Pasakit I

14 1 0
                                    

"Bakit ka nasasaktan?" Hindi ko din alam! Naguguluhan ako. Pero, sana, hindi totoo yung kutob ko. Kasi mas masakit yung mararamdaman ko ngayon kasi nagpatuloy ako kahit ang sakit sakit na.

Kailangan ko pa bang magtiwala? Kahit na alam kong gagawin niya pa rin yung ayaw ko. Kung saan masasaktan na naman ako.

Kaya ko pa ba? Maghilom ang mga sugat na tamo ko galing sa kanya. Sugat na hindi ko kailanman pinansin noon. Na hanggang ngayon lumalalim.

Ipagpapatuloy ko pa ba? Ang maging tanga. Na sa araw araw naming magkikita. Magiging tanga na naman ako at magpapaniwala sa mga sinasabi niya.

Tanga na ba ulit? Sabi nila, bakit ako bumalik sa taong bibigyan lang ako ng pasakit? Bakit nga ba? Dahil ba sa mahal ko pa din siya? Kahit na saktan niya ko ng paulit-ulit na mamanhid na ito.

Kailangan ko na bang umiwas para sa kaligtasan ko? Kailangan ko na bang isalba ang puso kong nagdurugo? Para di na muli masaktan pa.

Hanggang dito na lamang ba? Gusto kong maging malaya pero gusto ko din na mahalin ka pa. Pero kung ang relasyon na ito ang magpapasakit sa damdamin ko.. ipagpapatuloy ko pa ba o bibitaw na?

PasakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon