Malaya

820 10 0
                                    

Sa dinami-dami ng taong nasalubong ko,
Bakit ikaw pa tong nakilala ko?
Sa dinami-dami ng kilala ko,
Bakit ikaw pa tong nagustuhan ko?

Ano bang meron sa iyo?
Bakit minahal kita nang todo?
Minahal mo din kaya ako?
Katulad ng pagmamahal na binigay ko sayo.

Alam mo,
Sa pagkakaalam ko,
Hindi SAKIT ang sinusuklian.
Kundi ang pagmamahal.

Ang daming tanong sa isip ko na hindi kayang saguting nitong puso ko.

May TAYO pa kaya?
O may IBA ka na.

Alam mo bang para akong nagluluto araw-araw.
Kasi para akong nagbabalat ng sibuyas.
Napapaiyak na lang, nang walang dahilan....

Oo nga pala,
Muntik ko na makalimutan.
IKAW pala yung dahilan.

Hinihiling ko araw-araw na sana di na lang tayo nagkakilala.
Na sana iba na lang ang aking minahal.
Na sana di na lang kita nagustuhan.

Pero hindi.

Anong magagawa nang puso kong sinisigaw ay IKAW.

WALA.

Mahal pa rin kita.

Siguro nga kapag pinatagal pa natin itong relasyon nating wala namang pahihinatnan,
Baka tayo lang din ang masaktan.
At dahil mahal kita,
Akaw kitang masaktan.

Kaya heto ako. Magpapalipad ng isang  ibon na matagal nang nasa hawla.
Na, sa unang tingin, yung ibon na parang kawawa ay naging masaya na.
Pero ang nagpakawala,
ay mas dobleng sakit ang madarama,
Kapag ito'y nawala.

Pero ito ang TAMA.

Malaya ka na, sa piling ng iba.

Spoken Poetry TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon