Chapter 1:Unang Pagtatagpo

0 0 0
                                    

'Ringgggg...ringgggg...ringgggg'

"Hmm..." Ungol ni Rachelle.

'Tok-tok-tok'

"Baby Rachelle!Gising na !Malelate ka na sa school! Ree!Gising na!" Ani Ate Noriel.

"Hmm...Antok pa po ako."Ani ko sa inaantok na boses.

'Inaantok pa 'ko eh!'

"Baka magalit na naman  si Ate." Ani Ate Noriel.

"Hayss...Okay." Sabi ko.

"Bumaba ka na lang.Ready na  ang iyong agahan." Ani Ate Noriel.

'Haysss...Another boring day...'

Bumangon na ako at naligo.Pagkatapos,pumili na ako ng damit sa walk in closet ko.Wednesday ngayon kaya PE uniform ang susuotin namin ngayon.
Kumuha ako ng isang crop top,isang black leggings,and one cardigan at isinuot iyon.

Pagbaba ko nakita ko si Mamá(Spanish accent) na nakabihis.
"Mamá,sa'n po kayo pupunta?"tanong ko sa kanya.
"Papasok na ako sa opisina,hija. May kailangan pa kasi akong tapusin doon."
"Ahh,si Papá po?"
"Nandun na sa opisina,hija kanina pa.Oh sige,ha,mauuna na ako sayo anak.Kumain ka ng mabuti bago pumasok ha ,para hindi ka magkaulcer. Sige,Adios!"sabi ni mama Sabay halik sa'king pisngi.
"Siege po,ingat po kayo.Adios."

Pumunta na ako sa komedor.

"Halika na,Ree.Kumain ka na." Ani Nana Lisa,ang mayordoma dito.Saka pinaghanda ako ng upuan.

"Kumain na din po kayo,Nana." Sabi ko sa isang magalang na boses.

"Tapos na ako,hija.Kumain ka na lang diyan." Ani Nana Lisa.

"Okay po."

Kumuha ako ng hotdog,bacon,bread,and fried rice.Tsaka uminom ng gatas.Oo,tama kayo.Umiinom pa rin ako ng gatas sa edad na dise sais.Si mamá kasi eh.Overprotective!But,I prefer milk than coffee naman eh kaya...okay lang.

"Nga pala,Nana...Saan po ba si Ate Noriel?" Tanong ko kay Nana na nasa tabi ko at nakatayo.

"Ahh...Si Ma'am Noriel?Pumasok na sa eskwela.Sinundo kasi siya ng boyfriend niyang si Sir Mathew." Ani Nana Lisa.

"Ahh...okay." Sabi ko.

Si Ate Noriel ay nakababatang kapatid ni Mamá.Ate ang tawag ko sakanya dahil ayaw niya kasing patawag na tita dahil nakakatanda daw.At saka...21 years old pa naman siya eh.Dito siya nakatira dahil galing siyang Spain at napagdesisyunang dito na lang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral ng pagiging doktor.Ayaw niya kasing tumira sa isang condo o hotel kaya dito na lang siya pinatira ni Mamá.

Tinapos ko na ang pagkain ko at tumayo na.
"Nana,aalis na po ako." Sabi ko at humalik sa pisngi niya.Nakagawian ko na iyon dahil si Nana ang nag-alaga sa akin simula ng ipinanganak ako.

"Sige,mag-ingat ka,hija." Ani Nana.

Kinuha ko na ang bag ko at nagpahatid na sa aming driver na si Manong Roland,asawa ni Nana Lisa.

Not A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon