Gabie

17 5 4
                                    


Isang araw sa bahay ni Gabie, nagtipon tipon ang mga undiables sa kadahilanang alam nila na may isang miyembro ang mamamaalam na. Undiables ang tawag nila sa kanilang sarili dahil sila ang mga taong hindi pa mamamatay. Alam nila ang oras at araw ng kaniyang pagkamatay kaya sila ay naghanda. Bumili sila ng cake at iba pang puwedeng pagkain. March 30, 2073 ang araw ng pagkamatay niya at 6:09 am naman ang oras ng kaniyang pag kamatay.

Madaling araw palang ay nag hahanda na sila habang natutulog si Gabie dahil paniguradong pagkagising niya ay mamamatay na siya. Abala ang lahat sa pag aayos ng bahay. Pinaghalong itim at asul ang mga dekorasyon dahil kasabay ng araw ng kaniyang kamatayan ay ang kaniyang kaarawan.

"Gabie gumising ka na dahil malapit ka na mamatay." Sabi ni Sophia habang inaalog niya si Gabie para gumising.

"Momshie gising na po, eto cake mo oh kakainin pa po natin to pero parang di ka na po aabot kase 6:04 na." Sabi naman ng anak niya na dala dala ang cake na may nakasulat na "Happy Death Day" at may nakatusok na kandila na 69 ang nakalagay.

Gumising naman si Gabie ng may ngiti sa labi na parang hindi pa siya mamamatay pero mayamaya lang ay mamamaalam na siya. Natutuwa siya dahil nandito ang dati niyang mga kaklase at nag handa pa para sakanya kasama na rin ang dalawa niyang anak. Nalulungkot man siya sa isipin na hindi na niya maaabutan ang apo niya, masaya pa rin siya para sakanila dahil ang panganay niyang anak ay buntis na at ang bunso naman ay ikakasal na.

Kahit siya ay masaya, parang nararamdaman niyang nang hihina na siya. Unti unting bumabalik ang mga alaala niya simula pag kabata. Mula sa pag lalaro niya kasama ng kaniyang mga pinsan niya sa bahay-kubo noong siya ay pitong taong gulang palang, pag be-bake ng cupcake para sa kaniyang 1st crush, at higit sa lahat, ang kanilang high school reunion sa tabi ng dagat habang kumakanta ng magagandang musika sa tapat ng bonfire.

Papikit na ang kaniyang mata nang dumating ang kaniyang asawang minamahal mula sa pinto. Napangiti naman siya dahil doon. Sayang di kita makakasama ng mas matagal pa. Nasabi nalang sa isip ni Gabie dahil ilang taon lang ang pinagsamahan nilang dalawa.

"Gabie? Huwag muna. Kakadating ko lang oh. Nandito na ko, wag ka munang umalis. Diba ipagbebake pa kita? Gagawin ko yung gusto mo, yung cupcake."Sabi ng asawa niya habang umiiyak at natigil ito nang biglang may tumunog mula sa cellphone ng isa niyang anak at nang kinuha niya ito, nagsimula na siyang umiyak at lumapit sa nakahigang si Gabie na unti unting nawawalan na ng buhay.

"Momshie?" Tawag ng anak niya na ngayon ay bakas sa mukha ang mga luhang iniyak nito. "Pasensiya na po sa lahat. Mahal namin kayo. Paalam." Pamamaalam pa nito habang tumutulo ang luha nitong nagmistulang gripo dahil sa pagtuloy na pag agos nito.

"Habang buhay ko kayong mamahalin. Paalam."

Iyon ang huling katagang namutawi sa labi ni Gabie at tuluyan nang namaalam. Napuno naman ng iyak ang bahay nila pero dahil kaarawan niya ang araw ng kaniyang kamatayan, hiniling ni Gabie na huwag silang malungkot at sa halip, ipagdiwang nalang nila ang 69th Birthday niya.

"Tara kain, gutom na ko" Sabi ni Tonya at umalis na sa kwarto. Nakahanda parin ang mga pagkain sa labas kaya ang simula na silang kumain. Nagpaiwan naman ang asawa ni Gabie sa kwarto nito. Nag patugtog naman ang mga nasa labas ng Summer in the city dahil isa ito sa gusto ni Gabie na patugtugin.

Nagkwentuhan lang ang lahat tungkol sa namaalam na si Gabie. Binabalikan nilang lahat ang alaala nila kasama siya noong nabubuhay pa. Nanatili pa ang mga matatanda doon ng ilang saglit at umalis din dahil kailangan na nilang magpahinga dahil sila'y may mga edad na. Nagpaalaman lang silang lahat at umuwi na.

Natapos ang ilang araw hanggang sa umabot na sa libing. Pagkatapos noon ay tumigil muna sila sa isang upuan para makapagusap at mag pagpag. Si Francine naman ay naisipan nang umuwi dahil hinihintay na siya ng apo niya. Nagulat nalang siya dahil may nakita siyang isang sulat na nakapatong sa kaniyang kama sa loob ng kaniyang kwarto.

'Susunod ka na WHAHAHAHA aus ean'

***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PahimakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon