Pagkabalik niya sakanyang kuwarto ay sakto namang isang oras na lamang ay magsisimula na ang birthday party ni Rachelle ang anak ni Mr. Tan na best friend niya.
Nang matapos na siyang maligo at mag ayos ay lumabas na siya sakanyang kuwarto dala dala ang maskara niyang itim dahil masquerade ang theme ng birthday party ni Rachelle.
Habang nasa biyahe siya ay iniisip niya na ang magiging kamatayan ni Rachelle. Planado na ang lahat kaya ang kailangan niya nalang ay ang kumilos.
Nang makarating na siya sa lugar na pagdadausan ng party ay ipinarada na ng kanyang driver ang kotse tsaka siya inalalayang bumaba. Isinuot naman niya agad ang kanyang itim na maskara.
Nang makapasok siya sa loob ay napangiti siya ng maisip na planado na ang lahat.
Maraming tao sa party na iyon at lahat ay nakapormal na damit. Ang mga lalaki ay nakacoat at tuxedo habang ang mga babae ay nakagown. At lahat ng naroroon sa party ay nakamaskara na tanging bibig at mata lamang ang makikita.
Nilibot niya ang kanyang paningin at dumako iyon sa isang babae na nakared long gown. Nakatingin din ito sakanya kaya iyon ay ikinagulat niya. Bigla na lamang siyang nginitian ng babae na nagdulot ng kilabot sakanya. Hindi niya rin malaman kung bakit ganon ang ngiti ng babae sakanya at kung bakit siya nakaramdam ng kilabot dito.
Binaling na lamang niya ang kanyang paningin sa mga taong nasa party. Sakto namang magsisimula na ang pagdiriwang dahil nagsitahimik na ang lahat ng tao sa party at nakatingin na sa hagdan kung saan bababa ang may kaarawan.
Nagsimula ng tumugtog ang kanta. At ito na ang hudyat ng paglabas at pagbaba sa hagdan ng may kaarawan. Nang makahakbang na pababa ang may kaarawan ay sabay sabay na nagsipalakpakan ang mga tao.
Nagsibulungan na ng papuri ang mga tao ng tuluyan ng makababa at makapunta sa stage ang may kaarawan. Pinupuri ng mga tao si Rachelle dahil sa taglay nitong kagandahan naas lalo pang bumagay sa suot niyang black and white ball gown.
Huminto na ang tugtugin nang tuluyan ng makarating sa entablado ang may kaarawan. Binigyan siya ng may para makapagsalita at marinig ng lahat ang kanyang sasabihin.
Nagpasalamat muna ang babae sa mga taong dumalo ng kanyang kaarawan atsaka nagbigay ng mensahe at pasasalamat sa kanyang mga magulang. Matapos ng speech niya ay nagsimula ng kumain ang lahat.
Habang papunta sa mesa si Jannie ay bigla na lamang siya binunggo ng babae na nakared gown. Tinignan niya ito ng matalim atsaka nginitian, ngumiti naman pabalik ang babae sakanya atsaka humingi ng paumanhin.
Napaisip si Jannie sa pagkatao ng babaeng nakared gown dahil napaka misteryosa din nito gaya niya. Nang makapunta na siya sa table ay sakto namang lumapit sakanya si Rachelle.
Hindi niya inaasahang makikilala siya nito dahil nakamaskara siya na tanging bibig at mata lamang ang nakikita.
Nakangiting lumapit sakanya si Rachelle kaya napangisi si Jannie.
'Humanda ka na sa kamatayan mo.' Sabi niya sakanyang isip.
"Kamusta ka na Jannie?!" Nakangiting pangangamusta sakanya ni Rachelle.
"Okay lang naman. Ikaw?" Nakangiti ding tanong niya.
"Okay lang din. Ito tumatanda na. Hahaha." Birong sabi ni Rachelle.
"Namiss kita bessy!" Sabi ni Rachelle sabay yakap kay Jannie.
Napangisi si Jannie sa inaakto ni Rachelle. Marahil wala padin itong kaalam alam na wala na si Clark. Ang lalaking pinaglaruan siya at nobyo ni Rachelle.
"Asan na regalo ko?" Nakapout na tanong ni Rachelle.
Nilabas naman agad ni Jannie ang regalo niya para kay Rachelle. Excited namang binuksan iyon ni Rachelle. Isang kuwintas ang iniregalo niya kay Rachelle. Nangunot ang noo ni Rachelle at parang inaalala kung kanino ang kuwintas na iyon o kung saan nakita. Pero imbis na mag isip pa ay niyakap niyang muli si Jannie dahil sa ganda ng regalong kuwintas sakanya ni Jannie.