Ringgg.....
"Okay class it's already time.Prepare for the quiz tomorrow."
Napaerap na lamang ako sa ere.Prof lalabas ka na nga lang ng room,nagiwan ka naman ng lagim.Maarte kung kinuha yung phone ko at nagselfie.
"Perfect."Nakangiti kung saad sa sarili ko saka inupload ito sa Ig account ko.Hindi pa man umabot ng tatlumpong segundo ay nagsunod sunod na kaagad ang mga naglike nito at yung mga comments.Niligpit ko na yung gamit ko at lumabas ng room na may malaking ngiti.Naabutan ko sa labas ang matalik kung kaibigan na maarteng pa tingin-tingin sa relo nito na animo'y kanina pa naghihintay.
"Why you're so matagal?Nangangalay na yung mga legs ko."
Reklamo kaagad nito saakin pagkalapit ko sa kanya.Napaerap na naman ako sa kaartehan ng babaeng ito.As if umabot ng 2 minuto itong naghihintay saakin.
"Whatever Page.Let's go,baka nasa gate na si Dad."
Sabi ko at nauna nang naglakad sa nagrereklamo paring si Page.
"Hey!Hinatayin moko."
Sigaw nito at tumakbo palapit saakin.Napangisi naman ako ng nagrereklamo na naman ito dahil iniwan ko daw siya.Ngunit naglaho iyon ng makita kung nasa unahan namin sina Ranel at Samantha.Tskk..Siniko namam ako ni Page na ngayun ay natahimik na.Alam kung nag alala lamang ito saakin but I can handle this.As if magpapatalo ako sa Samanthang iyan.Poker face lamang akong naglakad at ilang hakbang nalang ay magkakasalubong na kami.Napatingin sa gawi ko si Ranel at nagtama ng mga mata namin,enerapan ko ito at hanggang nasa harapan na kami ng isa't isa.
Napa ngisi naman si Samantha,I know kung ano ang nasa isip nito.
"Well,well,well.Look who's here."
Nakangising sabi ni Samantha at malanding pumulupot sa braso ni Ranel."Shut up Samantha!Atsaka pa harang harang kayo jan pero dahil ayaw naming madumihan ng basura,kami na lang ang mag aadjust."
Bitch na pagkasabi ni Page at hinila ako paalis na ngunit napatigil din ako ng hawakan ni Samantha ang braso ko.Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni Ranel ngunit wala itong ginawa,nanatiling tahimik parin ito sa tabi ni Samantha.Gigil akong sapakin ang pagmumukha niya pero pilit kung pinakalma ang sarili ko.
Hinablot ko yung braso ko mula sa pagkahawak niya at naarteng pinagpagan ko iyon na animo'y may dumi.Napangiti ako sa isip ko dahil sa reaksyon ni Samantha.
Ganyan nga.Mainis ka.
"Page,may dala kang alcohol?Nadumihan kasi yung braso ko?"Sinadya kong palakasin yung boses ko at hindi nga ako nabigo dahil napatawa iyong ibang estudyanteng nakikinig sa amin kanina pa.
"Oh sure sis.Nadala ko yung alcohol ko,tama ngang lagyan mo baka magka rashes ka."
Nangiinis na saad ni Page at inabot saakin ang alcohol niya.Maarte kung binuhosan nito yung braso ko.
"There,wala ng dumi."Nakangiti kung sabi at tiningnan ang pulang pula na sa inis na si Samantha.
"Y-you witch!"Naiinis na singhal nito saakin.
"Harmless witch,yeah.How about you?Page may naisip kang ipapangalan sa kanya?"May bahid na pangiinis paring tono na tanung ko kay Page na ngayu'y tuwang tuwa sa mukha ni Samantha.
"Hmmm..ano nga ba?"Nagkunwari pang nagiisip si Page."Ahh I know na Goddess of Germs will do right Bele?"Nakangising tumingin ito saakin at natatawang hinawi yung buhok niya.
"Yeah,sounds perfect.And I guess sinayang ng DYOSANG ito ang oras natin."
"Yes,napalapit pa tayu sa dumi.Ang sad."Naka pout na sabi ni Page.Ako,pinipigilan ko lang matawa sa mukha ng haliparot nato.
BINABASA MO ANG
A Princess Who Lost Her Crown
Historical FictionAng dalagang spoiled brat at hindi kayang mawalan ng gadgets at internet connection. Ang dalagang umiikot ang mundo sa teknolohiya sa henerasyong ito. Ngunit siya rin ang dalagang napili. Ang dalagang dadalhin sa panahong hindi pa nadidiskobre ang a...