"Tao po" sabay katok sa pinto. At isang babaeng nasa 30 ang edad ang lumabas. Pandak na babae na mahaba ang buhok parang mangkukulam ang itsura..
"Bakit?" Tanong ng babaeng mukhang mangkukulam.
"Ate, meron pa po bang bakanteng...?" Sabay libot ng tingin sa magkakasunod na mga bahay na iba't iba ang kulay. May blue,red, green, lahat na ng kulay na maiisip nyo.
"Ay, sorry. Wala ng bakanteng apartment dito". Magsasalita palang sana ako ng sinarado na nya ang pinto. Yan tuloy na tama ang ilong kong pagkatangos tangos.
Katok ulit.
"Ate? Tao po?" Sabay bukas ni ate ng my halong pagkainis ang mukha.
"Ano nanaman? Diba sabi ko wala ng bakante." Sabay taas ng isang kilay.
"Hindi naman po kasi apartment hinahanap ko ate, room lang po. My naka pagsabi po kasi saakin na meron daw po dito ng for rent na rooms" Sabay ngiti para naman mahawaan ko si ate ng goodvibes.
Tiningnan ako ni ate mula ulo hanggang paa. 'Grabe naman to si ate kung makatigin parang gusto ako'
"Nakikita mo ba yung kulay pink na apartment?" Sabay turo doon sa pinakadulong apartment. "Tanungin mo kung gusto nya paupahan ang isang room. Mag isa lang kasi syang nakatira dyan".
Habang tinitingan ko ang apartment na tinuro ni ate ay my dumaan na isang lalaki.
"Oh, ayan na pala may ari eh. Tanungin mo na." sabay sara na ulit ng pinto.
Bago pa ulit ako makasalita ay wala ng si ate at tanging ang pintuang kulay pula nalang ang nasa harap ko.
BINABASA MO ANG
Room for Rent
Short StoryIs a true to life story of someone i dont know personally, mentally, emotionally and spiritually.. Pero nakwento to sakin ng friend ko kaya gusto ko din ishare sainyo kasi i find it cute..hahahaha. So basahin nyo nalang if you want.. This is my firs...