"Nandito na siya!"

"Omg, ang gwapo niya talaga kahit kailan!"

"Shit ang hot!"

Napairap nalang ako habang naririnig ang mga sinasabi ng schoolmates ko dito sa campus. Ba't ba gwapong-gwapo sila sa mga mokong na 'yun?

"Excuse me" sabi ko sa mga nagkokompulang babae sa harapan ko.

Ilang minuto pa ang lumipas at hindi pa din sila umaalis. Mukhang hindi narinig ang sinabi ko o nagbibingi-bingihan lang?

"I said, excuse me! Ano tatabi kayo o tatabi kayo?!" malakas na sigaw ko.

Nilingon naman nila ako habang may gulat at takot sa mga mata nila. Ayoko talaga na sumigaw e pero nakakainis kasi dahil hindi man lang sila nakinig 'nung nagsalita ako. I don't really want to catch everyone's attention but they leave me with no choice.

"Ms.Corpuz" natatakot na sabi naman nila.

"The one and only" nakangisi kong sagot,"Ano tatabi kayo o tatabi kayo?" nakataas kilay na tanong ko ulit.

Agad naman silang tumabi kaya dumaan na ako. Well, I'm known here because I'm the campus queen.

Anyways, Kesha Aleya Corpuz.

The daughter of famous business man and woman Mr and Mrs Corpuz.

"Oh there you are, kanina ka pa namin hinahanap" sabi naman ng kaibigan kong si Khay kasama ang isa pa namin'g kaibigan na si Mian.

"Let's go" sagot ko naman dito.

They're my bestfriend since elementary days. Hanggang ngayon e kami padin'g tatlo ang magkakasama. Well, 'till death do us apart.

"Nandito na naman pala ang Dark Spades kaya naman pala nagkagulo na naman kanina ang mga babae" pairap naman na sabi ni Mian.

Napairap na lang din ako. Well, Dark Spades is a famous group here in our campus. Dark Spades has four members, it's Eric, John, Larn and the leader named Troy Cross Fuentes. Kinakakatakutan sila dito sa campus dahil kilala sila ng lahat bilang gangster. Tss, piece of bullshits.

"Yeah, hindi ko alam kung ano ang nakita ng mga babae'ng 'yan sa kanila" sagot ko naman dito sabay irap.

"Well, let's admit it Kesh that they have the looks." sagot naman ni Khay.

Well, can't deny the fact that they have those looks and those drop dead gorgeous body. Oh, did I just gave them a compliment? Whatever.

"Sabagay" sagot naman ni Mian.

"No comment" boring kong sagot,"Anyways, let's not talk about them. We are having a party in our house this weekend, you guys free?" tanong ko naman sa kanila habang nakangiti.

"Oh! party I love that!" excited naman na sabi ni Mian.

"Yeah, kami pa ba Kesh?" sagot naman ni Khay.

"Alright then, I'll see you there!" nakangiti ko naman'g sagot.

Mom and Dad are celebrating their wedding anniversary and they planed to have a party like they used to do. So, as usual I need to invite my friends and they also need to be there. Syempre, sa lahat ng events na gaganapin dapat kasama ko ang mga kaibigan ko.

Back to reality, dumiretso naman kami sa café dahil nagugutom ako. Hindi kasi ako nakapag breakfast sa bahay dahil maaga akong binwesit ng magaling kong kapatid.

Nandito na ako sa labas ng bahay, maaga kasi akong umuwi dahil half day lang naman ang pasok namin. Agad akong sinalubong ng isa sa mga maids namin at binigay ko naman sakanya ang bag ko.

"Put it in my room" walang gana na utos ko naman dito at agad naman itong tumango tsaka pumunta sa kwarto ko.

Dumiretso ako sa kusina para maghanap ng pagkain sa ref dahil gutom na ako at hindi na ako makapag hintay pa na magluto dahil alam kong matatagalan pa 'yun.

"Kesha" sabi ng isang boses lalaki sa likuran ko.

Tamad naman akong napalingon at tinaasan ito ng kilay.

"What do you want?" bored na tanong ko dito.

Umupo naman ito sa upuan na nasa harap ko. Sinong kausap ko? Well, my older brother Karon Corpuz.

"Uuwi si Klia ngayon'g gabi" seryoso naman sa sabi nito.

Umasim naman ang mukha ko dahil sa narinig. What the fck!

"So?" walang ganang tanong ko naman dito.

Alam kung uuwi din ang babae'ng 'yun dito pero hindi ko in-expect na ngayon ang uwi niya. Well, it's not that I'm not ready to face her. Matagal na akong ready, matagal ko na 'tong pinaghandaan.

"Anong so? Alam kong hindi kayo pwede'ng magsama sa isang bahay dahil malaking gulo 'yun" sagot naman nito sa'kin.

Anyways, we're talking about the homecoming of my sister. Klia Corpuz ang pangalawa saming magkakapatid. Si Karon ang panganay at ako ang bunso. I'm not used to call Karon as kuya dahil bata pa lang ako wala na talaga akong galang sa kapatid ko lalong lalo na kay Klia.

"Hindi ako ang mag a-adjust. And besides if she really want war then I'll give her war. That's simple no need to worry" sagot ko naman sakanya at ngumiti ng matamis.

"Spoiled brat" sagot naman ni Karon at lumabas ng bahay.

Napatawa na lang ako ng mahina. Hindi talaga kami magkasundo ni Klia dahil galit na galit siya sa'kin dahil inagaw ko daw ang mga taong gusto niya. But trust me, I didn't. Wala akong inagaw, kasalanan ko ba na mas maganda ako kaya ang mga taong gusto niya e ako ang gusto? Tss.

At kung uuwi man siya mamayang gabi edi mabuti. Baka gusto niyang ipasundo ko pa siya ng banda with matching red carpet para feel na feel niya talaga ang pag uwi niya dahil magiging demonyo ang buhay niya dito. I'll make sure of that.

Bumaba ako mula sa kwarto ko dahil pinatawag ako ni Karon na nandito na daw ang magaling kong kapatid. Tss, sinira pa talaga nila ang mahimbing kong pagtulog.

"So what now?" taas kilay kong tanong at tiningnan si Karon,"Pinababa mo lang ba ako dito para tumunganga?" dagdag ko naman.

Napatingin naman si Klia sa'kin at ngumisi. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa dahilan para ikinakulo ng dugo ko.

"Are you checking me out?" nakangisi ko naman na tanong dito at nawala ang ngisi sa mukha niya,"Sorry to tell you but I'm better than you" dagdag ko tsaka tinaasan siya ng kilay.

"Ganun ka ba makipag bati sa'kin lil sis? Hindi mo ba ako na miss?" drama naman nito at kunwari pang nasasaktan.

"Actually, hindi. Marami naman kasi akong nakikita sa paligid ko which is remind me of you" sagot ko naman dito,"Which is a trash" dagdag ko.

"Enough Kesha" saway ni Karon sa'kin.

"Oh great, mauna na ako my time is precious and I don't waste it to a people like her." sagot ko naman at tinuro pa ang bruha kong kapatid.

Napangisi na lang ako. I'm just starting Klia. Hindi na ako 'yung nagpapa-api.

***

Beating The Player's GameWhere stories live. Discover now