" a-ate gutom na " mangiyak-ngiyak na sabi ng kapatid ko kahit ako rin ay nagugutom na“opo alam ni ate, cute cute mo talaga” nakakaawa na tong sitwasyon namin, di ko na kakayanin na ganito nalang lagi.
'Kainis! bakit pa kasi ikaw ang nawala ma? bakit hindi nalang yung magaling mong asawa laki-laking tao walang silbi.'
Simula nung nawala siya laking pinagbago ng buhay namin yung dating masaya at makulay kabaliktaran nalang ngayon.
' Mother dear from the universe of heaven may favor lang sana ako, ma paki multo naman yung asawa mo pwede rin sunduin mo na, alam mo naman basta wala ng silbi dapat kinukuha na'
napahagikhik nalang ako sa mga naiisip ko. Well totoo naman talagang wala siyang kwenta, dinadala pa babae niya sa bahay kapal ng mukha.
Haist... here i am again sa harap ng bahay ni aleng Mona ang mata pobreng Chismosa na daig pa ang reporter sa paghagilap ng mga issue.
I have no choice siya lang ang mahihingian namin ng tulong, siya lang din naman kasi ang mayaman dito sa purok namin, purok na maraming marupok na gaya mo.Naka uwi na akong may dala, tama lang din para sa tatlong araw. Well it's not bad.
“Lukas tignan mo oh may dala si ate, tara kain na tayo”magiliw na sabi ko na agad din niyang kinuha at inamoy.
Sino ba ang hindi lalanghapin ang ulam na umaapaw sa sarap? Syempre lahat tayo ginagawa yun lalo na pag adobo di narin ako makapag antay na makatikim uli ng karne. Nauna ng pumwesto sa upuan si Lukas habang ako naman ay naghahanda ng pinggan para sa aming dalawa, syempre pray first bago kain para naman may blessings.
Masaya at busog kaming nagtapos ng kain dahil ayaw ko ng patrabahuin si Lukas Pina upo ko nalang siya.
Habang inaayos ko ang mesa nahagip ng paningin ko ang mga kabataan na nagsasaya sa labas habang kami heto nagbabanat ng buto para mabuhay.
Swerte ng mga ibang bata.
Sana makapag-aral ulit ako.
Sana palarin ako sa mga plano ko.
Kasama ka ron sa plano ko mama, Kasama kayo lagi ni Lukas...kayo ang lakas ko at kayo rin ang buhay ko.Ito-tudo ko na ang desisyon ko, luluwas ako ng bayan para maghanap ng trabahong may mas malaking sahod.
Sana ay palarin ako.
Pinatulog ko na si Lukas dahil alam kung uuwi na naman ang magaling naming ama, baka saktan niya naman niya uli si Lukas pag nakita niya ito, niyakap ko ang kapatid kong mahimbing ng natutulog dahil alam ko bukas at sa susunod pang araw ay di na muling mauulit pa.
YOU ARE READING
Untouchable Billionaire (Ongoing)
General FictionI think our life is a journey, and we make mistakes, and it's how we learn from those mistakes and rebound from those mistakes that sets us on the path that we're meant to be on. ----------- "Sa tingin mo ba ginusto kong umalis sa oras na yun?" She...