PROLOGUE

125 6 1
                                    

One day nagising na lang kami sa katotohanan na hindi lang pala IDOL ang turing namin sa kanya but we already consider her as our second mother, our Mommy Lea. Nakasanayan na naming tawagin siyang Mommy Lei even in our imagination only. She's been our strength whenever we encounter family problems, she's been our inspiration in everything we do and she's our light at times we experience the darkest side of life.

Or simple as that our world revolves around her???

Hindi ko sinasabi na tini-take for granted lang namin ang aming pamilya besides they were our first priority no matter what. They will always be our number 1 inspiration and motivation. Kahit araw-araw nila kaming pinapagalitan dahil sa fangirling life namin kay Mommy Lei kesyo daw siya ang topic namin palagi, kesyo yung cellphone at laptop namin puro pictures niya pati kwarto namin puro mukha niya eh sa maganda siya eh! Parang nagseselos ba sila? Pero ang hindi nila alam na sa tuwing tinatapunan nila kami ng masasakit na salita doble pa ang sakit nun lagi nilang sinasabi "ayan bababa na naman ang grades mo dahil dyan sa lintik na Idol idol na yan" wala kaming mapuntahan o masabihan ng sakit pero pag nakita lang namin yung picture ni Mommy Lei it's just that na we found refuge, comfort and felt security beside her.

Alam mo yung feeling na nadinig mo pa lang ang pangalan niya your heart skips a beat?

Yung feeling na when you see her pictures and videos gusto mo ng gumulong-gulong, tumalon-talon at tumili nang walang bukas?

Yung feeling na kapag narinig mo siyang kumanta eh parang nakarinig ka ng anghel na bumubulong sa iyong tenga. If you hear her laugh, chuckle and giggle it's like music to your ears that you want to listen to everytime.

And most importantly when you see her smile completes your day. Yung tipo na bad mood ka na pero nakita mo lang siyang nakangiti okay ka na ulit!

Yung feeling na gusto mong manabunot, manapak at mang-torture ng tao kapag may narinig kang hindi magandang bagay na sinasabi ng iba tungkol sa kanya or should I say ang mga haters at basher na inaaway siya.

Actually yan ang nararamdaman naming tatlo, parang halo-halo! Oo tama kayo ng nabasa, tatlo kaming magbestfriends na adik na adik at baliw kay Lea Salonga.

You can call us with our nicknames Joy(girl), Pao(half gay, half girl?) and Bree(girl) here at your service.

So this is the start of our story......

-----BREE ^_^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FaNgIrL's LiFeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon