Prologue

4 0 0
                                    

"Kunting pihit na lang," bumulong si Yukiko habang binubuo niya ang isang puzzle. Ilang hakbang na lang at makakamit na niya ang pag-ibig ni Ryo. Ngunit isang kampana ang tumunog, nagpapahiwatag na tapos na ang oras.

"Hi...hindi! Kunti na lang..," nabitawan ni Yukiko ang puzzle. Biglang bumigay ang katawan niya habang ang kaluluwa niya'y hinigop sa loob ng puzzle.

"Tapos na ang oras mo. Akin na ang iyong kaluluwa. Fufufufu..." isang boses ang umalingawngaw sa loob ng silid. Isang dalagita ang lumapit sa puzzle at pinulot ito. Itinaas niya ito sa harap ng kanyang mukha at nagsimulang magsalita.

"Ang sinumang may kahilingan ay maaring lumapit sa akin. Isang laro ang dapat laruin upang makamit ang nais. Sa tagumpay, Panaginip ay matutupad. Sa pagkabigo, kaluluwa ang kabayaran."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ghost Maiden in the PuzzleWhere stories live. Discover now