His Thoughts

59 2 4
                                    

Heto ka ngayon. Umiiyak na naman sa tabi ko. Pang-ilang beses na nga ba? Walo? Siyam? Sampo? O higit yata. Hindi ko na mabilang. At ilang beses ka pa nga ba iiyak?

Umiiyak ka dahil sa lalaking 'yon. Sino ba sya? Ha? Bakit ba palagi mo na lang siyang iniyakan? Ni minsan hindi ko pa siya nakikita. Kinukwento mo sya sa'ken palagi. Nag-mistula na nga akong diary ninyong dalawa eh. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Wala eh. Bestfriend mo ko. At alam kong hanggang dun na lang ang role ko sa buhay mo dahil meron ng 'sya' na gustong-gusto mo.

Sa kaniya ka masaya. Madalas sya ang topic natin kapag magkasama tayo. Alam mo bang sawang-sawa na ako sa palagian mong pagbanggit ng mga pangyayari sa buhay niyo? Minsan nauulit mo na 'yung mga naikwento mo na. Gusto na nga kitang sigawan ng 'Tama na! Naririndi na 'ko!' Pero hindi ko magawa, dahil baka magalit ka at tumakbo palayo sa akin.

Never mo pa rin nabanggit sa'ken ang pangalan niya. Pag tinatanong ko kung ano ang pangalan niya ay isang matamis na ngiti lang ang isinasagot mo sa'kin. Ganun mo na ba sya kagusto na mabanggit lang ang tungkol sa kaniya ay ngingiti ka na agad? Sinubukan ko alamin mula sa mga kaibigan mo kung kilala nila ang lalaking tinutukoy mo pero wala silang ideya. Wala ka raw nababanggit sa kanila tungkol doon.

High school pa lang tayo ay magkasama na tayo. At mula pa noon ay gusto na kita palaging nakikitang nakangiti. Kahit hindi ako ang dahilan. Basta masaya ka, masaya na rin ako. Gano'n naman yata talaga kapag in love eh. Oo, matagal na kitang gusto. Matagal na kitang pinapangarap. Sinabi ko sa sarili ko noon na pagdating natin sa tamang edad ay aamin na ako sa'yo. That I would take all the risks basta masabi ko lang sa'yo na gusto kita. Pero huli na. Bago ko pa man masabi ang dapat kong sabihin ay nauna kang magtapat-- na may gusto ka sa isang tao-- at alam 'kong hindi ako 'yun. Nasaktan ako ng sobra pero pilit ngumiti at sinabiing 'May gusto din ako sa isang tao.' Agad nagliwanag ang mga mata mo. Yung bagay na gusto 'kong maging reaksyon mo sana kapag nagtapat ako na 'ikaw' ang gusto ko. Tinanong mo kung sino ang tinutukoy ko. Pilit akong ngumiti. Kinain ko lahat ng sinabi ko na I'm willing to take all the risks. Natakot ako dahil may iba kang gusto. Ayokong layuan mo ako. May iba ng nagpapasaya sa'yo. 'Hindi mo sya kilala.' Iyon lang ang isinagot ko sa'yo. Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas mula sa bibig ko. Pero wala na eh. Hindi ko na nabawi. Nakangiti ka pa rin. 'Masaya ako para sa'yo best!' Yan ang isinagot mo.

Pinilit ko ang sarili ko na ibaling na lang ang nararamdaman ko sa iba. May itinuro ako sa'yong babae na hindi ko kilala and told you that she's the one that i like. I just pretend na may gusto nga talaga ako sa iba. Pero palaging Mission Failed. I'd always end up loving you. Sa sarili ko na lang nasasabi ang mga bagay na ito.

Unang beses na umiyak ka sa'ken dahil sa kanya ay noong bakasyon. Sinabi mo na ang lamig ng pakikitungo niya sa'yo. Tinanong ko kung kayo na ba. Sabi mo ay hindi pero gusto mo dahil mahal na mahal mo siya. I felt my heart cracked that minute. Umiyak ka lang nang umiyak hanggang sa sinabi mong 'Hindi niya ako mahal.' Pakiramdam ko ay wasak na wasak na ako noon. I wrapped my arms around you to comfort you. 'Tahan na Mica. Everything will be alright.' Hindi ka tumigil sa pag-iyak. I embraced your tears.

Naulit ng naulit ang pag-iyak mo sa mga balikat ko. At hanggang ngayon. Sa mga oras na ito ay umiiyak ka na naman. Kung noon ay palagi kang masaya kapag kinukwento mo siya sa akin. Ngayon ay palagi ka nang umiiyak. Sa sobrang inis ko ay gusto ko siyang sugurin kung nasang lupalop man siya ng daigdig ngayon. Wala siyang karapatan na saktan ka. Wala siyang karapatan na paiyakin ka. Sino ba siya sa akala niya? Pero paano ko 'yun magagawa eh hindi mo pa siya pinapakilala sa'kin. Hindi mo pa nababanggit ang pangalan niya. Kahit anong pilit ko noon na alamin ang pangalan niya hindi mo sinasabi sa'kin. Sinabi ko noon na dapat kilala natin parehas kung sino ang mga taong gusto natin. Ngumiti ka pa nga sabay sabing 'Pangako best! Sayo ko unang ipapakilala.' Nakalimutan mo na ba? Nasan na ang pangako mong iyon? Bakit mo hinahayaan na saktan ka niya? Bakit hindi mo na lang siya iwan?

Bakit ba kasi siya pa ang mahal mo? Nandito naman ako ah. Hindi ba pwedeng ako na lang? Ano ba kasing nakita mo sa kanya? Ako, matagal na nandito sa tabi mo! Pero bakit sya pa? Kung sinabi ko ba sa'yo noon na gusto kita, may mababago kaya? Ako na kaya ang mamahalin mo? Funny how i can't have the courage to tell these things to you. Napakalaking torpe ko talaga pagdating sa'yo.

Again I embraced your precious tears. 'Mahal na mahal ko siya.' bulong mo pero sapat na para marinig ko. Pawang mga hikbi na lang ang naririnig ko. Wala akong magawa dahil hindi ako ang nagpapasaya sa'yo. I feel worst I guess. 'Tahan na Mica. Everything will be alright. Kalimutan mo na siya. He's not worth your precious tears.' bulong ko sa'yo.

Ako na lang ang mahalin mo. Pipilitin 'kong wag kang saktan. Poprotektahan kita. Hinding-hindi kita iiwan. Pipilitin 'kong wag kang paiyakin 'coz I always love to see your smile. And I miss it. Just love me.

Wrong ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon