Chapter 9 (Unedited version)

2.6K 59 1
                                    

(Unedited version)

Pitas Ng Rosas 9

HER hips swayed smoothly. Ginigitian na siya ng pawis sa noo habang nakatiwarik sa metal pole. Maggagabi pa lang ngunit napakarami na ng customer sa loob ng bar, at tulad noong una na sa halip ikandado niya ang sarili sa kakamukmok sa loob ng condo niya'y dinayo niya ang private room ng kanyang opisina kung saan ay naroon ang mas mahaba at klase-klaseng metal pole. May nakakabit pang tila roon na kulay puti at maroon, na sinadya niyang ilagay upang praktisan na rin. Sa isang swift movement ng mga kamay at paa ay naibalanse niya ng maayos ang sarili pataas gamit ang mahabang tila, 'tsaka dahan-dahang pinilas ang buhol na mga paa roon at inabot ang metal pole pagkatapos ay dumausdos roon.

Habol ang sariling hininga niya nang marinig ang malakas na palakpak sa bandang pintuan na nagpaangat ng kanyang tingin. "Will!"

Tumawa ang lalaki. Humihingi ng yakap sa kanya na agad naman niyang pinagbigyan, she missed his brother so much. Hindi niya akalain na bibisita ito sa kanya at nasorpresa siya ng sobra roon. Hindi naman kasi ito madalas na lumuluwas ng Manila dahil madalas ay nasa probinsya ito ng Batangas o 'di kaya ay nasa Palawan. Lugar ng parehong magulang, at ayon sa balita rito ay isang matagumpay na businessman ang kapatid. May iba't ibang resorts sa dalawang lugar at minsa'y naisip na rin niyang pumunta roon, iyon nga lang kung wala roon ang ina nito. Limang buwan noong huli silang magkita ay ang laki ng ipinagbago nito, kahit sa simpleng white polo shirt at faded jeans at sneakers ay guwapo pa rin ito.

"Naks! Ang pogi natin ngayon ah?" yumakap siya rito ng mahigpit habang ginugulo naman nito ang buhok niya. "How are you? Napadalaw ka?"

He shrugged his shoulders. "Binibisita ko lang kasi ang princesa ng pamilya Aragon, ikaw ang kamusta? Okay ka lang ba dito?"

Bumitiw siya ng yakap rito at inilibot ng tingin ang mga metal pole sa pribadong kuwarto, katabi lang ng opisina niya. "May sagot na sa tanong mo, Will. Alam mo ba na ang saya ko nitong mga nakaraang araw?"

"Hmm," umangat ang kanang kilay nito sa sinabi niya. "Maliban sa pagiging pole dancer, I guess you're in love?"

Napahalakhak siya rito. "Hindi ako in love, 'no."

Mayamaya ay iniwas niya ang mailap na tingin na kinangiti ng kapatid niya at tukso nito sa kanya. Alam niya mismo sa sarili na nagsisinungaling lang siya. Hindi biro ang pinagdaanan niya nitong nakaraang araw, inaamin niyang miss na miss na niya ang lalaking madalas laman ng kanyang isipan. Mukhang nahulaan na rin ng kapatid niya ang bagay na iyon kahit itanggi pa niya rito ang totoo.

"Alam na ba ng mommy mo ito? Hindi ba ang sabi mo sa akin ng huling tawagan kita ay pinapauwi ka na niya? To celebrate your upcoming twenty first birthday?"

Hindi niya nakalimutan iyon. Madalas rin na ang mommy niya ay tumatawag sa kanya. Kinukumusta siya. Actually, kaninang umaga ay may patyunang pabati na ito sa kanya. Akala niya ay sermon na naman ang aabutin niya rito, pero sa huli ay humihingi ito ng pabor na umuwi na siya at nami-miss na siya nito. But she refused the order, may pinagpangakuan na siyang tao na gusto niyang makasama ito sa birthday niya. At iyon ay ang lalaking gumugulo sa kanyang isipan.

"Mas gusto ko rito, Will. Siguro naman maiintindihan iyon ni Mommy, gusto kong dito i-celebrate ang birthday ko kasama..."

Napalunok siya. Paano niya ba sasabihin ang klase ng relationship na meron sila ng lalaking laman ng isip niya? Nahihiya siya sa sariling kapatid. At hindi ito gago na mag-iisip na wala silang ginawa. Na nahuhulaan na nito mismo ang relasyong meron sila ni Leon.

"Kasama ang taong nasa isipan mo ngayon?" anito. "Tell me something about this man, Katty."

Natahimik siya bigla roon. Pero sino ba siya at maloloko ang sariling kapatid? Lalaki ito at alam niya na mas marami itong karanasan kaysa sa kanya. At puwede ring humingi siya ng payo rito kung sakaling umamin siya. Tutal naman ay sa ilang taon, dito siya madalas magsabi ng saloobin. Lalo na 'pag napapagalitan siya ng mommy niya.

Pitas Ng Rosas (Self-Published via Sanctum Press Inc.) ®🔞+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon