02

25 3 1
                                    

~Lisa~

First day of school ngayon.Maaga akong nagising kasi wala sila mama at papa dito sa bahay.Agad akong nagtoothbrush at dumiretso sa lamesa namin para kumain.Pagkatapos kong kumain ay dimiretso ako sa banyo at agad na naligo.Pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako.Ang suot ko ay ripped jeans at naka crop top.Inihanda ko na ang baon ko at ang backpack ko.Kinuha ko ang backpack ko,susi ng bahay namin,at pamasahe ko at nilock ang gate namin at agad na umalis. 6:18 ng umaga ako nakaalis sa bahay.Mamamasahe pa kasi ako kasi wala akong service at malayo-layo ang school na papasukan ko kaya inagahan ko.7:00 din kasi ang pasok namin kaya kailangan maaga akong umalis dito sa bahay.Buti na lng may mobile data ako para hindi ako mainip sa biyahe.Binuksan ko ang messenger at nakita ko ang pangalan ni Genie.At yun na nga,bigla siyang nagchat.

Genie Kim
~Active now~

6:24 am

Genie:
Morning besh!

Lisa:
Morning!

Genie:
San ka?

Lisa:
Dito na nakasakay na
ng jeep.

Genie:
Ang aga mo naman
umalis.Ako nga
maliligo pa lng eh.

Lisa:
Ganon talaga.Sige na
besh malapit na ko
bumaba. BYEE!

Genie:
Geh.Ligo na din ako.
BYEE!

Pinower off ko na ang cp ko dahil malapit na ko bumamba.Pinara ko na ang jeep at bumaba na.May lalakarin pa kasi bago makapunta sa PSHS.Malayo-layo din ang lalakarin ko.Makitid lang kasi ang daanan kaya hindi puwede makapasok ang kahit na anumang uri ng sasakyan except sa mga motor at bike. Di kalayuan,may nakita ako dalawang lalaki na nakabike.Parang pamilayar sa akin ang kanilang mga mukha.Kaya,bigla na lng akong napa-isip.

Si Vincent ba yon at si Jason?
OMG parang sila nga! Pero bakit nakabike lang sila? Oo nga pala bawal dumaan ang mga sasakyan dito.Lalapitan ko ba sila o hindi na? Parang gusto ko eh pero... basta! Ang gulo nanaman ng isip mo Lisa!

Bigla na lang akong napahinto sa pag-iisip at paglalakad nang may bumusina na motor.

Hay nako... Panira naman eh.. May iniisip ako dito tapos biglang bubusina?! 

Bigla kong tinigilan ang pag-iisip nang tiningnan ko sa relo ko at 6:43 na.Buti na lang ay onti na lang ang lalakarin ko. Nagpatuloy na ko sa paglalakad at narating ko na ang school ko.Ang ganda ng school na ito. Napakalaki.Pumasok na ko rito kasi baka ma-late ako dahil hahanapin ko pa kung saang room ako.Tiningnan ko sa listahan at nakita ko ang aking pangalan.Lisa Manoban.Nakita ko na ako ay sa Room 10 3rd floor.Bigla akong napaisip sa mga oras na iyon..

Nubayan sa 3rd floor pa.Aakyat pa tuloy ako.Hay nakoo..

Tumigil na lang ako sa pag-iisip at dumiretso na sa 3rd floor Room 10.Pumasok na ako sa loob at pumili ng puwesto.Nakita kong nandoon na sina Alyssa,Bella,Allison,Andrei,
Coby,Mark,Andrea,Cathy,Vincent Jason,at iba pa.Pero si Genie ay wala pa rin.Tahimik lang ako na nakaupo doon at hinihintay si Genie.Maya-maya pa ay dumating na si Genie.Buti na lang hindi siya late kasi 6:53 na siya nakadating.Pumili naman siya agad ng upuan.Pinili niya ang upuan sa tabi ko.Tinanong ko agad siya.

Normal-Lisa
Italic-Genie

"Bes,bakit ngayon ka  lang dumating?"
"Grabe traffic bes."
"Ah ganon? Buti na lang maaga ako umalis."
"Bes,tingnan mo yung mga babae na lumalapit kina Jason at Vincent."
"O? Anong meron?"
"Parang naiinis sila Vincent at Jason sa kanila."
"Pabayaan mo na lang sila."
"Ok."

The Broken HeartWhere stories live. Discover now