TWO

95 13 3
                                    

ERROR AHEAD! 🙂

Papasok na ako sa University. Nasa gate palang ako kita ko na agad ang mga Lover's.

Nakaka inis, naiiyak ako.
Hinampas ko nga ang sarili ko para matauhan at wag na masakta. Diba parang tanga lang

"Anong sumapi sayo Best at hinahampas mo ang sarili mo?" nagulat naman ako sa pag sulpot ng kaibigan ko sa gilid ko.

"Bakit ba para kang kabuti Patring?"

"Hoy babae! Wag mo iniiba usapan!" Naka lunok ata 'to ng megaphone kalakas lakas ng boses e, samantalang nasa harap lang ako.

"Ito naman. Kasi naman ang aga-aga may mga Lovers."
Tapos nag lakad na ako, hinabol naman niya ako.

"Anyare teh? Parang wala kang lover kung umasta... Saka bakit kaba naka Sunglass? Hindi pa tumitirik ang araw. Teka...May sore eyes kaba?"

Huminto naman ako saka siya binatukan.

"Aray! Bakit ba?" reklamo niya.

"Naka sunglass lang may Sore eyes agad? Diba pweding namaga lang ang mata sa pag iyak, " saka ko ulit siya tina likuran.

"Umiyak ka!?? Bakit?!"

Natampal ko nalng noo ko. Isigaw ba naman kasi, kaya ayan nag tinginan samin ang mga nag lalakad papasok.

Hinila ko nalang siya papuntang Cafeteria.

"Bakit ka nga umiyak? Saka patingin nga," hinablot na niya ang Sunglass ko,
"Ano bayan Best, ang pangit mo. hahaha...Aray!!"

Inapakan ko lang naman ang paa niya. Yan ang mapapala mo, pag tawanan ba ko.

"Ikaw, nakaka dami kana sakin ah!" pagsusungit nito.

"Ano naman? Saka pinag tawanan mo ko e, nilait mo pa," nagtatampo ako ng konte.

"Binibiro lang naman kita... Ano nga bang dahilan ah?" Nag siryuso na ng mukha niya.

Nanggilid naman ang luha ko.
"Best, Kasi nakipag Break na sakin si Tristan...Ang sakit naman kasi e."

"Gaga! Malamang masakit yan kasi First heartbreak mo saka siya kasi nakipag break kaya doble hurt yun.. Pero bakit daw siya nakipag break?" usisa nito.

"Iwan ko. Nakipag break lang siya, sinabi niya lang na... Ayoko na. Mag hiwalay na tayo, tapos umalis na." umiiyak na ulit ako.

"GAG* palang Tristan yan eh! Nakipag hiwalay ng walang dahilan? Makarma sana yun, mag ka pimple naman sana siya ng lima sa mukha!"

Natawa naman ako sa pinag sasabi niya.. Seriously? Mag ka pimple ng Lima? haha sabagay makinis kasi mukha nun. Pero sinaktan niya ko... Kaya dapat lang magka pimple nga siya ng Lima.

Nag punta na kami sa Room namin at ayon.. Wala namang nangyaring Exciting hanggang matapos klase namin. Si Patricia may last Subject pa siya kasi kailangan niya mabawi ang bagsak niya last sem.

Kaya ito ako mukhang tangang pababa ng hagdan.. Nakaka inis kasi naiisip ko parin ang damuhong iyon. Umolan pala kaya may mga tubig tubig sa hagdan.

Nasa huling tatlong baitang na ko ng hagdan ng madulas ako kaya parang nag slowmo ako pabagsak..

Pabagsak??

Oo babagsak ako sa simento. Kaya ipinikit ko ng mariin ang mata ko at inihanda ang katawan ko sa masakit pag bagsak ko sa matigas ng sahig.

Pero parang ang tagal ko naman yatang mahulog samantalang malapit nako sa baba.

Iminulat ko ang isa kong mata.
(~_o)

✔️ Akala Ko Totoo (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon