko.  I cannot believe he's here. Ilang taon na rin ang nagdaan. Nanginginig ako sa galit, saya, lungkot at halu-halong emosyon.  Nagiging bola na yung form ng kamay ko, ito lang ang siguradong nararamdaman ngayon.

He took his steps towards me and before he could even touch me, binigyan ko siya nang warming gift.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Song to BreatheWhere stories live. Discover now