Dalawang klase ng tao ang naniniwala sa tadhana. Yung una ay handang umasa't maghintay. At isa naman ay siyang kimukilos para matagpuan nya kung ano ang nilaan ng tadhana sa kanya.
***
Des' POV
Kakatapos lang ng class namin ni Kyla, papunta na kami sa cafeteria para maglunch. Dumaan kami sa campus garden, napansin namin maraming tao.
"Ano kayang meron?" tanong ni Kyla.
Hindi ko masyadong makita sa daming ng students na nakapalibot dun kaya medyo inaaninag ko yung maabot ng mata ko.
May dalawang lalaking may hawak na tarpulin na may nakalagay na "Beth, will you be my girl?". At ayun na nga, si Beth, ang cheersquad head captain ng school namin. May kaharap s'yang lalaki na may dalang gitara. Kaso naka talikod kaya hindi ko nakita.
"Ang sweet nila no?" sabi ni Kyla.
"Oo nga eh. Tara na."
Tony's POV
"Yes."
At bigla n'ya akong niyakap. Finally! Sa haba ng panahon ng pangliligaw ko, nasagot na rin ako sa wakas. Ilang araw ko rin pinaghandaan tong surprise ko sa kanya. Hard work trully pays off. Nakaka-overwhelm sa feeling na maraming tao ang naka-witness ng pagsagot n'ya sa'kin at ang sarap sa pakiramdam na kami na officially.
Para sa'kin, si Beth na yung the one. Perfect combo kami eh, sabi nila. May contrast pero may similarities din. Wala na akong hahanapin pang iba.
"I love you, Tony."
"I love you too, Beth."
I hit the jackpot.
*Few months later*
Des' POV
Nagtext sa'kin si Kyla na nauna na sya sa cafeteria kaya pumunta na rin ako. Pag dating, hinanap ko s'ya at pumunta sa pwesto n'ya. Habang naglalakad ako, napansin ko na iisa ang direksyon ng tingin ng mga students, kaya napatingin na din ako.
Nakita ko si Beth, kasama yung boyfriend n'ya. Wala lang, nag-uusap lang sila. I didn't bother watching kaya pinagpatuloy ko ang paglalakad.
Umupo ako at nag salung-baba sa table.
"Uy, bes tignan mo yun. Makikipagbreak na daw si Beth dun sa boyfriend n'ya." sumbat ni Kyla.
Lumingon na rin ako. Ang tahimik as if nasa library kami. Mas tahimik pa kamo.
Nakayuko lang yung boyfriend nya. Hindi ko pa rin nakikita yung mukha nung guy. Kahit glimpse, wala.
After ilang minutes nilang pag-uusap, I saw Beth mouthed "I'm sorry" at umalis. And that's the finish line. Nakayuko pa rin yung guy, clenched fists. Tumayo na rin s'ya afterwards.
"Tapos na ang palabas." he said.
Sabay dampot ng bag at mabilis na naglakad palabas ng dining hall.
Nakakaawa naman s'ya. I mean, okay lang naman makipagbreak pero pwede naman in private. Pero bakit nga naman ako nangingielam? Buhay naman nila yun. Malaking usap-usapan sa school yung nangyari that day.
*Years later*
Pumara ako ng taxi. Kailangan ko ng magmadali, nagse-setup na yung staff and crew sa venue. Mabuti may paparating na.
Nung huminto na, may lalaking bigla nalang binuksan yung pintuan.
"Miss, ako muna. Nagmamadali na ako eh."
BINABASA MO ANG
Destiny - One Shot Story (Tadhana Film Unofficial Spin-off)
Teen Fiction100 billion ang populasyon sa Pilipinas at posible pa bang matagpuan si "the one"? Walang kasiguraduhan kung dadating pa ba sya o ikaw na mismo ang maghahanap sa kanya. Walang kasiguraduhan kung parehas lang ang mundong kinakatayuan nyo. Kilalanin s...