THAT WOMAN IS INLOVE WITH THE JERK?
KABANATA 1
Hello sa inyo ako si Taki Yashira Haru isa akong babaeng mahiyain at medyo nerdy pero itong pagiging nerd look ko ay trip ko lang talaga. Kaya lang naman ako naging nerd dahil mahilig lang ako mag aral at magbasa ng libro. Tsaka iyon ang tawag sa akin ng mga ibang bully sa school. Palagi rin akong nangunguna sa klase. 17 years old. May kapatid ako isa mas matanda sa akin. Ang course nya ay Med. Kasi gusto nya mag doctor.
Ala sais palang ng umaga ngayon. Mamaya pang 8 ang pasok ko pero may flag ceremony kami kasi Monday ngayon kaya dapat 7 palang ay nasa school na kami. Ok na rin para sabay na kami ni kuya na pumasok.
Ready na akong pumasok kaya bumaba na ako upang kumain. Pagka-dating ko sa kitchen ay nandun na si kuya na naka de kwatro pa habang kumakain, si mommy na nakikipag-usap kay daddy, at si daddy na nagbabasa ng dyaryo na may hawak hawak na kape habang nakikinig kay mommy.
"Good Morning!" masiglang bati ko sa kanila
Binati naman ako ni mommy pabalik si daddy nginitian lang ako tapos si kuya naman tinignan lang ako. Nakakainis sila eh. Ayaw kasi nila na mag nerdy looks ako eh ako kasi gusto ko eh. Actually hindi naman sa pagmamalaki pero maganda talaga ako. Pinepeke ko lang ung mukha ko ngayon. Ewan ko pero sa totoo lang pag maganda ka kasi syempre maraming magkakagusto sayo tapos may mga makikipagkaibigan sayo pero di naman totoo. At ayoko ng ganun kaya ito ang solusyon sa problema ko. Ang problema nga lang dito ayaw nila mommy tapos na bubully pa ko sa school pero okay lang naman iyon sakin basta walang mga plastic na kaibigan.
Umupo na ako at sumabay na sa kanila sa pagkain. Hindi na rin ako nakipag kwentuhan sa kanila dahil hindi din naman nila ako kinakausap pag naglalagay ako ng kung ano ano sa mukha ko pwera nalang kung kinakailangan talaga. Si kuya? Mema lang yan gaya gaya kila mommy pero ang totoo close na close kami nyan. Ewan ko ba dyan ang lakas ng trip tapos ang weird nya minsan.
Nang matapos nang kumain umakyat na si kuya sa kwarto nya para magbihis. Ako naman ay umakyat na rin sa kwarto upang kunin ung mga gamit na gagamitin sa school.
Saktong pagbukas ko ng pinto ay nag-bukas na rin si kuya ng pinto. Nginitian nya ako at niyaya na pumunta na sa kotse. Sinunod ko naman sya at bumaba na at pumunta na sa garahe. Sumakay na ako sa kotse ni kuya. Hindi naman nagtagal ay dumating naman na si kuya.
"Alam mo kuya mema ka kanina eh noh di mo ko pinansin eh may saltik ka talaga." Kunwaring naiinis ako habang sinasabi iyon kay kuya.
"Sus ewan ko sayo haha trip lang talaga kita kanina hahahahaha" sagot naman ni kuya habang tumatawa na kala mo ay walang katapusan. Seryoso ang weird talaga ni kuya sa totoo lang wala talagang nakakatawa sa sinabi nya eh ang lakas talaga ng sapak.
Nag kwentuhan lang kami ng kung ano ano ni kuya habang nag babyahe. Sya tawa ng tawa ako naman napapa-iling nalang. Kasi ba naman mag jo-joke sya ng korny tapos tatawa ng pagkalakas lakas.
Alam nyo ba kahit ganto tong kuya ko mahal na mahal ko toh. Pero legit pag si Ate Hotarie na ang lumalapit kay kuya nag babago ung personality nya alam nyo ung feeling na bigla na lang syang magiging seryoso, cold at masungit. Ewan ko ba dito.
Hanggang sa makarating kami sa parking lot ng school ayun tawa pa rin sya ng tawa. Nang maiparada nya ang kotse ay agad naman na akong bumaba. Nako hindi ko na matiis si kuya.
"Oy saglit hintayin mo ko Taki" tawag sa akin ni kuya.
"Bahala ka dyan kuya" sagot ko naman sa kanya habang patuloy sa paglalakad.
Hindi naman na kumibo si kuya. Habang naglalakad kami sa parking lot ay nakasalubong ni kuya ung mga tropa nya.
Blaze the CHICKBOY
YOU ARE READING
That WOMAN is inlove with the JERK?
ActionIsang babae ang na inlove sa isang lalaking jerk. Paano kaya pag nalaman ng lalaki na gusto sya ng babae. Paglalaruan lang ba nya ang feelings nito katulad ng ibang ginawa nya sa babae o hahayaan nya lang ito na parang wala syang pakialam. Eh paano...