Nag decide na yung group namin na mag practice na , and dun kame kila dens mag ppractice kase muka maluwag daw sa bahay nila . edi gora na kami dun. ako magtuturo ng sayaw pati na rin si dens. kailangan namin mag first dito -_- nayayabangan kase ako dun sa group nila. haaaay ginagawa nilang competition to. tipong iniirapan kame wohhoo. what the heck.
Hinde nag tetext si christian ahh , mukang busy din siguro sila. balita ko sa luneta sila nag ppractice . okay san dun? wala kong alam na practicesan don , bata pa ko nung huli akong makapunta don :D.
" game na mae , practice ulet" - sabi ni dens. tapos na yung break time namin pero wala paring text ah hmm. himala.
okay so natapos na yung practice and still wala parin. haaay okay lang yan , tsaka ano naman kung di sya magtext duhh MAE di mo sya boyfriend kaya wag ka mag feeling.
Pero di ko alam , basta di lang talaga ko sanay.
>> Fast forward
Halos 1 week na ang nakakalipas pero di parin kame ganon nagkakausap . haaay parang may something na talaga eh . Pero ang sinasabi ko lang talaga sa sarili ko , " BABAE AKO DAPAT DI AKO YUNG NAG AAPPROACH SA LALAKE , ANG PANGIT TIGNAN " bahala na.
andito kame ngayon sa auditorium at syempre nag ppractice parin kame. tas kaming dalawa , wala smile smile lang , ay ewan. binigyan kame ng kanya kanyang partition sa auditorium , tapos kany kanya din kaming sara ng pinto para di makita yung mga steps syempre di na surprise pag nakita.
" ano ba christian ! hahaha o game game hilahin mo ulit ako " - narinig ko sa kabilang partition , kaya sinilip ko agad. Nakita ko nag lalaro sila , hmm mukang tapos na siguro yung sayaw nila.
" o hahah , paunahan tayo JP ! Rica halika dito haha kampi tayo " - narinig ko nanaman sila at si christian na yung nagsabi nito. nakakainis di ako makapag focus, haaay :/
sinilip ko sila tas dumaan daan ako , pero parang wala lang hangin lang. -___- di ko alam bat ko to ginagawa. Pero isa lang alam ko , parang nag seselos ako </3.
Nakita ko sila naglalaro , at kita ko rin yung closeness nila Rica. so inassume ko agad na may gusto sya kay Rica , kase halata naman eh , pero nakakainis lang kase di nya ko pinapansin.
" nako mae tama na -_- mag focus ka sa sayaw nyo wag diyan " - bulong ko sa sarili ko , at bumalik na ko sa mga kagroup ko, nag practice na kame ng nagpractice hanggan sa pinatigil na si sir kase uwian na . Pero still di parin kami nag iimikan or nagpapansinan.
Nung nag uwian na , medyo tinitignan ko sya kase baka pansinin nya na ko at magsabay kame sa pag uwi , pero iba yung nangyare.
" okay class dissmiss "
" rica! tara sabay sabay na tayo " - sabi ni christian kay rica. TAE ANG WEIRD TALAGA !
" Sige wait lang hihintayin ko lang si Ann , sabay sabay na tayo " sabi ni rica.
Di ko alam pero bigla akong nawala sa mood. Lumabas na ko at umuwi nalang mag isa.
6:30 na ko nakauwi sa bahay , kaya natulog muna ko. hanggang sa ....
" Mae ! Mae ! gumising ka na jan bumaba ka na dito kakain na " - sigaw ng tita ko. ako naman bumaba na agad nung narinig ko iyon.
" ito na po mommy " - sigaw ko naman.
Habang kumakain kame , ay biglang nag ring yung phone ko. ( * HM.Christian * )
Gosh tumatawag sya? , agad naman akong tumakbo palabas at sinagot yung tawag nya.
" hello " bungad ko sakanya , pagsagot ko ng cell ko.
" hello , kamusta? "
" okay lang "
" kamusta sayaw nyo? "
" okay lang , tapos na namin lilinisin nalang "
" nakakainis kanina "
" bket?"
" sila belle kase , parang ano , parang ginagawang competition yung sayaw natin , iniirapan kame kanina , eh bumubukas kase yung pinto"
" ahh , oo nga napansin ko rin yun eh , yaan mo na"
" mali sila , dapat di ganun eh"
" okok. share mo lang ba yan, kaya ka tumawag?"
" osige na bbye na! ayaw mo naman ata ako kausap eh" - hahahha okay ang arte talaga best actor. haaay -___________- syempre ayoko naman pakita sakanya na gusto ko sya makausap duhh.
" osige na bbye na , baka magalit pa si rica" poop -__- anong nasabi ko? arrgh
" rica? classmate natin? "
" wala joke lang , kunyari ka pa crush mo lang yun eh"
" hala sya oh, hinde. sge na bbye na"
* end of convo. *
BINABASA MO ANG
Never Fall in Love Again
Teen FictionI'm sure makakarelate kayo sa story na to kung minsan naramdaman nyo nang UMASA , PAASAHIN , NALOKO , NA MALING AKALA, NAGMAHAL PERO HINDI NAPANSIN etc. basta kung sawi kayo makakarelate kayo dito :) Kwento ni Mae na nainlove kay Christian pero som...