Case No. 1

85 5 5
                                    

CASE NO. 1

3:00 PM, SALCEDO’S RESIDENCE, ****** SUBDIVISION

Maririnig ang tunog ng wang-wang ng mga sasakyan ng mga pulis, iyakan ng mga tao at iba’t ibang klaseng ng ingay sa paligid. Meron ding mga nakapaskil na mga yellow tape sa paligid ng isang bahay na pagmamay-ari ng pamilyang Salcedo.

Ngunit sa isang sulok ng bahay ay mataman na tinitingnan at inaamoy ang mga bagay-bagay sa loob ng bahay at nakikinig sa mga pahayag ng mga taong malapit sa biktima na si James Salcedo ang isang binatilyong detective. Siya ay si Vincent Ezekiel Cruz, labingpitong taong gulang at nag-aaral sa St. Andrews University.

JENNA SALCEDO (23 YEARS OLD)

KAPATID NG BIKTIMA

BUSINESSWOMAN

“Hindi ko po nakita ang salarin kasi nasa sala po ako noon at nanonood ng palabas,” sabi ni Jenna.

“Wala po ba kayong narinig na ingay mula sa mga nabasag na gamit o kaya nakitang taong tumalon galling sa bintana?” tanong ng isa sa mga police offricers.

“Wala rin po kasi tutok na tutok po ako sa pinapanood kong palabas,” sabi niya.

ANA BUENAVENTURA (22 YEARS OLD)

KASAMBAHAY NG PAMILYA

“Pagkatapos ko pong ihatid ang juice na inutos po ni Sir James ay pumunta po ako sa likod ng bahay at nilinis ang pool,” sabi ni Ana.

“Since malapit ang pool sa kwarto ng biktima, wala ka bang nakitang tao na tumalon mula sa bintana ng kwarto ng biktima?”, tanong ni Officer Dela Vega.

“Wala po kasi nasa kabilang dulo po ako ng pool naglilinis noong panahong iyon.”

DANIEL VILLANUEVA (26 YEARS OLD)

BUSINESS PARTNER AT BESTFRIEND NG BIKTIMA

BUSINESSMAN

“Dumating po ako ditto mga bandang 2:00 pm at nadatnan kop o si Jenna na nanonood ng TV sa sala. Tinanong ko sa kanya kung nasan ang kuya niya at sinabi niyang nasa kwarto si James kaya pinuntahan ko siya at ito na nga ang nadatnan ko,” wika ni Daniel.

“Wala ka bang nakitang taoo sa silid noong dumating ka?” tanong ni Officer Reyes.

“Wala na po. Tanging katawan nalang ni James at ang magulong kwartong ito ang nakita ko tapos yung bintana ay nakabukas po.” sabi ni Daniel.

xxEZEKIELxx

“Kung gayon ito ay isang kaso ng pagnanakaw at pagpatay,” bulalas ni Inspector Flores.

 

 

Hindi. Hindi ito pagnanakaw dahil isa itong murder case. At isa sa mga taong ito ang tunay na salarin. Isang pagpatay na pinagtatakpan ng isang pagnanakaw. Ngunit sino? Sino sa kanila? Ano ang kanilang motibo sa pagpatay sa biktima? Kailangan ko nang malutas ito bago pa mahuli ang lahat.

Vincent EzekielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon