HINDI TOTOO ANG DIYOS

2.1K 2 6
                                    

HINDI TOTOO ANG DIYOS

     Ang Diyos ay haka–haka lamang? Sino ba ang lumikha sa Diyos? Nakakapagtaka hindi natin lubos maisip kung sino nga ba ang Diyos na sinasamba ng napakaraming tao sa mundo, Pagmasdan mo ang araw, mga bituin, ang langit, karagatan at lahat ng may buhay sa mundong ito, ang pinakamaliit na insekto sino nga ba ang may likha? Sa simula pa lang ay nilikha na ng Diyos ang langit at mundo.

  Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa. At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig. Genesis1:1-2

    Sa simula pa'y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos. Kasama na Siya ng Diyos sa pasimula pa. Sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay, at walang anuman ang hindi nilikha sa pamamagitan niya. Mula sa kanya ang buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. John 1:1– 4.

    Sabi sa Biblia, Walang lumikha sa Diyos. " Ako ang Alpha at Omega " wika ng Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat, Diyos na kasalukuyan, sa nakaraan, at siyang Darating. Pahayag 1:8.   

    Alam mo ba ang kasaysayan ng paglikha? Sabi sa Biblia, Nang simulan likhain ng Diyos ang lupa at ang langit, Ang lupa ay wala pang hugis o anyo. Sinabi ng Diyos, " magkaroon ng liwanag " at nagkaroon nga, magician pala ang Diyos. Wala, hindi pa din ako naniniwala, hindi ko nga siya nakikita, wala yan sa idol ko, kayang lumutang at nakikita ko pa, hindi talaga totoo ang Diyos, kapag ako pagpipiliin kung si Cris Angel o ang Diyos si idol ang pipiliin ko.

    Hindi ko naman nakikita ang Diyos ah! Bakit ako maniniwala sa kanya, ako ang masusunod hindi Siya. Sasabihin ko sayo, hindi mo kayang ipaliwanag ang Diyos at wala kahit isa, dahil tayo'y mga likha lang ng Diyos, halimbawa, ang isang taong nag-imbento ng flourecent lamp na si Agapito Flores, kaya ng taong ito ipaliwanag ang kanyang imbensyon, ngunit ang flourecent lamp ay hindi siya kayang ipaliwanag nito, katulad ni Agapito Flores ay kayang ipaliwanang kung saan at paano nagliliwanag ang kanyang imbensyon. Ang Diyos ay naipaliwanag na Niya basahin mo ang Biblia, maniniwala ka ba o hindi? Basahin mo ang Genesis Chapter one. Malalaman mo kung paano nagawa ang mundo at higit sa lahat hindi natin kayang mag-imbento ng Diyos, kasi Siya ang pinaka-makapangyarihan sa lahat at lumikha ng lahat. Nilikha ng Diyos ang tao mula sa alabok, hiningahan sa ilong at nagkaroon ng buhay.

       At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay. Genesis 2:7.

    Hindi mo pa din ako mapapaniwala sa Diyos, hindi ka naniniwala sa nabasa mong ito kasi tao lang ang gumawa. Hindi mo ba alam ang demonyo nga naniniwala sa Diyos gaya nga ng sabi sa Biblia nanginginig pa, marinig lang ang pangalan niya, kung gusto mong basahin ang kasaysayan ng tao basahin mo ang Genesis 11. Ang paglikha sa sanlibutan at ang unang kasaysayan nina Adan at Eva, Cain, Abel, Noe at ang baha at ang tore ng Babel libre lang, wala kang Bible, manghiram ka o kaya'y pumunta ka kung saan may malapit na library sa inyong lugar, o kaya'y sa simbahan maraming paraan kung gusto mo pwede ka din bumili.

    Alam mo ba na ako mismo ay nagtatanong sa aking sarili kung totoo ba talaga ang Diyos, partida nagbabasa na ako ng Biblia, pero naisip ko na hindi talaga totoo na may Diyos. Pero hindi sa isip lang pala, pakiramdaman mo ang hangin 'di ba mo nakikita? OO, tama, nararamdaman lang natin ito, katulad ng Diyos hindi natin Siya nakikita pero nararamdaman natin Siya sa pamamagitan ng ating puso at sa kilos ng Banal na Espiritu at sa ating pananampalataya.

