Napatingin ulit ako dun sa lalaki na sinasabi ni ate at wala na sya. Nasa loob na siguro. Ang bilis kasi maglakad.
Habang naglalakad ako papunta sa color pink na apartment ay iniisip ko kung anong sasabihin ko. Baka kasi hindi pumayag. Ano ng mangyayari saakin. Lahat kasing for rent na room napuntahan ko na. Hahaha, biro lang ito kasi pinakamalapit sa school at pinagtatrabahuan ko.
Ang school ko kasi kaharap lng ng isang fast food chain na pinagtatrabahuan ko nga tapos itong apartment ay dalawang blocks lang ang layo.
'Hala! Andito na pala ako sa harap! Ang bilis naman! Kinakabahan ako!' Nagpalakad lakad muna ako sa harap ng apartment.
"Kakatok o hindi? Pero kasi baka hindi pumayag. Pero paano ko malalaman na hindi papayag kung hindi ko pa natatanong. Hay, bakit kasi lalaki pa pwede naman siguro babae o bading." Kinakausap ko ang sarili ko at medyo malakas ang boses ko dahilan ng biglang pagbukas ng pinto ng pink na apartment.
Tiningan lamang ako ni kuya na nakataas ang isang kilay. Habang ako naman ay hindi makagalaw at salita dahil sa pagkabigla.
'Hala! Narinig kaya ni kuya boses ko kaya tiningnan nya kung sinong baliw ang nagsasalita?' Nang isasara na ulit sana ni kuyang masungit ang pinto ay bigla ko nalang nilagay ang kamay ko sa my pintuan upang hindi masara ng tuluyan.
"Kuya teka lang! Aray!"
"Shit! Okie ka lang miss?" Sabay bukas ng pinto at labas habang ako ay talon ng talon at winawagayway dahil sa sakit ng pagkatama sa daliri ko.
Tumalikod ako sakanya at tiningnan ang daliri ko. Grabe my line talaga sya at magkakapasa pa ata ako. Lalapit sana sya pero pinigilan ko na.
"Okie lang po ako." Sabay ngiti pero tinago ko sa likod ko ang dalawa kung kamay.
Nakaramdam naman sya ng ginhawa sabay hinga ng malalim. Pero ng kumalma na sya ay ayan nanaman sya sa kanyang sungit look. "Ano ba ang pumasok sa isip mo at nilagay mo sa pinto ang kamay mo?ha? At bakit andyan ka sa harap ng apartment ko?"
Sunod sunod na tanong ang pinukol saakin ni kuya. ' paano naman ako makakasagot eh hindi naman sya tumitigil sa pagdakdak. Hmmm.
"Ano? Sumagot ka.! Stalker siguro kita noh?" Tanong nya ulit ng di ako sumasagot.
Magsasalita pa sana ulit sya ng nagsign ako na tumugil sya.
"Ganito po kasi yun. Hmmm, kasi.. Paano ko ba to sasabihin?.. Hmmm. Ano kasi.." Sinasabi ko to habang saan saan ako nakatingin.
"Alam mo miss nevermind. Your just wasting my time." Sabay sara ng pinto.
------
Napansin nyo yun lagi nalang natatapos sa pagsara ng pinto. Parang ewan lang.. Hahaha
Hey guys.. Thank you for wasting your time reading this. wala lang magawa. Tambay kasi. ^____^.
BINABASA MO ANG
Room for Rent
Short StoryIs a true to life story of someone i dont know personally, mentally, emotionally and spiritually.. Pero nakwento to sakin ng friend ko kaya gusto ko din ishare sainyo kasi i find it cute..hahahaha. So basahin nyo nalang if you want.. This is my firs...