Nang dahil sa Ballpen...

507 20 7
                                    

©2014

***

Nang Dahil sa ballpen. . .

Siomai naman talaga!  Ubos na naman 'tong ballpen ko, buhay estudyante nga naman oo, ang daming sinusulat at kung ano ano ang pinapagawa.

"Sinong may ballpen?" Tanong ko sa mga kaklase ko. Maraming nagtaas ng kamay.

"Uy, cass! pahiram ng ballpen." matapos kong magtanong, ito na nga iisa isahin ko na silang pakiusapan para hiraman ng ballpen. Taghirap kasi ako ngayon, e.

"Meron akong ballpen pero nasa bahay." Siomai! ang ganda naman ng sagot nitong bestfriend ko. Hmp! pilosopo talaga.

lumipat naman ako sa kabilang row para isa isahing pakiusapan ang mga kaklase kong walang awa dahil hindi manlang ako pinapansin. Naku! baka nabingi nanaman sila kasi ang tanong ko kanina, "Sinong may ballpen?" baka naman ang pagkakarining nila "Sinong may boyfriend?" Edi sila na ang may boypren ang hanap ko lang naman ngayon ballpen hindi boypren, noh!

"May ballpen ka?"

"Wala"

"Eh ikaw meron ka?"

"Gamit ko."

"Eh, ikaw?"

"Sorry Aika, wala na akong extra."

"ikaw mer. . ." Hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi for sure itong tao na 'to iisnobin nanaman ako.

Siya si Troy Francisco, dati ko siyang crush pero dati lang yun nung unang kita ko lang sakanya. Ngayon? tsk! No way! oo gwapo siya kaso dati may nangyari. Nakakainis hindi ko yun makakalimutan promise! Ah! ayoko na idetalye sainyo. Ah, basta!

Pumunta na ako este tumabi na ako sakanya. Seatmate kasi kami. ang Awkward! pero okay lang! madaming pwedeng pagkaabalahan tulad nang mag drawing at gumawa ng story. Hindi naman nya ako pinapansin, asa pa kong mapansin niyan.

"Aika, bolpen oh!" Sigaw ni Cass, hay salamat naawa sa'kin.

"Thanks to you my friend." Sabay kuha ko ng ballpen at umupo narin ako, as usual katabi ko 'tong snobber na 'to.

Bibili na nga akong ballpen baka sabihin nila ang purita ko. hmmp! nakakainis kasi halos araw-araw ba naman nawawalan ako ng ballpen. Nilalagyan ko na nga ng pangalan ko, nawawala parin. Parang magic. Grr! kung sino mang kumukuha ng ballpen ko sana madapa!

"Okay class, bukas ko nalang ididiscuss yang pinasulat ko sainyo dahil meeting ng mga teachers ngayon kaya please keep quiet dahil sa baba lang kami magmimeeting."

"Okay, Ms. Charie"

"Okidoki!"

Pag sasang ayon naming lahat at aba! aba! tahimik nga ang lahat pero ayan nanaman sila nag sisilipatan ng upuan. Awkward! kasi naman kami nalang dalawa ni Troy isnabero dito sa line namin ang hindi lumilipat.

bakit kaya hindi siya lumipat at makipagchikahan dun sa mga kaprendship niya o kaya naman makipag flirt session dun sa mga inlab na inlab sakanya?

E, bakit ba ko tanong ng tanong sa sarili ko tungkol sakanya? Pakialam ko ba diyan. Makapag drawing na nga lang!

draw

draw

Erase

*crumpled*

draw

*crumpled*

draw

*Plak*

Nang dahil sa Ballpen...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon