Sa Pilapil (One-Shot)

162 4 3
                                    

Sa Pilapil (One-shot)

-

Wala siyang pinapalampas na araw na hindi ako inaasar. 'Yun bang todo kang nakangiting pumupunta sa school tapos bigla mo siyang nakita?. Ayun nawala na ang good sa morning ko. 'Yung moment na pupuntahin kalang niya sa upuan mo para mang-asar?. 'Yung bang tipong ang sarap sakalin ng lalaking 'yun.

Makikita ka niyang ang daming bit-bit pero ngi-ngitian kalang tapos guguluhin pa ang buhok mo na ilang beses mong inaayos sa bahay ninyo!!. Argghh!. Nakaka-asar talaga 'yung lalaking 'yun!!. Ang malas ko talaga na may classmate ako na tulad niya. Hindi naman ganoong kagwapuhan pero feeling gwapo!!

'Yung tipong lahat ng na sakanya ikinaasar mo.Mula sa boses, titig, mukha, paa, height, etc.!. Mula ulo hanggang paa asungot ang makikita.

"Nandiyan na si Bugang!!".sigaw niya sa mga kaklase ko. Well, he likes to call names. Ilan na ba ang na-produce niyang nicknames para saakin?. Bugang, Aruray, Marimar, Rhonda, Gregoria, at iba pa. Tinatawag niya ako sa pangalang hindi ko naman pagma-may-ari.

"Kupal ka!!!Hoy!Bumalik ka dito!!Mapapatay talaga kita!!".aasarin ako tapos biglang tatakbo pag naasar na talaga ako. Ang duwag duwag!. Umupo nalang ako sa upuan ko at saka nagsulat ng mai-ingay patago, Lalagyan ko siya nang maraming bars!!. Heto lang ang paraan para makapag higanti ako sakanya. Hindi ko naman kayang lumaban sakanya eh; kasi nga alam kong ako din ang talo.

Heto pa ang nakaka-inis kapag nag-sorry siya bati na agad kami!. Wala man lang effort na nagawa basta sorry lang, tapos na ang away. Ganun din naman ako pero useless din naman ang sorry kung pagpapatuloy mo lang ang pagkakamali na pinag-hingi mo nang patawad.

Ang daming maingay sa classrom. 'Yung grupo ng mga babaeng madadaldal sa likuran, mga lalaking nasa harapan na nagpapayabangan ng scores at heroes sa DOTA. Kulang nalang lamunin nila 'yung nasa harapan nila dahil parang ang layo nang kausap kung maka-sigaw.

At nang pumasok na 'yung teacher namin, tumigil na din ako sa pagsusulat nang mga mai-ingay. Mabuti nalang talaga at tumigil na ang ingay, mabibigyan na ako nang peaceful na pamamahinga. Hindi sa himlayan ah?. Sa upuan dahil sa katahimikan

"BUGANG!!".As usual tatawa lahat pati na ang teacher namin dahil nag e-enjoy din siya sa pag-aaway namin. Sanay na ako sa mga scenes na ganito so hindi na ako masyadong affected.

Simula grade 5 up to 4th year meron na kaming HATE LIFE na tinatawag. Hindi pa kami nag bre-break dahil hindi pa kami nagkakasunduan. Hangga't meron kaming alitan may HATE LIFE kami.

"Sophia, pinapaabot ni Zack".Binigay nila saakin 'yung isang maliit na papel.

Nakasulat:

Dear Marimar,

Diba bati na tayo?. Please paturo naman mamaya sa Math. Thank you! sabi na nga ba at mabait ka diba? Diba mabait ka? Osige kita tayo mamaya sa tabi ng hagdanan.

Nginitian ko siya mula sa 1st row papunta sa 4th row, "Manigas ka".

Lumapit siya saakin habang hindi nakatingin si Ma'am sa harapan, "Sophia ang damot mo na pala ngayon ah! Bakit ang damot mo?".Ako pa talaga ang sinabihan niya nang madamot ah!!. Ang kapal ng mukha!

"Zack bakit ang pangit mo? Bakit ang bobo mo? Alis kana nga!. Hindi pwede".

"Ganyan ka na pala ngayon por que inaasar kita. 'O sige na, hindi na. Patingin nga nang dino-drawing mo".Kahit kailan hindi ka maniniwala sa mga sinasabi nito eh. Sweet talk tapos mamaya bigla nalang mang-aasar!

"Picture ko 'to ah?! Ikaw ha!. Pinagnanasahan mo nanaman ako!!".

"Ang kapal ng mukha mo!!. Lumayas ka nga dito!!. Nakikita mo ba 'yung sungay? Nakikita mo?".

Sa PilapilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon