The Priest

62 0 0
                                    

THE PRIEST

2014 by

L_ZuFuckera

Fascinated ako sa mga simbahan. maa-amaze ng kanilang mga structure at ibat'ibang makikitang mga santo.I always think that every church is an obra-maestra. 

ang mga haligi nito at ang mga santo nito ay mga napakaganda. lalo na na ang mga naggagandahang mga damit ng ating poong ina, si mama mary.

iisipin mong mabuti na bawat sanot na makikita mo ay may bawat storya.

may kababalaghang nangyari sa isang simbahan sa Albay.

ayon sa kwento, gabi-gabi daw ay may naglalakad na mga paring walang ulo sa loob ng simbahan at minsan ay magmemesa pa kahit hatinggabi na.

 Pero ang mas nakakatakot ang nalaman kong kwento. Sabi ng isa kong kakilala, tuwing fullmoon ,ang mga pari ay lumalabas ng simbahan at kumakatok sa bahay ng mga mamamayan. Kapag kinakatukan ng pari ang isang bahay, siguradong may mamamatay na myembro ng pamilya.

 Pumunta kami ng mga kaibigan ko sa bayang ito. agad kaming pumunta sa simbahan na malapit lang sa tinitirhan naming bahay.

 Maliit lang ang simbahan at napaghahalataang itoy luma na. sa pagpunta namin, may nakasabit pa na mga banderitas dahil kakatapos palang ng kanilang fiesta.

 Sa bandang likod ng simbahan ay may sculpture ng birhen na nakatayo. paghumarap ka sa pintuan ng simbahan, agad mo makikita ang kampana nito dahil nasa baba lang ito nakasabit. Sa loob nito, makikita mo ang naka-tile na sahig. Bawat sulok na iyong titingnan ay may santo.

 Hindi rin papadaig sa kagandahan ang kanilang altar. Ang krus ay yari sa kahoy na may imahe ni kristo na nakaukit sa gitna. Ang altar ay yari sa blackstone at marmol ang kinalalagyan ng tabernakulo.

 Ang kalapit-bahay sa aming tinitirhan ay kinatok ng pari noong isang linggo. Pagbukas niya sa pinto, nakikita nya ang asawang nagtatrabaho sa Maynila. Ngunit nang kanyang idilat ang mga matay wala na ang pigura ng asawa. Kinaumagahan, tinawagan ng ginang ang mister at kinumusta. pero okey naman daw.

 Nakalipas ang isang linggo, biglang naaksidente ang asawa. Nasaksak nang itoy napadaan sa isang kanto pauwi sa tinutuluyan nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 14, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The PriestWhere stories live. Discover now