Pagkatapos ng like niyang yon, hindi na nasundan pa.. ilang beses ko din siyang ichat pero siniseen niya lang.. Ang kinaiinis ko pa yung bestfriend ko lagi niyang nakakachat nililike niya rin yung mga post nito. Sobrang naiinggit talaga ako sakanya pero hindi naman dapat dahil bestfriend ko siya, kapag tinatanong ko naman siya kung anong pinag uusapan nila sinasabi niya lang wala..
Nagsimula lang naman lahat ng ito nung nilike niyang picture namin ni jen eh.. Kinabukasan kase non sinabi sa akin ni jen na inadd daw siya ni cedric at nag chat din daw sila, nainggit talaga ako sakanya non, kse naman si cedric pa talaga yung nag add sa kanya tapos nag chat pa sila.. sino bang hindi maiinggit diba? napaluha pa nga ako non eh.. buti nalang napunasan ko kaagad kase ayokong masira yung saya sa mukha ng bestfriend ko kahit na alam ko na ang dahilan ng ngiti niya ay ang taong matagal ko ng pinapangarap..
Ang pinagtataka ko lang bakit parang kilig na kilig siya? Eh alam naman niya na may gusto ako kay cedric. Kahit na masakit iniisip ko nalang na mas mahalaga ang bestfriend ko kaysa sa love life ko..
Ilang araw pa ang lumipas parang mas lalo pang napapalayo ang bestfriend ko sa akin. lagi din siyang umaalis pero pag tinatanong ko siya kung saan siya pupunta sasabihin niya sa tita ko o kaya sa pinsan ko.. laging ganon.