    Ang tanong nagdasal ka na ba? Kung OO, e di naniniwala ka sa Diyos, kasi bakit ka nagdadasal? Sino ang kausap mo?  'di ba dapat kapag may kausap may nakikinig sa iyo? Tama ba? minsan alam naman natin na may Diyos kaso itinatanggi lang natin ito sa ating mga pananalita, isipan at gawa, hindi ba mahilig ka magdasal? Sa palagay mo sino ang kausap mo habang ginagawa mo ito, simpleng bagay, noong bata ka pa at hanggang ngayong kabataan ka pa ay nagdadasal ka ba? Siguro oo, kasi tuwing sasapit ang pasko ay mayroong simbang gabi at simbang madaling araw ito ay munting paalala na may Hesus na nabuhay at naging Tagapagligtas ng buong sanlibutan. Tama ba? O sadyang matigas lang ang iyong puso at patuloy mong itinatanggi ang Panginoong Hesus. 

    Naalala ko yung isa kung kaibigan habang kumakain kami sa isang restaurant kasi spiritual birthday niya at nag-uusap kami at nag celebrate, sabi niya, bakit hindi sila naniniwala sa Diyos? sabi ko, hindi naman talaga sila totoong naniniwala sa Diyos, alam nila na may Diyos pero itinatanggi lang nila. Sumagot naman yung kaibigan ko, kung talagang hindi sila naniniwala sa Diyos, bakit pa nila sinasabi na walang Diyos e hindi nga sila naniniwala sa Diyos, may point siya hindi ba? Itong kabataang ito ay kakatanggap nya lang sa Panginoong Hesus bilang kanyang Panginoon at Tagapagligtas may wisdom at knowledge na agad na ibinigay ang Diyos. Karamihan kasi sa mga kabataang kristiano ngayon ay hindi pa alam kung talagang ligtas sila, katulad na lang ng isa kung kaibigan na matagal ng musician sa isang Christian church pero ng tanungin ko siya hindi pa nya daw alam kung ligtas na siya, kaya sumulat ako para sayo at sa inyo upang mangusap ang Banal na Espiritu para tanggapin mo si Hesus bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas. Subukan mong lumapit sa Panginoon, una humingi ka lang ng tawad sa lahat ng kasalanan mo at patatawarin ka Niya, hinding-hindi ka pababayaan ng Diyos kung gusto mong lumapit at humingi ng kapatawaran. Sa bandang huli malalaman mo kung totoo ba talaga ang Diyos, kasi may huling paghuhukom mangyayari lang ito kung patay ka na, hihintayin mo pa ba? Ang pagtanggap sa Panginoog Hesus bilang iyong Panginoon at tagapagligtas ay may kasamang pananampalataya at pagsisisi.

Ano ang gagawin mo pagkatapos mong basahin ito? Kailan ka magsisimulang magtanong? Paano mo ito gagawin? Sino ang mga taong kakausapin mo tungkol dito at sa nararamdaman mo ngayon? Saan ka pupunta para malaman ang mga katanungan mo? Diyos ang gagawa ng hakbang pero kadalasan ginagamit Niya ang kanyang likha upang makilala mo Siya ng lubusan at sa tulong ng Diyos lahat ng iyong katanungan ay may kasagutan.  Ito ay para sa mga kristianong kabataan na may katungunan katulad ko na minsan sa aking buhay at isipan ay pumapasok ang katanungang, hindi nga ba talaga totoo ang Diyos? Pero ito ang aking karanasan na ibinabahagi ko para makapag bigay ng karangalan at papuri sa Panginoon, Nawa'y may kapulutan kayo ng aral at patuloy na mangusap sa inyo ang Banal na Espiritu sa inyong tunay na kaligtasan. Hindi ba totoo ang Diyos? Ikaw ang sumagot nyan. Dahil para sa akin buhay at pang habang buhay ang kanyang kapangyarihan magpakailanman.

HINDI MAGIGING TOTOO ANG DIYOS SA MGA TAONG WALANG PANANAMPALATAYA.        

    Panginoon patawarin mo po ako kung hindi ako naniniwala sa Iyo, kahit alam ko sa aking sarili na ako'y kristiano na, tulungan mo po akong maunawaaan ang mga bagay–bagay na gumugulo sa aking isipan, lumalapit po ako sa Iyo upang malaman ang katutuhan, gusto ko pong maranasan ang iyong pagkilos sa aking buhay at ang iyong pag–ibig na walang hihigit sa mundong ibabaw, maraming salamat po sa pag- iingat mo kahit hindi kita nakikita o nararamdaman man lang, pero alam ko na nandyan ka lang palagi sa tabi ko at ginagabayan mo po ako. Ikaw na po ang kumilos sa aking buhay gusto ko na pong magbago ng aking pananaw maraming – maraming salamat po, Sa pangalan ng Ama ng Anak at ng Espiritu Santo Amen.

 Sagutan ang mga katanungan sa ibaba:

A.Ano ang natutunan mo?  

B. Paano mo ito isasapamuhay? 

C.  Kailan mo ito sisimulan?  

D. Bakit mo ito gagawin at para kanino?

 Ariel Laforteza

 

 

                               

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HINDI TOTOO ANG DIYOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon