Chapter 1

2 0 0
                                    

Era?!  San ka ba nagsusuot na bata ka ha? Kanina ka pa hinahanap ng lolo mo! Salitamg bungad ng aking lola.

Inang naman nang galing lang naman ako kila Rile eh... Nakangusong saad ko.

Aba!! Kahit na!! Diba sabi ko naman saiyo na wag kang aalis ng bahay!?. Lalong lalo nat nandito ang ina mo.. Naku ikaw talagang bata ka. Hindi mo man lang sulitin ang pagkakataon na umuwi ang nanay mo. Galit paring saad ng matanda.

Habang ako naman ay napayuko nalang dahil sa panlulumo. At nagtuloy tuloy na sa aming bahay.

Yan ang eksaktong araw kung kailan ko nakilala ang bagong kasamang dumating ni mama

At nakilala ko siya bilang si tito Frednison Rivera. Di lingid sa aking kaalaman na ang kinikilala kong tito ay siyang tatayong tatay ko.

Lumipas ang mga araw, linggo, buwan, at taon ay heto na ako ang dalagang si Samantha/ Sam iilan nalang ang nakakakilala sa akin bilang batang era.

Dahil lumipat ako noon ng ako ay nasa grade 3 palang at ngayon ay nasa grade 8 na ako.

At sa 5 taon ko sa San Mateo  na hindi pumupunta sa Bayan nila lola ay halos di na ako kilala ng mga kalaro ko noong bata palang ako tulad ni Rile na lalaking kalaro ko noon napag kamalhan nga akong bisita nila lola galing manila eh.

Dati kasi ay medyo maitim ako samantalang ngayon ay medyo maputi na ako.

At nandito na nga ako ngayon sa bayan nila lola at nasa teresa ako ng bahay.

Simula pagkabata ko ay dito na ako nakatira kila lola at lolo. Dahil ang mama ko naman ay nasa ibang bansa habang ang tatay ko ay Hindi ko kilala.

Pinagsasawalang bahala ko ang tungkol sa aking tunay na ama at pilit sinasabi sa aking isip na wala akong karapatang magtanong tungkol sa aking ama sa aking ina dahil baka masaktan lamang ang mama ko kaya yon.

"Sam! Sama ka saamin?punta tayong bayan?!." Sulpot ni Rile.

"Ha? Ah.. Wait lang tatanong ko si inang." Sagot ko at agad hinanap si inang.

Sa totoo lang gwapo si Rile. Maputi. Makinis. Mabait. At marunong mag guitara. At higit sa lahat matalino.

Minsan na nga kaming napagkamalhang magjowa noong last na punta naming magbabarkada sa bayan eh.

At simula noon inaasar na kami ng iba.

"Nang pwede akong pumuntang bayan? Pls. Tapos naman na ang mga gawain eh.." Tanong ko kay inang nang nahanap ko siyang nasa likod bahay

"Aba eh sino naman ang kasama mo? Magmomotor ka? May pera ka?anong gagawin mo don?" Sunod sunod na tanong nito. At dahil don napangiti ako.
Kasi all these years that im with her, hindi parin siya ngababago.

"Nang wag highblood. Hindi po ako mag momotor pero aangkas lang po ako kay Rile tapos.... Inang pwedeng pahingi 100.. Tsaka sasama lang naman po sa barkada.pls..."

"Hmm... To talagang batang to hindi na nahihiwalay kay Rile.."

"Nang naman nahihiwalay naman po ako eh."

"Oh. Siya sige kunin mo tong 250 ko at ipagbili mo ng kailangan mo sa paggagala pero ito tatandaan mo wag kang maglalayo layo sa kasama mo ah?

"Sige po salamat!! Inang!! " tuwang tuwa kong sabi.

At agad na bumalik kila Rile na nasa teresa namin habang pinapaikot sa kamay ang susi

Kasama niya ang mga barkada naming sina lie,joseph,at ang kambal na si kate . At si tina.

Sa aming magbabarkada sina joseph at Rile lang ang lalaki.

Kahit na magkakaiba kami ng pinapasukang paaralan nagkikitakita parin naman kami kahit papano meron pang time na bumisita silang lahat sa bahay namin sa San Mateo ng hindi ko alam. Dahil sumama ako sa Nueva Ecija noon.

