Introduction

116 4 0
  • Dedicated kay Jhoan Festin Ü
                                    

Luha ng Pulang Rosas

 Mundo ko’y nagliwanag ng namasdan ka

Puso ko’y bumilis ang tibok sa kaba

Di ko mapaliwanag ang nadarama

Pag –ibig na ba ito o aking sinta

Nag daang mga araw nakillala ka

Ika’y mabait at matulungin pala

Ang aking nadarama ay tumindi pa

Ang puso ko sayo ay napaibig na

Ako’y may nalaman sa ‘king kaibigan

Ang pagmamahal sayo’y di masuklian

Biglang nabuwal ang mundo sa nalaman

Para sa ating ligayang walang hanggan

Pero ang damdamin ay di papipigil

Ang pag ibig sa iyo’y di papipigil

Mamahalin ka parin ng buong giliw

Para sa akin ito’y aking mithiin

Masakit man, ako’y umaasa parin

Lahat gagawin upang mapansin mo rin

Puso mong yan sana lang ay mapasakin

Lahat gagawin, ako lang ang mahalin

Pag-ibig ko sayo’y binabalewala

Umaasa lang pala ako sa wala

Ang sugat sa aking puso ay malala

Tuwing gabi di maiwasang lumuha

Bakit di mo ako magawang ibigin?

Wala ba talagang pagtingin sa akin?

Wala bang pag asa na iyong tanggapin?

Ang pag-ibig kong kay tagal  nililihim

Kailangan bang sayo’y ulit ulitin

Di lang kaibigan sayo’y aking turing

Ang aking dasal ay iyo sanang dinggin

Ang puso ko sa iyo lang nakatingin

Pag-ibig mong kung saan-saan ay hanap

Kahit sa iba’y hindi ko mahagilap

Tanging ikaw lamang ang pinapangarap

At ang pagsinta mong walang kasing sarap

Kaya ngaun itong puso’y naghihirap

Dahil sa iyong pag ibig na mailap

Ang inaasam asam iyong pagsulyap

Na sa iba ay bumaling at lumingap

-

Iba Pala Talaga kpag Inspired ,

Nakakagawa Ng Tula .

kaso Yung Tula ko Pang BH :((

Bagay Sakin.

Sa Susunod kaya ? Dii Na kaya Pang BH Yung Gagawin ko ?

Sana Oo :)

Tadhana ( ON GOiNG ) <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon