The story of us part 1

2 1 0
                                    


Highschool ako ng makilala ko si Josh isang pogi at matangkad na lalaki. First daw of school kaya hindi ko pa siya lubusang kilala. 

-Ako po si Leyna Santos from Makati. 

*Ako po Joshua de Jesus from taguig. 

Ayon at narinig ko ang kanyang buong pangalan nya.Nakilala ko jessel seatmate ko. Sinama nya ako para ipakilala sa mga friends nya. since kami na ang palaging pagkasama pinakilala nya din ako sa pinsan nyang si josh. Tuluyan ko na nga syang nakilala. Nakakasama naming syang mag meryenda sa canteen minsan, madalas kasama ay ang mga kaibigan nya.

Nagkakwentuhan kaming tatlo. Nagkapalagayan naman ng loob. Ok naman siya. Medyo madaldal din siya tipong buong buhay na nikwento na nya. Nakakatawa.

*Hi this is josh. Musta? – gulat ako ng biglang magtext si josh. San mo nakuha number ko, reply ko. Sabi nya sa pinsan ko. Ayon, nagpatuloy ang conversation naming.

Meron siyang crush, kaya lang hindi sya type nung babae. Sabi pa nya. Patay na patay daw siya dito. Ouch.. parang na hurt ako dun ah. Crush ko na siya since nung unang nakita ko sya. Patay malisya lang ako para hindi obvious. Iwas tukso.

Aray sabi ko noon. May gusto kang babae sakin mo pa talaga sasabihin. Ano naman paki ilam ko. Sabi ko sa sarili ko. 2nd year na kami magka text pa rin kami gang 4th year wala pa kasing k-12 noon. April graduation na namin. Sabi nya pupunta daw siya sa bahay naming makikikain. Sabi bakit wala ka bang handa?? Gusto doon sa inyo e, sabi nya. Nagpunta nga ang mukong. Kinagabihan nagtext si josh sabi nya would you be may girlfriend? .............. wwwwwhhhhaaattttt?? Totoo nab a ito? Kinilig ako syempre. Tapos tumawag.

Josh: hi

Ako: hello, bakit?

Josh: wala masama bang tumawag? Nagtext ako

Ako: oo nga,

Josh:anong sagot mo?

Ako: ha? Nanliligaw kb? Manligaw ka muna.

Josh: pano ba manligaw di kasi ako marunong.

---end---

After month

Josh: would you be my girlfriend?

Ako: okay,

Josh: sinasagot mo na ako? Talaga? Yes yes

Ako: speechless


Nag aral na sya sa ibang baguio kasi gusto daw nya sa malamig na lugar. Ako naman sa manila pa rin.

Twice a month lang siya umuwi ng manila. Since, nasa abroad ang mga magulang nya sunod sa layaw ang peg nya.

Nakapag tapos na kami ng pag aaral. Nurse ang tinapos nya. Ako naman business administration. Parehas n rin kaming may trabaho.

Nang isang araw sabi sa akin ni josh. Pinapapunta na daw sya ng mama nya sa Canada. Nalungkot ako kasi magkakahiwalay kami. Mama at papa nya ang nandoon wala siyang kapatid nag iisang anak. Gusto daw nilang makasama ang kanilang anak doon.

Wla akong magawa kasi mama nya yun. Sbi nya sakin lagi naman tayong mag uusap tatawagan kita at may social media na makakapag video call pa tayo. Iyak pa rin ako ng iyak. Yakap ko sya ng mahigpit.

1 mo. Na ang nakalipas, 1 mo. na din kaming magkausap thru social media. Ang hirap nang long distance relationship. Hindi ko makakwentuhan ng matagal kasi may trabaho din sya at mag kaiba rin ang oras namin.

Nagpatuloy ang ganung scenario namin.

After a year nanlamig na sya once a mo. na lang kami kung makapag usap. Hangang sa Makita ko thru friends nya nagtatag sa kanya, na lumalabas siya kasama ng mga bago nyang friens doon. Nag paparty party. Syempre marami ring party girls dun.

Nag usap kami madaling araw dito, doon gabi. Sinabi ko sa kanya na ayaw ko syang nagpupunta punta ng bar. Bigla na lang nya kung binabaan ng cellphone. At hindi na siya tumawag ulit matapos ang mag uusap naming yun.

After 3 mons. Nakita ko na may kasama na siyang babae. Ako nagpatuloy rin ako sa aking buhay. Kung kaya nya, kaya ko rin. Masakit sa makiramram yung ganun pag uusap lang tapos ganun na agad agad may babae na syang iba. 

The story of USWhere stories live. Discover now