Sampu kami ngayon dito sa isang malamig na classroom. Tahimik kaming lahat, tanging dalawang aircon lang ang maririnig sa buong paligid. Sampu kami, ang prof namin ay abala sa pag compute ng mga na record nyang mga grades mula saamin. Ang walo kong klasmate naman ay abala sa pagsasagot ng kanilang exam.
Opo nag eexam sila pero heto ako ngayon dito sa isang sulok, walang ginagawa. Ni hindi ko alam kung ao ba yung mga topic na sinasagutan nila sa kanilang mga test paper. Nakakalungkot isipin na hindi ako kasama sa subject n ito. Pero alam ko dapat ko ito kinuha kasi kung hindi, hindi makkumpleto ang mga credits ko for 2nd sem. For short. Hindi ako makakapag intern at kaylangan ko pa maghintay ng 2nd sem next year. Kakainis. Mattengga ata ako ng ilang buwan sa bahay na walang ginagawa.
Ngayon tinatanggap ko na ito ang huling taon ko sa college. Sapat na siguro saken yung 5 taon ko sa kurso ko. Matatapus nga ako pero wala akong diploma matatanggap o kahit present award man lang kasi alam ko palagi naman ako pumapasok pero ang topic lang sa subject namin ang hindi pumapasok sa utak ko. Nakakatuwang isipin noh.
Ang bigat sa kaluoban na kaytagal mo sa kurso mo pero in the end hindi mo ito matatapus. Mapapatanong ka sa sarili mo, “ano ang ginawa ko sa limang taon na yun?”
-tumambay?
-kumain sa labas tuwing lunch?
-makipag-kwentohan ng mga walang kinalaman sa mga subject nyo?
-matulog??
Nonsense.
Heto ako ngayon pinagmamasdan ko sila na nag eexam. Malamang marami sa kanila ay makakapasa na at ready na umakyat sa stage upang kunin ang kanilang inaasam na diploma. Pero ako, ngayon alam ko rin naman kung ano ang magiging buhay ko pagkatapus nito. Siguro magiging dakilang tambay nalang ako sa lugar namin. Nakakahiya yun pre noh. Dati kang nakikita ng mga kapitbahay mo na nakaputi ngayon namumuti nalang yung mata mo sa pagiging tambay kasi nga hindi ka na nag aaral.
Sabi nila malawak daw imagination ko, sabi nila mataba daw utak ko kasi marami akong idea na lumalabas sa isip ko. Pero ang hindi nila alam jus ko puro bagsak naman yung mga subject ko ngayon sa college. Ang matindi pa dun, kahit ang mga minor halos ang tataas ng marka ko, singko. Five to One yung grading namin, Uno yung pinaka mataas. Atleast naman diba nakakakuha parin ako ng mataas na number sa grading, singko.
Isa pang nagtatanong sa isip ko, “Gusto mo ba talaga yung kurso mo? O ginusto mo nalang kasi ayan ang gusto ng magulang mo para sa iyo?” Hindi mo dapat sisihin ang mga magulang mo dito kung bakit hindi mo gusto ang kinuha mong course, diba hindi naman sila magbibigay ng bagay na ikakasama mo. Ikaw lang nagpapasama para dito. Ikaw ang gumgawa ng dahilan para hindi mo makita ang mabuting plano ng magulag mo. Uulitin ko yung tanong ko, “Gusto mo ba talaga yung kurso mo?” ang isasagot ko, dalawa lang. una gusto ko kasi kung hindi man ako makapag-aral ay malamang mababa ang tingin saken ng mga tao sa paligid ko, kaylangan ko ito para naman maiba ang respeto nila para saken. Para hindi ako maliitin ng marami. Ganun ang kamalayan ng maraming tao.
Pangalawa. Hindi! Lam mo bakit? Kasi hindi ko nakikita yung sarili ko sa profesion na ito. Hindi ko hilig. Bale parang nakatago rito yung talentong gusto kong mailabas. Pero sa maling lugar.
IM a medical Student. At hindi nga biro ang pagiging medical student. Una tao ang pinag-aaralan namin dito. Ang sabi pa ng prof namin, “PInag-aaralan natin dito ang pinaka magandang likha ng dyo,” yup tama sya. Pinag aaralan nga namin ang pinaka magandang nailikha nya, ang tao. Kung maikkumpare mo sa ibang course ang pinag-aaralan namin ay kitang-kita ang malaking pag-kakaiba. Sa enginer ayus lang na magkamali ka sa project mo dahil may pangbura naman yung lapis para maiayus ang tama. Sa medical ba may pangbura ba ang injection? Sa maladaling salita, kung ano ang ginagawa mo ay hindi ka dapat magkamali ay dapat alam mo ang ginagawa mo. Ayan ang isa sa malaking rule sa pagiging medical student.
Malaking kasalanan sa magulang kung ikaw ay babagsak. Babagsak ka dahil sa wala kang ginagawa. Bumagsak ka dahil wala kayong pera. Bumagsak ka dahil palagi kang late. Bumagsak ka dahil hindi ka gusto ng mga prof mo kasi mukha kang tanga. At higit sa lahat, bumagsak ka dahil hindi mo naman talaga gusto ang kurso mo.
Maaraming dahilan para bumaksak ka. Sana wag kang pumili ng isa sa mga rason dun.
Ngayon magtatapus nanamn ang isang taon sa skwela. Aaminin ko isa ako sa mga hindi magigng masaya ang bakasyon ko, litiral na mapapaaga ang semana santa ko ngayon. Oras na para magnilay-nilay sa mga nagawang kasalanan, at harapin lahat ng magiging problema.
Ganun naman talaga ang buhay diba. Hindi pwede na lahat ay aayun sa mga gusto mo.
Ganito lang yan, “MAY NAKATAGONG MAGANDANG RASON SA BAWAT KAMALASAN NA NANGYAYARI SAATIN,”
May magandang plano ang panginuon para saating lahat
BINABASA MO ANG
Aba Bagsak nanaman ako! (One shot)
PoetrySa mga estudyanteng mawawalan na ng pag-asa. wag kayo susuko. kaya ninyo yan