Kabanata Onse

1.8K 51 0
                                    

Apelyido
ni MeasMrNiceGuy

Kabanata Onse: Ang Pagwawakas

"Mukhang may isang madadagdag sa listahan ng mapapatay ko ngayon," wika ni Karl.

"Happy! Anong ginagawa mo rito? Umalis ka na!" sigaw ni Saluk.

"Hindi, Sal. Hindi ako aalis rito!" madiin ang pagkakasabi ni Happy na hindi siya aalis. Nakakuyom pa nga ang mga kamao nito. Hindi niya ipinahalatang natatakot siya.

"Gusto ko ang tabas ng dila mo, binibini. Kung iyan ang iyong nais, panoorin mo na lamang ang gagawin ko!" nginitian lamang ni Karl si Happy at tinalikuran ito.

Mula sa kaniyang likuran ay may kinuha siyang isang matulis na bagay -- isang gunting. Tinungo niya ang kinaroroonan nina Tador at Matias.

"Kung hindi mo kayang panoorin ang makikita mo, binibini, ang mabuti pa ay tumalikod ka na lamang o mas makabubuting umalis ka na lamang. Binibigyan kita ng pagkakataon ngayon." utos nito kay Happy. At sinimulan niyang gupitin ang mga kasuotan ni Tador.

"Anong ginagawa mo?! P**ng **na! Itigil mo iyan!" nagpupumiglas si Tador kahit isang mata na lamang nito ang nakakakita sa ginagawa sa kaniya. Nang makita ni Happy na wala ng pang-itaas si Tador ay tumalikod na lamang ito.

"Umalis ka na lang, Happy!" utos nito sa kaibigan pero umiling lang si Happy. Pinagmasdan na lamang niya ang paligid at hinanap ng kaniyang mga mata ang ibang kaibigan.

"Natatandaan niyo ba ang ginawa niyo sa matandang babae at lalaki?" mulagat naman ang mga mata nina Matias, Saluk at Damion nang bumaba sa pantalon ang pagugupit ni Karl.

"Parang awa mo na! Huwag mo nang ituloy ang gagawin mo!" pagmamakaawa ni Tador. Pero hindi nakinig si Karl. Natanggal na nito ang suot na pantalon at tanging pangloob na lamang ang natira. Ngumiti muna nang nakakaloko si Karl at tinungo naman nito si Matias.

Ganoon din ang ginawa niya. Pinaggugupit niya rin ang mga damit nito hanggang sa pantalon niya at iniwan din ang pangloob.

"Mukhang hindi bagay ang may suot pa kayong salawal, kaya tatanggalin ko na rin ang mga iyan!" sugat-sugat na ang mga kamay at paa ni Matias sa kakapiglas hanggang sa mahuburan na nga siya. Nagawa ring hubaran ni Karl si Tador.

"Patayin mo na lang ako! Hindi iyong ipinapahiya mo pa kami!" bulyaw ni Matias. Nanlilisik ang mga matang itinutok ni Karl ang tulis ng gunting na hawak nito sa leeg ni Matias.

"Hindi ka ba nahiya nang gawin mo iyan sa matanda sa gitna ng bayan? Kulang pa iyan. At dahil nagmamadali ka, gagawin ko na ang susunod!" mala-demonyo na ang mga ngiti nito at agad na hinawakan ang naghuhuramentadong pagkalalaki ni Matias at ginupit ito.

Gulat na gulat naman ang magkakaibigang nagtatago sa sigaw ni Matias. Patuloy ang paghihiwa at pagugupit ni Karl sa pagkakalaki nito. Nang maputol ito ay ipinasubo niya pa ito sa bunganga ni Matias. Hindi pa nakuntento si Karl ay pinagtatarak niya nang makailang ulit ang dibdib ni Matias hanggang sa isa-isang sumirit ang dugo nito. Hindi na mabilang ang pagsasaksak nito hanggang sa maging kulay ube na si Matias.

"KUYA! Tama na iyan!" sigaw nang sigaw si Saluk. Si Happy naman ay biglang lumapit kay Saluk at sinimulang kalagan.

"Huwag kang magkakamaling kalagan si Saluk!" nakita iyon ni Karl at binantaan nito si Happy na halata na ang sobrang takot sa kaniyang mukha.

Tumahimik na lamang ang dalaga. Tumalikod muli ito nang lumapit naman si Karl sa kinaroroonan ni Tador na kitang-kita na ang panghihina. Dahan-dahan niyang ginilitan ang leeg ni Tador. Sunod sunod ang pagtilamsik ng dugo sa leeg nito. Pinagsasaksak niya rin ito gamit ang kutsilyo at gunting.

Punong-puno na ng dugo ang mukha at kasuotan ni Karl. Tila nasaniban na ito dahil titig na titig na rin ito kay Damion. Nilapitan nito si Damion at binunot ang isang baril sa tagiliran nito.

Tiningnan muna niya ito kung mayroon pang bala. Agad siyang dumiretso sa kinauupuan ni Saluk. Itinututok nito kay Saluk. Gulat na gulat naman si Happy sa nakikita niya.

"Pakiusap, walang kasalanan ang kapatid mo rito, Karl. Si Damion ang puno at dulo nitong lahat!" kay Happy naman itinutok ni Karl ang baril.

"Huwag! Walang kasalanan ang kaibigan ko rito, kuya!" pagpipigil ni Saluk.

"Tama na! Tapusin mo na ako, Karl! Patayin mo na ako!" napalingon naman sina Happy, Saluk at Karl kay Damion.

"Hindi ako ang papatay sa iyo, Damion!" nagulat si Damion nang kinakalagan nito si Saluk. Nang matanggal ang nakatali ay agad nitong ibinigay kay Saluk ang baril.

"Ikaw! Ikaw, Saluk ang papatay sa kaniya! Ngayon, patayin mo sa harapan namin ang puno't dulo ng lahat ng paghihirap ko! Patayin mo ang iyong ama!" humahalak na at wala na sa sarili si Karl nang hawakan niya ang mga kamay ni Saluk at hinila ito palapit kay Damion.

"Patawarin mo ako, anak, Saluk sa mga nagawa ko. Kung ito rin lamang ang magiging solusyon ss lahat, masaya na akong magagawa mong wakasan ang buhay ko pagkat nalaman kong buhay ka. Patawad, anak. Patawad."

Nanginginig ang mga kamay ni Saluk. Titig na titig ang luhang mata ni Damion sa kaniya. Ngayong nakapikit na ito at nakatutok na ang baril sa kaniyang noo ay hindi rin mapigilan ni Saluk ang makonsensiya.

"Saluk! Huwag mong ilagay sa iyong mga kamay ang batas. Please, hindi ganiyan ang pagkakakilala namin sa iyo!" sigaw ni Happy.

"Tama si Happy, Sal. Kahit may kasalanan ang lalaking iyan sa amin, hindi tayo ang dapat na magbigay ng parusa." tinig ni kuya Hayden. Lumingon si Saluk sa kinaroroonan ng mga kaibigan. Nakangiti ang mga ito sa kaniya. Ang iba ay umiiyak na rin.

"Ang sabi ko ay iputok mo na!" agad na lumapit si Karl at nakipag-agawan na ito kay Saluk sa baril. Buong lakas namang nakipagsabayan si Saluk kay Karl upang hindi nito makalabit ang gatilyo ngunit aksidente itong pumutok.

Lahat ay mulagat nang makitang si Saluk ang tinamaan. Agad na inagaw ni Karl ang baril at pinaputukan nang pinaputukan si Damion.

"Kasalanan mo ito! Nararapat lang na mapatay ka!" hindi na mapigilan si Karl. Panay ang putok nito sa katawan ni Damion hanggang sa isang bala na lang ang natira at itinutok nito ang baril sa kaniyang ulo at pinaputok.

"KUYA!"

ApelyidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon