MORIEL'S POV
nandito ako sa kwarto ko nakatulala sa kisame...
Hindi talaga mawala wala sa isip ko si The parang napaka pamilyar nya talaga sakin tsaka napaka gaan ng loob ko sakanya tsk!
Bakit kaya naaalala ko yung nawawala kong pinsan sakanya? Yung tawa nya yung mga mata nya, kung paano sya gumalaw pero malaki naman yung pagkaka iba nila alam kong hindi sya yun kase yung pinsan kong yun maputi, matangkad, maganda, di nag papakita ng emosyon sa ibang tao, hindi sa sinasabi kong pangit si Thea ah maganda naman sya, di ko rin naman masasabing pandak sya sakto lang yung height nya actually at lalong di ko sinabing maiitim sya hehe maputi sya pero mas maputi yung pinsan ko
Haaays nakaka miss din yung pinsan kong yun ≧ω≦
Ilang years na namin syang hinihintay na bumalik. Ilamg year na namin syang hinahanap pero hanggang ngayon wala pa rin kaming balita tungkol sakanya.
Hindi namin alam kung patay na ba sya o buhay pa hindi namin alam kung anong klaseng buhay ang meron sya
Miss na miss ko na sya grabe! Ang sakit lang kasi sya yung laging kasama ko sya yung kakampi ko sa lahat ng bagay sya... Sya yung laging nandyan para sakin na wala pa.
Ang sakit lang... Ang sakit sakit di ko lang matanggap
Bakit.... Bakit kailangan nyang maranasan lahat ng yun? Wala naman syang ginagawang masama? Wala syang nakaaway mabait syang tao sobra! Pero... Pero bakit nangyari lahat sakanya yon
Kakaisip ko sa pinsan ko hindi ko namalayan na pumapatak na pala yung luha ko at napahagulgol nanaman
Di ako bakla putik sadyang mahal ko lang talaga yung pinsan kong yun kaya ako nag kaka ganito
Alam kong di lang ako yung nasasaktan pati na rin syempre yung iba pang pinsan ko alam kong may mas nasasaktan pa sakin
Alam ko... Alam kong mas nasasaktan ngayon yung kakambal nya. Alam kong mas masakit mawalan ng kakambal kesa sa pinsan pero alam kong pareho lang kami ng nararamdaman diba kaso mas malalim nga lang yung kanya
"tsk! Iniisip mo parin sya? " napabalikwas ako ng bangon at dali daling nag punas ng luha sa nag salita
"pano ka na ka pasok dito? " tanong ko kay kuya Mogar ang nakatatanda kong mapatid
"Moy alam kong masakit yang pinag dadaanan mo hindi lang naman ikaw yung nasasaktan sa pag kawala nya, ako din, si mommy at si daddy pero moy wag mo namang pahirapan yang sarili mo akala mo naman di natin sya mahahanap, bakla ka! Kung maka iyak wagas! " mahabang ani nya tsaka umupo sa gilid ng kama ko
"tsk! Di mo ba sya namimiss kuya? Bakit kailangan nyang maranasan yun? Bakit kailangan sya pa eh sa dami namang tao sa mundo? " tanong ko sakanya at pumapatak nanaman ang luha ko
"moy, wala tayong magagawa ito yung naka tadhanang mangyari eh. Hindi naman natin mapapalitan kung anong mangyayari diba? Walang may gustong mangyari to" ani nya tsaka unti unti ng namumuo ang luha sa mga mata nya pero dali dali nya itong pinunsan "osya labas na ako ayusin mo yang sarili mo mukha kang unggoy! " ani nya na tatawa tawa tsaka lumabas
"Baliw"bulong ko tsaka inayos ang sarili ko
Actually close kami ni kuya at close din sila ng pinsan ko alam kong nasasaktan din sya sa pagkawala nya mabait naman kasi yung pinsan kong nawawala kaya ganyan nalang yung lakas ng impact samin ng dahil sa pag kawala nya
Ilang sandali pa napag pasyahan kong mag tungo sa bahay nila alex yung kakambal ng pinsan kong nawawala
"Kuya! Mommy,daddy! Punta muna ako kela tita allysa! " sigaw na paalam ko sa kanila tsaka sumakay na ng kotse ko papaandarin ko na sana kaso sumigaw si kuya
YOU ARE READING
WHO AM I
Teen Fictionisang babae ang walang hinangad kundi ang kapakanan ng kanilang pamilya wala syang ibang ninais kundi ang maging masaya at perpekto ito ngunit isang araw may sisira sa lahat. isang sikreto... isang sikretong mag papaguho ng kanyang mundo...