Part 1

1.2K 154 35
                                    


"Halika, tingnan mo itong bulaklak bagay saiyo."

Lalapit sa akin si Bernardo at ilalagay sa aking tenga ang bulaklak, madalas niya itong gawin sa t'wing may madadaanan kaming bulaklak.

Labing-limang taon ako, samantalang siya'y labing anim.

Aminado akong may gusto rin ako kay Bernardo, batid naman niya.

-1976-
"Maligayang ika-labing anim na taon, Georgina. Pasensya na kung ito lamang ang aking regalo."

Iniabot niya sa akin ang telang may burda ng aking pangalan, simple man ay ito ang pinaka-gusto ko.

-1977-
"Georgina, malapit kana maging ganap na dalaga. Isang taon na lamang, maligayang ika-labing pitong taon. Heto nga pala ang regalo ko.

-1978-
"Dalaga kana! Ngayon, ika'y labing-walo na. Anong regalo ba ang gusto mong matanggap?"

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy, sinabi kong ikaw ang gusto kong matanggap ngayong ako'y ganap ng dalaga, Bernardo.
Hindi ako nagkamali na ikaw ang napili kong maging nobyo.

-1979-
"Isang taon na tayo, kailan mo ako balak ipakilala sa magulang mo, Georgina? Hindi ko na nais pang i-lihim ito."

Natakot akong ipakilala ka sa aking magulang, dahil ako'y ipinagkasundo nila sa isang mayaman na taga-Bayan, hindi ko masabi-sabi saiyo.

-1980-
Ang pinakahihintay kong taon upang aminin sa aking magulang ang lihim nating relasyon, hindi ko na rin kaya pang i-tago, nais ko ring putulin ang kasunduan nila sa lalaking iyon.

Ako'y dalawampung-taon na.

Sinabi ko sa iyo na pumunta ka ng alas-otso ng gabi, dahil ipapakilala na kita.

"Georgina, magbihis ka ng magarang kasuotan."

Utos sa akin ni Itay.

"B-bakit ho, Tay?"

"Susunduin kana ni Roger, huwag kana magtanong."

Sa pananalita pa lamang niya'y batid ko ang mangyayari, mabilis akong pumunta sa aking silid hindi upang magbihis ng magarang suot, kun'di mag-impake ng damit.

"Georgina"

Mahinang sambit, sumilip ako sa bintana at nakita kita. Naghanap ako ng tyempo upang tumakas, ng makita ko si Itay na umidlip ay mabilis ngunit tahimik akong lumabas.

"Itakas mo ako, i-layo mo na ako rito, Bernardo, i-sama mo na ako kahit saan."

Hindi kana nagtanong 'pagkat nababasa mo ang takot sa aking mukha, hinawakan mo ang aking kamay at sabay tayong tumakbo papalayo.

"Huminto kayo!"

Sigaw ng lalaking naka-sakay sa sasakyan, lumingon ako't nakitang si Roger ito. Mas lalong bumilis ang pag-pintig ng dibdib ko, sa takot.

"Georgina, tumakbo kana. Huwag mo hayaang mapunta ka sa kaniya, naintindihan mo?"

Hinawakan mo ako sa balikat, at sinabi ang ilang kataga. Gusto mo akong tumakbo at ikaw naman ay maiiwan.

"Hindi, magkasama tayong lalayo."

Mangiyak-ngiyak kong pamimilit, ngunit natatanaw ko na ang sasakyan ni Roger sa ating direksyon.

"Tumakbo kana! Lumayo ka, tumakas ka! Mahal kita, Georgina, umalis kana."

Wala akong nagawa kun'di ang tumakbo, hingal na hingal habang umiiyak.

Isang putok ng baril, halos mapaluhod ako. Alam ko ang nangyari, alam kong sa mga oras na iyon ay nalagutan kana ng hininga.

Nang makalayo ako, napaka-dilim na, isang bangin ang natagpuan ko. Tutal ay wala ng dahilan pa upang ako ay mabuhay, tumingin ako sa kalangitan, bilog na bilog ang makintab na buwan, unti-unti kong iniyapak ang paa ko hanggang sa tuluyan akong mahulog.

(May part two.)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FlamesWhere stories live. Discover now