Pasakit III

9 1 0
                                    

Dapat pa ba akong maniwala sayo? Dapat pa ba akong magtiwala sayo? Dapat pa bang maging tayo hanggang sa huli?

Yung mga pangakong napako. Itutuloy mo pa ba? Tayo pa rin ba? Hanggang kailan ako makukulong sa mga salita mo? Hanggang kailan ako magtitiis?

Bibitaw na ba o mananatili pa? Kahit masakit na. Kahit umaasa pa na maghilom ang mga sugat na galing sayo.

Mahal mo pa ba ako? Bakit ayaw mo kong bitawan? Bakit ganito pa rin?

Akala ko ba magbabago ka? Pagbabago para saan? Sa relasyon ba natin o para sa sarili mo? O para sa kanya na itong lahat? Hindi na ba ako? Hindi na ba ako yung babaeng minamahal mo noon? Ako pa rin ba? o Siya na?

Nanatili ako, kasi yun ang gusto mo. Kahit labag na sa loob ko. Nanatili ako, kasi akala ko maaayos pa. Nanatili ako, kasi yun naman ang dapat. Nanatili ako, kasi naniniwala akong kaya pa natin. Nanatili ako, kasi ayaw kong mawala ka.

Pero, paano kung sa pananatili ko pala na ito.. Magbago ang lahat? Magbago ang nararamdaman ko? Magbago ang sarili ko. Magbago para sa ikabubuti ng lahat.

PasakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon