Time check: 6:55
Limang minuto nalang, paniguradong malilista nanaman ang maganda kong pangalan sa mga late students para sa araw na 'to. Lagi na lang.
=____________=
Hinihingal akong kumapit sa railings ng gate sa school. Nakngtokwatalaga! Kung kelan ba naman kasi nagmamadali saka pa na-flat-an ng gulong yung kotse. Wala akong choice kundi mag lakad-takbo dahil paniguradong traffic na sa mga oras na'to. Lalo lang akong male-late.
Huminga ako ng malalim saka nag-tap ng I.D sa machine at nagmamadaling pumasok sa school. Kaya lang-
*Kriiiiiinnnngggg!*
Tengene. Napangiwi ako at dire-diretsong tumakbo papunta sa classroom which is by the way 4th floor pa ng HS building.
Please... I hope I'll make it to class on time-not.
Napasapo nalang ako sa noo nang makita ang mga lumilipad na papel na naglaglagan galing sa... Eh?! Teka. Wala naman akong hawak na papel ah?
(?____?)
Dahan dahan kong inangat ang paningin ko only to find my husband-este future husband pala, (in my dreams) na currently naglalabas ng laser beams from his eyes to the beautiful me.
-_________-+++
*gulp*
Stupid Aika. Sa dinami-dami ng pwede mong bungguin yung future husband slash classmate slash SG president pa?! *facepalm*
"Ah-eh-" I smiled. Yung alanganin.
"Wag mo 'kong ngitian." Poker face lang siya at pagkatapos ay pinulot niya yung mga papel na nagkalat sa sahig.
"A-ano. Pasensya na-"
"In my office. Now." Dire-diretso siyang naglakad patungong SG office (yun lang naman ang office niya) habang ako ay naiwan lang na nakanganga.
Kagat-labi akong nakatayo dito sa harap ni Justice, future husband ko. Chos!
Pwera biro. Almost five minutes na 'kong nakatayo dito pero nakatuon lang yung pansin niya sa tambak na papeles na nasa table niya. Yung totoo? May balak ba syang gawin akong estatwa lang dito? Super late na 'ko sa klase ko! Buti pa siya may excuse dahil SG president nga siya. Eh ako? Anong ipapalusot ko?
Excuse #1
"Ah. Ma'am, pasensya na po. Nahulog po kasi ako sa hagdan mula fourth floor hanggang ground floor e. Buti nga po wala akong sugat na natamo. Galing ko po no?"
Excuse #2
"Ah. Ma'am, sorry po kung na-late ako. Natagusan po kasi ako kaya nag cr muna 'ko. Kaya lang wala po pala akong baon na napkin kaya dahan dahan lang akong naglakad para di bumulwak yung dugo. "
Excuse #3
"Ah. Ma'am-"
"Are you even listening?!"
Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Justice na nakahalukipkip at masamang nakatingin sakin.
-_______-+++
Masanay na kayo, laging ganyan ang ekspresyon ni hubby ko.
"Hehehe. Ano nga ulit 'yon?" Kakamut-kamot ako sa ulo habang ngumingiti nang malapad. Wala e. Alangan namang mag-ala enteng kabisote ako sa panghuhula ng sinasabi niya dibuuuhhh?
BINABASA MO ANG
Wag mo 'kong ngitian! [one-shot]
Short Story... kung ayaw mo'ng mahalikan! xx Written on Aug. 13, 2014. ALL RIGHTS RESERVED.