Kaya ayun napauwi kami ng di oras.
Pagdating sa bahay hindi na ako nagulat ng nakita ko silang ginugulo mga gamit ko at pati mga pagkain ko sa may kabinet ng pagkain sa kuwarto simot.

And thinking for that memory makes me grin like crazy

"Hoy! Tara na!! Mahuhuli tayo sa liga." bulyaw ni tina

Kaya agad akong napa angkas kay rile

Samantala sa bayan ng Victoria ay naguusap ng masin sinan sina Ridge at ang kaibigang si Edgar. Sa bahay ng kaibigan

Dalawang taon ang agwat nila ng kaibigan.

"ridge musta na pala yung sinasabi mong nag iisa mong pamangkin na babae at bakit di mo siya ipakilala sa akin para alam ko kung sino?" tanong nito

Habang si ridge naman ay abala sa pagtitig sa alak na nasa harapan at naputol lamang ang pag titig na iyon ng marinig ang tanong ng kaibigan.

"Umuwi pansamantala sa lolo at lola niya sa Aurora para daw magbakasyon pero pupunta din yata kami doon sa kanila at mananatili ng dalawang linggo. Sa ibang school siya kasi ayaw niyang kasama kami ng mga pinsan niya" wala sa sariling sagot niya.

"Sabihin mo sa kuya mo bantayan niya ang batang iyon aba sabi mo nga eh maganda ang batang iyon at mabait, at sabi mo ay with honor din sa school aba mahirap na kung mapagtripan yan bigla at gawan ng masama.."

Wika nito na siyang nag paangat ng tingin ni ridge. At biglang sumagi sa isip nito si Sam kung pano siya tratuhin ng mga pinsan nito sa bayan ng nanay niya.

Na para bang ito ay ang pinakamahalagang diyamante sa kanilang puder.

"Hindi naman siguro lalo pat mga pinsan niya dito ay puro mga barako at sa aurora naman ay protektado din naman nila si Sam" sagot ni Ridge

"Aba ridge mahirap maging kampante ngayon lalo na at kalat na ang mga may masasamang ugali at balak. Lalo na ang mgakabataan ngayon" sabi nanaman nito saby tungga ng alak

"Maiba tayo Ed  balita ko may pinopormahan ka na? Sino? At tsaka tagasaan?" tanong nito sa kaibigan dahil kalat na sa kanilang unibersidad na may pinopormahan itong highschool.

Hindi naman magkaiba ang kanilang kurso kaya agad niya tong nalaman.

"haha. Di ko akalin na malalaman mo agad iyon eh. Magpapatulong sana ako saiyo para mapormahan iyon eh. Isa siyang long tenis palayer sa Evelan. "masyang kuwento nito.

"Anong grade na ba? " tanong naman ni ridge sabay kuha ng isang shot.

"Grade 8 palang pare" sagot naman nito

"Sa evelan ba kamo? Eh alam ko pagbalik ng pamangkin ko sa ikatlong linggo may praktis siya sa long tenis at baka kilala din niya yang Nililigawan mo eh baka gusto mong sumama?"
Pagkukwento nito.

"Sige ba. Para na rin makilala ko yang pamangkin mo at masimulan ko na ang panliligaw ko dun sa sinasabi ko." masayang saad ng loko.

Natapos ang usapan at saktong tapos na rin ang inuman kaya nagpaalam na si Ridge sa kaibigan at umuwi sa kanilang bahay..

Saktong alas dos ng tanghali ng nakadating ito sa kanilang bahay.

"oh, ridge hindi ka pa nakabihis? Pupunta na tayo at ikaw nalang ang hindi nakagayak.. " salubong ng ate Nancy niya.

"ha?  Ngayon ba tayo pupunta? Akala ko ba bukas?" wala sa sariling sagot niya.

"eh diba nga nasabi ko saiyong sabi ni kuyang ay mapapaaga ang punta natin don?"

"ahh, ganun ba? Ah aige hintayin niyo lang ako saglit" sagot ni Ridge sa ate niya

Laro ni tadhana Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon