To The Moon- 2

3 1 0
                                    

-DEN'S POV-

"And after the whole school year?" - Sila




"I have to break her heart" - sabi ko


First of all di ko alam kung anong pumasok sa utak ko at nagagawa kong sabihin ang lahat ng ito pero desperado na akong makuha pabalik si Bianca.


"I think that's way too much den. Sobra naman na ata yan kung kailangan pa nating gumamit ng ibang tao para lang makamit mo yung gusto mo" - jireh

"Mga breh *sabay akbay sa kanilang lahat*, relax I got this tyaka kilala niyo ang mga babae, minsan dahil magulo sila mag isip kailangan pa nilang masaktan to know something's, someone's worth. Kaya chill lang kayo. - sabi ko

" So what is really your point, den?" - Lance

"Slow mo talaga kahit kailan! Edi kailangang magsama kami lagi ng babaeng yun. Ang main goal ng plan na ito ay para pagselosin si Bianca. Araw araw kaming magkasama ng babaeng yun buong school year hanggang sa marealize ni Bianca lahat ng pagkakamali niya at marealize niyang ako pala ang mahal niya. Sa ganung paraan babalik si Bianca sakin"-Sabi ko

Kitang kita ko ang gulat sa mga mata nila, pero mahal na mahal ko si Bianca. Kahit ilang beses niya akong sinaktan mamahalin at mamahalin ko pa rin siya. Kahit na magpaka tanga uli ako at isusugal ko uli ang puso ko ay gagawin ko para lang makuha ko ulit siya.

Alam kong si Bianca lang ang mamahalin ko, wala nang iba. Kaya kong kontrolin ang sarili ko. Gagawin ko ang lahat to win her back...

Kahit may madadamay at masasaktang iba

"Ano ayos ba mga bruh" - ako

"if that will make you happy, then we will support you" - Kyle

"Pero pano kung bumalik na sayo si Bianca within the school year?" - Jireh

"Well that's the tricky part, I have to be with the girl throughout the school year. No more, no less. Pero there's always an exception. Pwedeng itigil yung deal within the year KUNG yung mismong babae na ang aayaw saakin. PERO pwedeng madagdagan yung buong school year na yun kung matututunan ko nang mahalin yung babaeng yun, FAIR enough? - Sabi ko


"What if madeceive ka ng feelings mo at mapunta sa babaeng gagamitin natin ang feelings mo?" - Kagumi


"Hinding hindi yun mangyayari, cause my heart only beats for Bianca. I got this mga breh, believe me." - Sabi ko



"Careful bro, baka kainin mo yang mga sinasabi mo soon" - Jireh


"You want a bet? Haha sige ganto... kung HINDI ako mainlove sa babaeng yun, you have to build me my own mansion since BS Engineering and Architecture naman ang mga courses na kukunin niyo. And IF ako naman ang nahulog sa sariling patibong ko, bibigyan ko kayo ng tig iisang kotse and hindi lang basta kotse. Pero ang pinakamahal na kotse by that time ang ibibigay ko sa inyo"-pagyayabang ko sa kanila haha

"Deal kami diyan Bro! Simulan mo nang mag ipon hahaha" - Si kagumi

"Pero teka, bawal kayong makialam sa feelings ko, kasi baka mamaya makialam kayo sa nararamdaman ko at kayo mismo ang gumawa ng paraan para mainlove ako sa babaeng yun, it's a big NO" - sabi ko


"Tandaan mo Den, hindi natuturuang tumibok ang puso, yan ang kusang titibok para sa tamang babae na mapupusuan mo"-ayan nagsalita na si master Jireh


Na patingin nalang kaming lahat sa kanya. Bigla kaming natawa

"what's funny?" - sagot ni Jireh

"IKAW!!!" - Sabay sabay naming sabi

"Loko! Oy! Sino pala yung babae na gagamitin mo? - Jireh

"Oo nga pala, sinong gusto mo bro?"- Kyle

"Si Bianca" - and with that pinukpok ako ni Lance ng drumsticks niya aray ha masakit

"Bobo ka rin eh noh! Dapat ibang babae" - sabi niya

"Ganyan talaga pag nagmamahal, nagiging bobo" - Jireh. At nag apir silang lahat. Mga loko ouch hahaha

"Sige ganto, kung sino ang unang babati sayo sa orientation bukas na babae ay siya ang gagamitin mo, okay ba?" - Kyle

"Pano kung di naman kagandahan? Baka hindi magselos niyan si Bianca?" - sabi ni Kagumi

"Oy tumigil ka nga magaganda lahat ng babae nauunahan lang sila ng insecurities nila towards other girls" - sagot ko, well kasi totoo naman

"That's mah broooo! Del Moral ka nga talaga!!!Maginoong maginoo! " - sabi ni kuya kyle

For further information, sa mga nagtatanong, kuya ko si kuya kyle. Yes, also were in the same band.

"Oh siya tama na ang dakdak at sisimulan na natin bukas ang Operation Maja" - Lance

"Operation what?" - Ako

"Operation Maja BIANCA hahaha yucks slow niyo tara na nga sa labas gutom na ako" - Kagumi, loko talaga to hahaha

"shit bukas yung pinto, baka may nakarinig sa usapan natin" - sabi ni Kagumi

"Wala yan, tayo lang ang may access dito sa band room at walang ibang makakapunta dito kundi tayo lang" - Kyle

Pumayag naman sila na pumunta na sa canteen.

Habang naglalakad nakakita kami ng mga taong nagkukumpulan sa gitna ng hallway.

Lumapit kami at may nakitang babaeng natapunan ng chocolate drink. Sticky ew Haha joke.

"Sorry ate di ko sinasadyang matapunan ka nanh drink kasalanan ko kasi takbo ako ng takbo sorry ate huhu" - Sabi nung maliit na babae, hannah ata pangalan nun

"It's okay kasalanan ko din eh, di kita napansin agad sorry din. Kaso nga lang wala akong dalang pamalit" - Sabi nung matangkad na babae nakatalikod siya saamin kaya hindi namin siya maaninag, maputi siya at may mahaba siyang buhok.

"eh papahiramin sana kita kaso di ata kakasya yung uniform ko sayo kasi mas matangkad ka saakin" - sabi nung hannah

"osigee oka-------- naputol yung sasabihin nung matangkad na babae nang may sumingit sa kanya

" No its okay, ako nalang magpapahiram sayo ng damit Alexia, since mag ka tangkad lang tayo, tara sumunod ka sakin"-Oh si Bianca

Napanganga ako, dahil sa sumingit, walang iba kundi si Bianca. So Alexia lang pala ang pangalan nung babae. And I guess close sila ni Bianca, mukhang magkakilala ata sila. Dumaan sila Bianca sa harapan ko, nagkatitigan kami ni Bianca nang ilang segundo, pero una siyang umiwas.

Invisible nalang ba ako sayo Bianca?

Tinitigan ko si Bianca hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Nararamdaman ko, babalik ka din sakin Bianca.









Sigurado akong malapit na ang araw na yun....

FLY ME TO THE MOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon