Plan

7 1 0
                                    

Cloud POV

I'm currently here in my room kasama si Tyrone.He's my bestfriend since bata pa ako hanggang ngayon.Scroll down lang ako ng scroll down dahil wala akong magawa,busy rin si Tyrone sa pag dodrawing.

Habang nag iiscroll down ako,nakita ko yung mga shared post ng classmate ko.Magagandang tanawin sa ibang bansa ang nasa post.Syempre manghang mangha ako hindi naman sa OA pero gustong gusto ko talaga yung  view ng mga lugar sa ibang bansa.

Habang isa-isa kong tinitignan yung mga photos may naisip akong paraan para naman malibang kami na Tyrone.

"Hey Tyrone, diba gusto mong magtravel tayo sa ibang bansa?Why don't we try it? Tutal naman parehas lang tayong nabobored dito sa bahay" i said while walking towards him.

"Hmm? Good idea game try natin.For sure magiging exciting to haha" sagot niya kinakagat kagat yung lapis.So childish hahaha.

"Game!" Sabay naming sabi at nag apir.

So ngayon nag eempake na kami ng mga damit ni Tyrone dahil bukas na namin uumpisahan yung travel.Excited na excited na ako dahil first time naming gagawin 'to.

"Uyy Cloud pwede ba nating isama si Claire?"tanong niya habang nag eempake parin.

" Wag na.Travel nga nating dalawa to eh tas magsasama pa tayo?Haha sa susunod nalang" Classmate kasi namin si Claire sakto naman na mahilig din yun mag travel kaya siguro maisipan niyang isama ang kaso malas siya dahil ayaw ko hahaha.

6:00 PM na ngayon  at nandito kami ni Tyrone sa Starbucks. Wala lang bored lang ulit kami hahaha.

"Tyrone san ba magandang unang puntahan?" I asked him habang sumisipsip sa inorder ko.

"Sa Japan? Maganda din yung view dun eh what do you think?"

"Sure dun nalang" tipid kong sagot sakanya.

Tahimik lang kami ni Tyrone ngayon habang papunta sa malapit na mall.Napagisipan naming bumili ng mga isusuot namin para bukas since konti lang din yung inimpake naming gamit.

Mahigit isang oras kaming namili ng mga damit dahil same kaming mapili ng isusuot.Hindi naman sa mayabang pero malakas ang fashion sense naming dalawa.

Ayoko pa sanang umuwi ang kaso inaantok na si Tyrone.Hayss hindi parin siya magbabago,simula't sapul napaka antukin na niya.Lagi siyang napapagalitan sa klase back when we're still in Highschool pero syempre ako lagi ang nagliligtas sakanya.

"Uyyy Tyrone" tawag ko sakanya.

"Hmmm? Baket?" Tanong niya habang kumakain mg piattos hahaha.

"Inaantok kana talaga?" Tanong ko sakanya.

"Oo eh hayss 11:25 PM na kaya Cloud masyado nang gabi baka mamaya mag alala pa satin si Tita eh" sabi niya at nauna nang maglakad sakin.

"Tch."

Wala akong ibang magawa kundi ang sumunod sakanya.

"Uyy Tyrone saglit lang!Hintayin moko!" Sigaw ko sakanya dahil ang bilis niya maglakad.Hindi niya parin ako pinansin kaya sumigaw ulit ako.

"Uyyyyy Tyrone hintayin mo na kase ako!"

"Hahaha bilisan mo kase pars kang pagong maglakad eh hahaha" nang aasar ba to?

Binilisan ko nalang din ang lakad ko hanggang sa maabutan ko siya at binatukan ko siya kaagad.

"Ikaw!napakahilig mo mang asar!" Tatawa lang siya kahit tinatatayan ko na siya.Seriously?mamaya ka sakin.

"Eh totoo naman eh PAGONG ka hahaha" pang aasar niya ulit sakin.Sa inis ko kinurot kurot ko yung tagiliran niya.

"Aray ah- ouch uyy ano ba tama na Cloud ouch! Masakit na" hindi ko parin siya tinigilan."Oh ano ha?Mang aasar kapa ulet?"tanong ko sakanya."Pshh hindi na eto naman kasi binibiro kalang eh"he said while pouting hahaha pabebe mode siya ngayon ah haha.

"Ano yan? Ba't naka pout ka?Pacute kana naman eh hahaha" asar ko sakanya

"Hindi ko na kailangang mag pacute" umayos siya ng tayo sabay sabing"Cute na kasi ako hahaha tara na nga"naglalakad kami pauwi habang naka akbay siya sakin.

Pagkapasok namin sa bahay agad ma bumungad samin si Tita Venice.Alam kong nag alala siya samin dahil hindi kami nag paalam sakanya bago umalis.

"Oh san ba kayo galing mga bata kayo?"tanong niya habang sinusuri ang katawan namin.

" Ahh namili lang po ng susuotin namin bukas Tita"sagot ni Tyrone sakanya.

"Aba eh san ba ang punta ninyong dalawa?"tanong niya samin.

" Mag tatravel po kami ni Tyrone bukas sa Japan Tita.It will take one month Tita bago kami makabalik kaya si Manang Caring nalang po muna ang magbabantay sainyo ayos lang po ba Tita?"paalam ko sakanya.Syempre kailangan natin maging mabait para payagan tayo haha.

"Osige basta mag iingat kayo ha?" Tanong niya samin.

"We will Tita" sabay na sagot namin ni Tyrone habang nakangite kay Tita.Everyone that's what you called sweetness.Joke

Halos hindi ako makatulog ngayon dahil sa sobrang excite para bukas.Ano kayang mangyayari bukas?Haha.

1:20 AM na ng umaga pero hindi parin ako makatulog.Si Tyrone naman kanina pa tulog nung pag uwi namin.Hayss buti pa siya mahimbing nang natutulog ngayon.

Gustong gusto ko nang matulog kaya ang ginawa ko nagsalpak ako ng earphone sa tenga ko at nag patugtog.Usually kanta ng TWICE at EXO yung lagi kong pinapakinggan (for sure kilala niyo naman sila kung hindi naman edi isearch niyo hehe).Walk on memories yung pampatulog ko..wala lang nakaka relax lang yung kanta.

1 minute din ang lumipas bago ako antukin.
Bago ko ipikit ang mga mata ko humarap ako kay Tyrone na nakaharap din sakin ngayon (hindi kami magkatabi sa iisang kama) at ngumite sakanya.







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Travel With You (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon