Her Thoughts

46 3 1
                                    

Bakit kasi kailangan 'tong mangyari? Everything was almost perfect. Akala ko okay na ang lahat. But, unfortunately, I always end up crying like a child.

May mga bagay talaga tayong hindi masabi-masabi gaano man natin gustuhin.

Palagi na lang ba akong iiyak? Nakakainis naman e! Hanggang kailan ba papatak ang mga leche 'kong luha na ito? Grrr! Kung kailan ready na ako saka ka naman lumayo. Manhid ka ba o nagmamanhid-manhidan?

Matagal na tayong magkasama. Madalas 'kong iparamdam sa'yo na sobrang mahalaga ka sa akin. Pero palagi na lang ako nagtatapos sa pagiging best friend mo. Hanggang doon na lang ba talaga? Noong panahon na umamin ako sa'yo na may gusto ako sa isang tao. Bakit hindi mo man lang tinanong kung sino 'yon? Instead sinabi mo lang na meron ka na ding nagugustuhan. Alam mo bang sasabihin ko sana na matagal na kitang gusto? Na 'ikaw' ang taong minamahal ko sa palihim na paraan! Nagulat man ako sa confession mo, naglakas-loob pa rin akong itanong kung sino ang babaeng tinutukoy ko, pilit ngumiti, umasa na sana ay ako ang tinukoy mo. Pero sinabi mo na hindi ko 'siya' kilala at ngumiti ka ng matamis. Ngumiti na lang rin ako, nagkunwaring masaya para sa'yo. Kahit sa totoo lang ay pakiramdam ko sobrang bigo ako. Hindi lang pakiramdam dahil bigo talaga ako. Anak ng tokwa! Huli na nang magtanong ka tungkol sa lalaking tinutukoy ko. Wala na akong alam na isasagot kaya ngumiti na lang ako at hindi nagsalita. Hindi ko na nabawi dahil baka pagtawanan mo lang ako.

Pinanindigan ko ang sinabi ko na may gusto ako sa iba. Madalas ako mag kwento sa'yo. Pero lahat ng iyon ay isang malaking kasinungalingan lang. Lahat ng sinabi ko sa'yo ay kathang-isip ko lamang, kabaligtaran ng mga nangyayari sa atin. Hindi ko nga alam kung bakit ko nagawa 'yon eh. Huli na para bawiin ko lahat kaya ipinagpatuloy ko na lang. Umaasa ako isang araw na sana ipakita mo naman sa akin na nagseselos ka. Na sana nagsisinungaling ka lang din nang sabihin mo sa'kin na may iba kang minamahal. Kaya lang nagkamali ako. Masaya ka sa tuwing nagkukwento ako. Walang bakas ng selos sa mukha mo.

Ipinakita mo pa 'sya' sa'kin-- ang babaeng gusto mo. Maganda siya, mestisa, matangkad. Balingkinitan ang katawan. Noong makita ko siya mula sa malapit naisip ko na bagay nga kayo. So I step back. Ano bang laban ng isang average girl na tulad ko sa kaniya? School mate natin siya pero hindi ko siya kilala. Nagkukwento ka ng mga bagay sa pagitan niyo. Ang pagkakaiba lang natin ay totoo lahat ng sinasabi mo, samantalang puro kalokohan ang sinasabi ko.

Hindi mo man lang ba nahahalata na nagsisinungaling ako? Napipilipit na ang dila ko dahil wala na akong alam na sasabihin. Habang ikaw ay masayang masaya pa habang nakikinig sa akin. Ang hindi mo alam ay kapag magkasama tayo at nakakatulog ka sa tabi ko kapag nasa byahe tayo. Pasimple akong umaamin sa'yo. Sinasabi ko ang gusto 'kong sabihin. Binubulong ko sa mga tenga mo na mahal kita. Malaya 'kong natititigan ang maamo mong mukha. Malaya kitang napagmamasdan nang hindi naiilang. Dumating pa 'yung araw na parang kakaiba na ang pakikitungo mo sa akin. Minsan ay napapansin 'kong iniiwasan mo na ako. Dahil ba 'yun sa babaeng gusto mo? Sino bang may kasalanan? Ako o siya?

Hindi ko man maipakita pero sobra na 'kong nasasaktan sa mga nangyayari. Pakiramdam ko ay may kasalanan din ako. Nagdulot ako ng gulo sa sarili 'kong love life. Hanggang sa napagod na ako. Madalas na lang akong umiyak sa harap mo. Minsan pa na sinabi ko sa'yo na hindi 'niya' ako mahal. Gigil na gigil ka noon at pilit inalam kung sino ang barabas na lalaking nananakit sa'kin. Hindi ko masabi sa'yo na ikaw ang nagpapaiyak sa akin. Na ikaw ang nananakit sa akin. Nauna ang takot ko na baka tuluyan mo akong iwanan. Niyakap mo na lang ako. I always feel secured in your arms, in your warm embrace. I feel safe.

'Mahal na mahal ko siya.' bulong ko sa pagitan ng mga hikbi ko. You patted my back. You kissed my head. 'Tahan na Mica. Everything will be alright. Kalimutan mo na siya. He's not worth your precious tears.' Lalo akong naiyak sa mga sinabi mo. Kalimutan? Paano kita magagawang kalimutan? You mean almost everything to me. Hindi ba kasi pwedeng ako na lang ang mahalin mo? I miss the old 'us'. Alam 'kong malaki rin ang pagkakamali ko. Malaking pagkakamali na nagsinungaling pa ako noon. Kung nasabi ko lang ang totoo na mahal kita, may mababago kaya sa pagitan nating dalawa? Magiging higit pa ba sa best friend ang relasyon nating dalawa? O lalayuan mo ako oras na malaman mo ang totoo? 'Yung bagay na ikinatatakot ko. Dahil ayokong layuan mo ako.

Isang araw pa na tinanong mo 'ko kung hanggang kailan ba ako iiyak para sa taong mahal ko. Hanggang kailan nga ba? Hanggang kailan ako iiyak dahil sa'yo? Ikaw ang gusto ko eh. Ikaw lang. Paano ba 'yun? You never failed to comfort me when I'm hurting. You're always there for me. You never leave my side. But I knew it. I always knew what those sweet gestures of yours mean. 'Coz precisely I'm your best friend. Dahil merong 'siya' na gusto mo. And I'm not her. May imaginary line parin sa pagitan nating dalawa. Pero kailan mabubura ang mga linyang 'yon? Is it meant to be erase? 'Coz I love you.

---FIN--

A/N: Thank youuu. *O* :)

Wrong ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon