KABANATA 4

5 0 0
                                    

    

4 - That Boy

EMERALD POV




"Hindi ganyan..." sabi ni Daniel tapos tinuro niya ulit sakin yung steps na nakakalimutan ko palagi. "Ganito oh." pinakita naman niya sakin yung step at pinagmasdan ko naman siya habang ginagawa yun.



Magaling sumayaw si Dan, hindi siya nasali sa dance group pero, hilig niya talaga kasi yun at isa sa rason kung bakit ko siya nagustuhan dahil dun.



"Sssorry, nagets ko na.." kinakabahan kong sabi. "From the start tayo." napa 'game' naman si Dan. Umulit kami from the top, sinayaw namin yung steps na tinuro niya.



Ang nabunot naming sasayawin ay panghiphop na My Humps ng Black Eyed Peas kaya kailangang nakakaindak talaga dapat kung paano namin sayawin ito. 

Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang bewang ko habang nasa likod ko siya. Kasama talaga yun sa step namin para daw mas maganda sabi niya. Hindi ko naman pinahalata sa kanya na nagulat ako at nahiya sa paghawak niya sa bewang ko. Last position namin na napractice ay nakaharap ang katawan ko sa kanya habang nakahawak ako sa balikat niya, habang siya naman ay nakahawak sa bewang ko na parang nakaalalay siya sa akin.

Naramdaman ko namang bumitaw na siya sa pagkakahawak sa bewang ko kaya napaayos naman agad ako ng tayo.



"Kaya mo naman pala e. Kanina hindi mo magawa." puri niya sakin. "Konting na lang matatapos na natin." sabi pa niya tsaka uminom ng tubig.



Nasa tapat kami ng bahay namin nagpractice. Sa buong third grading period si Dan lang ang naging kapartner ko kasi sabi ni Sir Rosales, kung sino daw ang partner namin from the start sila na din partner namin hanggang fourth grading activities kapag by two ang activity. Kaya no choice ako.

Fourth grading na namin ngayon, final project namin kay Sir ay dance contest by two kaya todo practice kami ni Dan kasi parehas namin gustong makakuha ng mataas na grade kay Sir Rosales.



Nakita ko namang kinuha na niya ang bag at polo niya sa upuan kung saan niya pinatong ang mga gamit niya. "Sa next friday na tayo ulit magpractice, may pupuntahan ako bukas at sa linggo e." sabi niya habang nagpupunas ng pawis.



Napatango na lang ako habang tinitigan ko siya habang nagpupunas siya ng pawis niya. Parang naging slow motion yung bawat kilos niya at pagpunas niya sa batok at leeg niya, tapos bagay na bagay sa kanya yung pagkabasa ng buhok niya dahil sa pawis. My gaaaaaad! Hot ni Dan..



Napatigil naman ako sa pagtitig sa kanya nung maramdaman kong nakahawak siya sa braso ko. "Ha?"

"Sabi ko, pupunta ako sa Maynila kaya wala ako bukas at sa linggo..magpractice ka na lang ng magpractice, matatapos naman na natin yung kanta e." explain niya. Napatango na lang ako sa kanya tsaka siya naglakad papalayo habang nagwewave sakin.

ONCE UPON A TIME : Be My Wish 💖 (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon