KABANATA 3

6 0 0
                                    

     

3 - KABABATA

EMERALD POV




"Good morning class.." bati ni Maam Aira habang naglalakad papunta sa teacher's table sa harapan.



Tapos na ang christmas vacation kaya back to school na ulit. Pangthird subject namin ang social studies at teacher namin ngayon si Maam Aira.



"So, kamusta ang bakasyon?" tanong ni Ma'am Aira. Sabay sabay naman nagsalita ang mga kaklase ko at nagkwento ng mga nangyari sa kanila nung bakasyon. Merong nagpunta sa tagaytay, nagluneta park, umuwi sa probinsya o kaya nagswimming. Kami kasi nasa bahay lang.



"Ang dami niyo naman palang ginawa nung bakasyon, ibig sabihin niyan ready na kayo sa lesson natin for today..so you better seat down properly." napa 'aww' naman ang mga kaklase ko, may nagsabi pa na bukas na lang maglesson si Maam Aira pero di siya natinag sa mga kaklase ko. Kinuha niya yung book namin sa social studies at nagsabi ng page na magiging lesson namin. Napansin ko naman na parang may hinahanap si Maam. "Nasaan si Arevalo?" may sumigaw naman na hindi daw pumasok. Hinahanap niya pala ang pamangkin niya.

Buong ko araw ng klase hindi pumasok si Daniel. Naglalakad na ako papasok ng subdivision namin. Habang naglalakad, nakasalubong ko si Raymond, isa sa kababata namin ni Daniel na kapit-bahay lang niya.



"Emerald!" tawag niya sabay takbo palapit sakin. "Kamusta kana?" tuwang tuwang sabi niya.

Ninitian ko naman siya. "Ito ayos lang..kailan ka pa umuwi dito?" tanong ko sa kanya. Sa Maynila na kasi nag aaral ngayon, nakatira siya sa Tita niya.

"Dito ako nagpasko at new year..hindi nga lang ako makapunta sa inyo kasi panay alis namin ni Nanay.."



Tumambay muna kami ni Raymond sa isang tindahan malapit sa phase nila. Hindi pa naman madilim kaya ok lang na mag usap kaming dalawa. Nakauniform pa ako kasi hindi pa naman ako nakakauwi sa bahay.



"Kamusta na kayo nina Dandan?" tanong siya sakin. Napalingon naman ako sa kanya.



Malamang Ems magtatanong yang si Raymond, best friend niya kayong dalawa ni Dan e.

Sobrang close silang dalawa ni Dan, kung ako ang best friend ni Dan sa babae, siya naman ang best friend ni Dan sa lalaki. Sabay talaga sila lumaki. Wala pa kami dito sa Cavite, magkaibigan na sila.



"Ok lang naman. Hindi pa ba kayo nagkikita? Di ba magkapit-bahay lang kayo?" pagtataka kong tanong. Dalawang bahay lang naman kasi ang pagitan ng bahay nila sa isa't isa.

"Nakikita ko siya pero hindi ko pa nakakausap. Napapansin ko din na palagi siyang may kausap sa cellphone niya kapag nakatambay siya sa labas ng bahay nila." uminom muna siya ng softdrinks na binili namin at pinalagay lang sa supot. "I saw him many times with a girl..kilala mo ba yun?" sabi pa niya.

ONCE UPON A TIME : Be My Wish 💖 (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon