Chapter 7
Zoe's POV
"Cedric"
Ahhh ... Cedric pala ang pangalan niya ...
"Pwede ba atin-atin lang to wag mo na lang akong isumbong ... gusto ko lang mapag-isa" pagsisinungaling ko sa kanya
Maniwala sana siya ...
"Nagsisinungalin ka" diretsong sabi niya
Nalintikan na !!!
*AFTER 2 DAYS*
"Zoe ?"
Anong gagawin ko ?
"Zoe ?"
Paano kung malaman ng school ?
"Zoe ?"
Paano kung - - -
"Zoe ?!"
"Ay !!! Palaka !!!"
Nabigla ako sa sigaw na yun ahh ...
May balak ba tong patayin ako sa gulat ...
"A-ano ?" sabi ko
"Bakit parang hindi ka yata nakatulog kagabi ha ?" tanong niya
"A-aah ... may iniisip lang ako" pagsisinungaling ko
"Ok and by the way ano ang susuotin mo sa aquintance party ?" tanong niya
Aquintance Party ?
A-Aquintance P-party ?
"K-kailan niyan magsisimula ?" tanong ko sakanya
"5 days from now ... oh ano sabay na tayo ... binigyan ng lahat ng permission ng Headmistress na lubas papunta sa bayan ... kaya sama ka ha bibili tayo ng damit" sabi niya at umupo na at humarap sa black board ...
Dalawang araw na ang nakaraan simula na nangyari yun ...
Hinawakan ko ang labi ko ...
Pero habang hinahawakan ko ito parang kakaiba ...
Naalala ko nanaman ang nangyari nung gabi yun ...
*FLASHBACK*
"Nagsisinungalin ka" diretsong sabi niya
Nalintikan na !!!
"A-ahh bakit naman ako magsisnungaling ?" tanong ko sa kanya
Sana ...
Please ...
"Bago ka dito ... alam mo ang patakaran dito bago ka pumasok sa gate na ang sabi ng Headmistress ay bawal kayo lumabas sa gabi ... at ngayon sa unang pagkakataon may lumabag sa isang simpleng patakaran" sabi niya
Patay na ...
"Okay tama ka na ... lumabas ako kasi - - -" hindi niya pinatapos ang sasabihin ko
"Dahil may gusto kang malaman tama ba ako ?" sabi niya
Sh*t !!!
Baka malaman to ng boung school ...
*CRACK*
Napatingin ako sa likod ko ...
"A-ano yun ?" tanong ko sa kanya
"Sh*t !!! Halikana iuuwi kita sa dorm niyo" sabi niya sabay hablut ng kamay ko at naglakad ...
"B-bakit ba tayo nagmamadali ha ?!" tanong ko ulit sa kanya
"Dapat hindi ka na lumabas sa dorm" sabi niya saakin
Tumigil ako sa paglalakad ...
"Ba - - -" hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita kasi ...
Kasi ...
HINALIKAN NIYA AKO !!!
Pero bakit pakiramdam ko parang nahihilo ako ?
Itutulak ko sana siya ...
Pero ...
Bigla na lang nagdilim ang paligid ko ...
*END OF FLASHBACK*
Yun ang nangyari ...
Paggising ko na lang nasa kwarto na ako at nakahiga sa kama ...
Pero ito pa ang mas nakakagimbal ...
Pinatawag daw ako ng Student Council President at pinapunta daw ako sa Student Council Office ...
Kinabahan ako nun kasi baka sinumbong niya ako na lumabas ako ng dorm nung gabing yun ...
Pero nagkamali pala ako kasi blinockmail niya ako ...
Ako daw ang gusto niyang date sa aquintance party ...
Hindi naman ako makatanggi kasi baka isumbong niya ako sa Headmistress ang galing noh ...
Sana pala hindi na lang ako lumabas pero dahil sa dakila matigas ang ulo ko ayan napahamak ako ...
Nandito kami ngayon ni Claire sa bayan ...
Alam niyo ba may nalaman ako tungkol sa bayan na to ...
Ang sabi daw ni Claire laganap daw ang mga bampira dito pero hindi daw siya sigurado kung totoo ba daw iyon ...
Nang makabili na kami ng damit ni Claire para sa party ay lumabas na kami na kami ng tindahan para bumili ng sapatos pero nagkamali ako dahil sa pagmuni-muni ko ay hindi ko na alam kung nasaan si Claire ...
Naglakad ako para hanapin siya pero maslalo yata ako naligaw ..
Huminto ako at nakiramdam para kasi may sumusunod saakin na hindi ko alam ...
Tumingin ako sa likod ko wala namang tao ...
Naglakad ako pero this time lumingon na ako ...
Jackpot may tao nga ...
Pero letche !!! sana hindi na lang ako lumingon kasi ...
M-may h-halimaw na sumusunod saakin ...
"AAAAAHHHHHH !!!" sigaw ko
Shete !!! ... sana hindi na lang ako lumingon ...
Tumakbo na ako ng tumakbo para hindi na niya ako sundan pero sinusundan parin niya ako ...
Lumiko ako at pumasok ako sa lumang simbahan ...
Umakyat ako ng umakyat para makapunta sa tuktok ng makarating ako sa tuktok ay agad kung sinarhan ang pinto at napaatras ...
"Wala kanang mapupuntahan ... mahal na prinsesa"
"Aaaahhhhhh !!!" sigaw ko
"Wag kanang manglaban mahal na prinsesa kasi ... HAPUNAN NA KITA !" sigaw ng halimaw
"L-lumayo ka saakin ... lumayo ka !!!" sigaw ko
"Wala kanang mapupuntaha, mahal na prinsesa" sabi ng halimaw
"Lumayo ka !!!!" sigaw ko
"Walang makarinig sayo" sabi niya habang lumalapit saakin
"H-huwag kang lalapit !!!" sigaw ko
Malapit na siyang makalapit ..
Umiiyak na ako ...
Please ...
Pumikit na ako ...
Ng biglang may yumakap sa akin ...
"Walang pwedeng makalapit sa kanya" malamig na sabi niya sa halimaw
Itinaas niya ang kanang kamay niya at bigla niyang tinapon yun bagay sa halimaw at na patulala ako ...
Nawala ng parang bula ang halimaw at ang maykagagawan niyon ay si ...
Cedric ...
BINABASA MO ANG
The Long Lost Pure blood Princess (Book 1)
VampireThe Vampire Prophecy 1 Isang araw ay nawindang ang lahat sa pagkawala ng prinsesa... At dahil dun ay nawalan ng sigla ang mahal na hari... Humingi ng tulong ang mahal na hari sa mga babaylan na bampira... Ang sabi nila maypapatay daw sa prkas na lan...