Nagising ako sa ingay na nagmula sa labas ng kwarto ko.Mga boses ng maraming tao na naguusap.
Hayst!Ang daming bisita naman nina Daddy?At ang aga-aga pa nambu-wait.What!
Napabalikwas ako ng bangon at ang inakala kung nasa loob ako ng kwarto ay isang pagkakamali bagkos ay nakahiga pala ako sa damuhan sa ilalim ng napakalaking punong ito.Napatayu ako at pinagpagan ang aking sarili.
Paano ako napunta dito?Matapos kung maaksidente--wahhh!!Am I dead?Pero wala naman ako sa langit ahh o sa empiyerno.Gosh!Wag naman don sa huli kung sinabi.Pero basi sa paligid ay para akong nasa sinaunang panahon.Saang lugar kaya ako ng Pilipinas na trip nilang pangsinaunang panahon ang klase ng bahay nila.Napatingin ako sa braso ko ng bigla itong nangangati.
"Ano ba yan.Ang kati."
"Arghhh..Ewww.Baka magka rashes ako.Gosh!"
Ngunit napatigil ako sa pagrereklamo at pagkamot sa braso ko dahil bigla nalang may sumigaw na babae.
"Ang ating Diyosa ay nagbalik na!"
Sigaw nito at halata sa mukha niya ang saya ng makita ako?At ano ang ibig niyang sabihing Diyosa?Well,I know pang Diyosa ang kagandahan ko pero kailangan ba talagang tawagin ang buong bayan?
"Mga kaibigan!Ang ating tagapagligtas ay nagbalik na!Ang ating Diyosa!"
Muli nitong sigaw na nagpa agaw ng pansin sa ibang mga tao.Napatigil ang lahat sa kanilang kanya-kanyang ginagawa at masayang nagtatakbuhan papalapit saamin.
"Maligayang pagbabalik aming Diyosa."
Sabay-sabay nilang sabi at lumuhod sa aking harapan ang lahat ng mga tao.Totoo nga ba talagang nasa sinaunang panahon ako?Ngunit papaano?Napaatras ako nang nagbigay sila nang mga prutas,karne ng hayop,mga gulay galing sa kanilang mga ani at iba pa bilang alay saakin.
"Maligayang pagbabalik aming mahal na Diyosa at tanggapin po ninyu ang aming alay bilang pasasala--"
Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ng isa sa mga nag-alay saakin dahil bigla akong natisod saaking inaapakan dahilan nang aking pagkahulog sa malambot na kama?
Nagitla ako sa bilaang may kumatok sa pintuan ng silid na ito.
"Paumanhin aming mahal na Diyosa sa pangiisturbo ko sa inyu ngunit batid kung kayo'y pagod sa inyung paglalakbay at hindi nakapagpalit ng naaayon sa inyung gusto gamit ang inyung kapangyarihan kaya dinalhan po namin kayo ng inyung bagong damit at naihanda na po namin ang inyung paliguan at --"
May sasabihin pa sana ito ngunit pinutol ko na ang sasabihin nito.Ibig sabihin ay silid pala ito ng kanilang Diyosa.
"Okay,ako na ang bahala.Maaari na kayung umalis."
Malumanay kung sabi na animo'y isang Diyosa.Narinig ko pa silang nag uusap paalis.
"Anong ibig iparating nang Diyosa sa o-okey- na iyon?Isa ba iyong bagong pangalan sa atin?"
"Tumahimik na kayo,isang kapangahasan ang paguusapan ang Diyosa."
Hindi kona narinig ang iba pa nilang pinag-uusapan dahil nakalabas na sila ng tuloyan.Tumayo nako at lumabas ng silid at tinungo ang daan papuntang paliguan.Agad ko itong napapansin dahil sa kumikinang na tubig na tinamaan ng liwanag nang araw.Pagpasok ko ay napuno ng mga nag gagandahang bulaklak ang paligid ng aking paliguan.Napapitlag ako ng biglang may humawak sa aking balikat.
"Patawarin po ninyo ako anming Diyosa sa aking kapangahasan ngunit tatanggapin ko po ang nararapat na parusang ibibigay ninyu saakin."
Mangiyak-ngiyak na humingi ng tawad ang isang tagapag silbi ng kanilang Diyosa which is me na ngayon.Kapangahasan?Grabe naman nabigla lang kaya-ay oo nga pala nasa ibang panahon ako.Taas noo akong tumindig sa harapan nito at nasalita.
BINABASA MO ANG
A Princess Who Lost Her Crown
Ficción históricaAng dalagang spoiled brat at hindi kayang mawalan ng gadgets at internet connection. Ang dalagang umiikot ang mundo sa teknolohiya sa henerasyong ito. Ngunit siya rin ang dalagang napili. Ang dalagang dadalhin sa panahong hindi pa nadidiskobre ang a...